CHAPTER FOURTY-TWO

19 0 0
                                    

"Friend nandyan na daw yung bagong boss." Naeexcite na sabi ni Lysa na nasa tabi ko.

"Oh talaga?" Walang kabuhay buhay na sabi ko.

Kailangan ko bang mexcite? Hindi naman. Kailangan ko bang kabahan? Hindi rin naman. Kailangan ko bang maging masaya? Lalong hindi.

"Tuh naman! Fiance mo yun kaya salubungin mo man lang. Pawelcome party baga!"

Kinuwento ko din kay Lysa lahat. Tutal alam naman nito ang tungkol sa buhay ko. Para na din may kakampi ako dito sa office.

"Shhhhh! Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo, nako ka!" Naiinis na sabi ko.

"Ay oo nga. Sorry na! Hahahaha." Nag peace sign pa ito.

"Guys, may general meeting daw mamaya before lunch break, dun na din daw mag lunch dahil magpapakain ang bagong CEO ng kompanya." Wika ni Maam Shiela na kalalabas lang galing sa sarili niyang office.

Nag simula namang mag ingay ang mga tao sa paligid. May ibang naiinis dahil may mga sariling plano. Yung iba naman natutuwa dahil sa libreng lunch at yung iba namang tulad ko na walang pakialam.

"Kaya mag ayos kayo para naman presentable kayo mamaya."

"Yes Maam." Sabay sabay na sagot ng mga kadepartment ko.

Papasok na ulit si Maam ng biglang bumalik.

"Siya nga pala Yen, baka naman umalis ka na naman ng walang paalam ?! Namumuro ka na sakin!" Galit siya, period.

"Sorry po Maam."

Umirap lang ito saka tumalikod.

Naalala ko tuloy sakanya si Prof. Santos hahahahaha!

"Uy ano plano mo? Pupunta ka ba mamaya?" Naeexcite na naman na tanong ni Lysa.

"Malamang. May magagawa pa ba ko?"

Haaaay!

Bahala na si Antman !

----

"....especially for those people who are serving this company for  more than 30 years, I 'm asking you not to worry because I dont have plans on changing te manpower of SGC." Agad namang nagpalakpakan ang mga tao.

"That's all everyone, enjoy your lunch." Nag bow pa ito bahagya saka bumaba sa mini stage.

Ngiting ngiti ito habang kinakamayan ang mga executives ng kompanya.

"Uy girl! Tama na kakatitig baka matunaw yan!" Bulong sakin ni Lysa.

"Tumigil ka nga!" Agad akong nag iwas ng tingin.

"Tara upo na tayo, iseserve na ang mga pagkain oh."

Naupo na kami ni Lysa. Kasama namin sa table ang mga kadepartment namin maliban kay Maam Shiela na panay ang papansin kay Red.

"Tingnan mo si Maam, Yen. Hahahahaha! Panay ang papansin, hindi naman pinapansin." Nakasunod si Maam Shiela kay Red habang iniisa isa nito ang mga table upang batiin ang bawat department.

"Hahahhaha hayaan mo siya." Ngiting ngiti kaming nakatingin kay Maam Shiela ng bigla itong lumingon sa amin ni Lysa. With matching fierce eyes. Hahahahha! Patay kami nito.

Agad kaming nag iwas ng tingin ni Lysa.

Maya maya ay narinig ko na ang boses nito.

"Are you making fun of me?!" Mahina pero pasigaw na sabi ni Maam Shiela.

"Ho?" Patay malisyang sagot ko.

"Nako, hindi po maam. Nagwagwapuhan lang po kami kay Sir Legaspi. Ang gwapo niya maam no?" Sabat ni Lysa.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon