CHAPTER FIVE

54 1 0
                                    

Ito na ba yun?

Pero bakit sakanya?

Anung meron siya?

Bakit?...

".......miss Maryena Santiago!"

Kasunod nun ang malakas na palakpakan ng mga tao.

Huh ? Bakit parang narinig ko ang pangalan ko?

Bakit nakatingin sakin ang mga tao?

Napatingin ulit ako sa lalakeng tinitingnan ko kanina.

Nakatingin pa rin siya sakin. Pero tinuturo niya ko.

Hindi na siya kumakanta pero ngiting ngiti pa rin siya sakin.

Anung nangyayare ?

Napabaling ang tingin ko kay Clea at miski siya ay ngiting ngiti din sakin habang pumapalakpak.

'ANG GWA-POOOO'

Hindi ko narinig na sinabi niya yun pero basang basa ko ang buka ng bibig niya.

"Nako maam, kayo po pala ang girl friend ni Sir Red, bagay na bagay po kayo." wika ng bartender na nasa likod ko.

What?!! GIRLFRIEND ?!!!

"What are you talking about?!" sigaw ko sa bartender. Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya!

"Hindi niyo po ba narinig ang sinabi ni Sir Red? Dedicated daw po sainyo ang kinanta niya."

"Huh?!"

Dedicated para sakin? Bakit sakin?

Ibinalik ko ang tingin ko sa stage pero may iba ng nakapwesto sa harap ng mikropono.

Iginala ko ang paningin ko sa buong bar pero hindi ko siya makita.

"Ang bilis namang mawala nun." sabi ko.

"Na miss mo ko agad?"

"AY PALAKANG KOKAK!"

Napatingin sakin ang mga tao dahil sa sigaw ko. Muntik pa kong mahulog sa upuan ko for the 2nd time now.

Tiningnan ko ang pinagmulan ng boses na yun. Tama ang hinala ko.

Pero bakit ganito? Masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko!

Eto na naman yung pakiramdam.

Inilayo ko agad ang mukha ko sakanya.

"What is your problem?!" Pasigaw kong tanong sakanya.

"Hey! Easy!" Ngumiti na naman ito at kinurot pa ang pisngi ko. Ano ko? Baby?!

"Don't touch me!" Dinanggi ko ang kamay niya at umayos ako ng upo. Kailangan kong magpretend na wala lang siya sakin.

Si Maryena Santiago maiinlove? Joke ba yun?

"Mas nagiging cute ka kapag nagsusungit" naupo ito sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Wait, do I know you?!"

"Exactly what I expected from the ever famous play girl of the campus."

Natawa pa ito ng bahagya at saka tumingin sakin. "I am Red Legaspi, we're classmates in English, under Ms. Santos. And, muntik mo na kong mabangga kaninang umaga." Ngumiti pa ito at saka umorder ng drinks sa bartender.

"Ohh, sorry, I am not good when it comes to faces." Sinaid ko na ang laman ng basong iniinuman ko. Aalis na sana ako ng matigilan ako.

"I just want to say sorry about earlier. Narinig ko kasi sa mga classmates natin na hindi ka na daw pinapasok ni Ms. Santos dahil nalate ka. And I assume na ako ang may kasalanan nun." Halata namang sincere talaga siya sa paghingi ng sorry.

"I don't mind at all. Nakalimutan ko na rin yun kung hindi mo sana pinaalala." Walang kabuhay buhay na sabi ko sakanya.

Well hindi ko pa talaga yun nakakalimutan. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko lang talagang makipag usap at makipag titigan sakanya ng mas matagal.

"Okay, to get even at para malinis ko ang konsensya ko, I'll treat you another drink." Tinawag niya agad ang bartender at umorder nga siya ng drink ko daw.

"You don't have to. I told you na nakalimutan ko na yun."

"I insist." Ngumiti na naman ito.

Hinayaan ko na lang siyamg bilhan ako ng drink. Okay na din yun para mas makasama ko siya ng matagal.

Ay hindi pala pwede! Ayoko pala siyang makasama ng matagal.

Tsss.....

"Aalis na ko." Sabi ko.

"Agad? Dito ka na muna. Kwentuhan muna tayo."

"Anu namang pagkukwentuhan natin? Di naman tayo magkakilala."

"You don't know me but I know you well."

"How well?"

"Very well!"

"Oh talaga? Anong year ko na?" Let's see kung kilala nga niya ko. Tingnan ko galing nito!

"Supposed to be ay 4th year ka na pero 2nd year standing ka pa rin ngayon." Nakangiting sagot niya. Wow! Confident!

"Not bad. Uhmm, nakailang shift na ko ng course tsaka ano ano yung mga yun?"

"Bali naka 5 course ka na including yung Engineering. Una culinary arts, tapos nag entrepreneurship ka din, then natry mo na ding mag tourism management tapos bago ka mag engineering, nag psychology ka muna."

Ang tindi nito ah ! Ako nga di ko na natandaan mga pinagkukuha ko ! Grabe siya! Avid fan ko yata tong lalakeng to.

"I'm impressed huh ? Eto na, last question na, what am I wearing on my very first day of school as a college student?" Hahahaha! Duda kong alam niya yun!

"You are wearing a plain pink dress." Mabilis na sagot niya.

SERIOUSLY?!!!!!

"Whoah! Stalker ba kita?!" Gulat na gulat na sabi ko. Grabe siyaaaaaa!

"Like what I said, I know you very well." Natatawang sabi niya.

"Grabe ka talaga!"

"Hahahahahahahaha! Ganda mo kasi."

Sus! Di naman! Konti lang. Hahahaha!

Pero grabe. Ang FC nito! Di naman kami friends! Ngayong araw ko nga lang siya nakilala eh. To think na hindi pa kagandahan yung first meeting namin huh?

Tapos ako? Kilalang kilala niya? Baka nga matagal na siyang may gusto sakin.

Teka nga, hindi kaya....

"Are you flirting with me?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Hahahahahhahaha!" Tinawanan lang ako ng loko! Kainis!

"Ano nga?!"

"Hindi nuh! I have a lovely girlfriend."

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon