CHAPTER SEVEN

42 1 0
                                    

Red's POV:

Nilapag ko na ang cellphone ko pagkasend ko ng txt message kay Yen at nahiga na.

Ibang klase talaga ang babaeng yun. Hahahahahhaa!

Hindi ko talaga mapigilang mapatawa habang inaalala ang nangyari kanina.

"ARAY!" Sigaw ko pagkasabunot niya sakin. Sinabunutan niya ko na para bang gusto niyang ihiwalay ang lahat ng buhok ko sa anit ko. "Problema mo?"

Wala naman akong naalalang may nasabi akong masama sakanya para sabunutan niya ako. Nagtatawanan pa nga kami kanina bago niya ko sabunutan.

"Ahmmm, ahhh, ehhhh" tumingin siya sa mga baso na walang laman na naubos namin kanina.

Nagpapalipat lipat sa mga baso ang tingin niya na para bang nandun ang sagot sa tanung ko.

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at ngumiti "Wala lang. Tinetesting ko lang yung tibay ng anit mo. At sa nakikita ko, matibay naman siya. Anung shampoo ang gamit mo?" Seryoso ang mukha nito. Seryoso ba talaga siya?!

Ipinatong pa niya ang dalawang kamay niya sakanyang baba habang hinihintay ang sagot ko sa tinatanung niya.

SERYOSO TALAGA SIYA ?!!

Di ko alam ang isasagot ko. Nakatulala lang ako sakanya.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA!! Im just kidding!" Tumawa ito ng malakas na nakapag pahinga sakin ng maluwag.

Maya maya ay nahawa na ako at tumawa na din.

"Lasing ka na!! HAHAHAHAHHAHAHA!"

-----

Yen's POV:

Friday ngayon so wala akong klase sa English. Meaning hindi ko kaklase si Red today.

Haaaaay! Excited pa man din akong pumasok.

Sa sobrang excitement ko nakalimutan ko kung anung araw ngayon.

Nanlulumo akong dumeretso sa lumang playground na nasa kasulok-sulukan ng campus sa likod ng college departmemt building.

Dito ako tumatambay kapag gusto kong mapag isa.

Wala na kasing nagagawi rito. May bagong playground na itinayo para sa mga pre-schooler at elementary department na ipinuwesto malapit sa building ng mga bata. Kaya napakaimpractical ng magpuntahan pa sila.......

Teka?! Bakit may ibang tao dito?!

May lalaking nakaupo sa swing. Sa suot niyang polo alam kong sa highschool department siya. At ang ID lace naman niyang color red ang indicator na 3rd year siya.

tiningnan ko ang mukha niya.

He perfectly defines the words "cuteness and handsomeness combined"!

Pero hindi ako makakapag emote dito kung may ibang tao kaya tumalikod na ko. Sa library na lang siguro ako pupunta.

"Miss Yen!"

Natigilan ako sa paglalakad at agad na lumingon sa pinanggalingan ng boses.

Sino yun?

Nakatitig lang ako sa binata habang tumatakbo palapit sakin.

May hawak pala siyang 3 pirasong red roses sa kanang kamay niya at papel naman na nakatupi sa kaliwa.

Taas-taas ang buhok nito. The usual hair style of a highschooler.

Nang sa wakas ay nakarating ito sa harap ko. Tumungo ito at napansin kong huminga siya ng malalim.

"May kailangan ka?" Sabi ko. Clueless talaga ko kung anung kailangan sakin ng lalakeng to. At paano niya nalaman ang pangalan ko? Hanggang sa high school department ba ay umaabot ang pagiging famous ko? Im so flattered.

"Uhmmmmmmm.."

"Hmmmmm?"

....

....

...

...

...

...

"Pwede mo ba kong yayaing mag dinner mamaya?!" Dederetsong sabi niya.

Hindi ko alam kung matatawa ako or magagalit o magugulat sa sinabi niya. Napili kong tumawa kaya ayan, pigil na pigil tuloy ako sa pagtawa.

Narealize naman niya agad kung anung sinabi niya.

"I mean ! Pu....Puwede ba kitang yayaing mag....dinner mamaya?" Pautal utal ang pagkakasabi niya.

"Are you serious?" Medyo natatawa pa rin ako.

"OO! Please?! Mag dinner tayo mamaya! 8pm sa Sonia's Bar and Resto malapit dito sa campus. Hihintayin kita!" Pagkasabi nun ay dali dali itong tumakbo.

Natigilan ako at wala akong ibang nagawa kundi sundan ito ng tingin. Seryoso ba talaga siya?

Maya maya napansin kong tumigil ito sa pagtakbo at bumalik.

"Nakalimutan kong ibigay, para sayo!" Sabay abot ng mga roses at yung papel.

Clueless na inabot ko ang binibigay niya at nagsimula na naman siyang tumakbo. Tumigil na naman ito at lumingon.

"Hihintayin kita!"

Tumakbo na siya ulit palayo. Pero tumigil na naman siya at tumingin ulit sakin.

"Mas maganda ka sa malapitan!"

At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

ANUNG NANGYAYARE?!?!?!?!

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon