CHAPTER FOURTY-SEVEN

19 0 0
                                    

"Ako?! Ikakasal?! Hindi ah!"

"Nako, Maryena! Wag ka ng magkaila. Yang expression mo pa lang halatang halatang nagsisinungaling ka eh." Nakapamewang pang sabi ni Shirley.

"Oo nga Yen. Grabe ka! Tagal na nating magkakasama dito tapos hindi mo man lang kami iinvite sa special day mo." Sabat naman ni Terry.

"Eh hindi nga ka..."

"Ehhh! Wag na kasi magkaila! Huli ka na eh" Putol ni Karla.

"Hay nako Yen, sige na aminin mo na nga, huli ka na eh." Napatingin ako kay Lysa. Tssss, mukhang wala na nga kaming maitatago pa.

"Oo na sige na. Ikakasal ako next next week. At kung itatanung niyo kung invited kayo, oo na sige na invited na." Wala na kong magawa, malamang kukulitin lang ako ng mga to buong araw.

"TALAGA?!" Tuwang tuwang sabi ng tatlo.

"Teka pero sino ang groom?" Noon lang namin napansin na nakikinig pala si Maam Shiela sa usapan namin.

"Ay Maam kanina pa po pala kayo nandyan." Sabi ni Terry.

"Hindi naman. Pero sino nga ang groom Maryena? Who's the unlucky guy?" Unlucky guy?! So anong gustong iparating nito, na hindi ako magiging mabuting asawa?!

"Uhmm si...."

"Nako Maam Shiela, ang mabuti pa pumunta na lang kayo sa kasal nila nang malaman niyo kung sino ang groom." Sabat ni Lysa sabay kindat pa sa akin.

"Ganon ba?" Mukhang naexcite si Shiela sa narinig.

"Ay nakakaexcite naman yan, wala tayong idea kung sino ang groom ni Yen." Sabi ni Karla.

"Oo nga, pero sana kilala natin no para mas masaya." Si Terry.

"Syempre kilala niyo. Kilalang kilala niyo." Sabi ni Lysa na naging dahilan kung bakit mas naexcite ang lahat.

"Kahit sino pa yang maging groom mo, walang sinabi yan sa magiging groom ko." Ngiting ngiting sabi ni Maam Shiela.

"Sino naman yan Maam?" Tanong ni Shirley.

"Sino pa ba? Edi si Sir Red. Hahahahahaha! Jan na kayo girls, mag trabaho na kayo." Ngiting ngiti si Maam Shiela na pumasok sa office niya.

Napatingin ako kay Lysa na pigil na pigil ang tawa.

"Delivery for Maam Maryena Santiago" sabi ng lalake sa may pintuan ng opisina.

"Pakilagay na lang po dito." Sabi ko sa janitor ng opisina. Pagkalagay sa table ko ay umalis din naman ito agad.

Binuksan ko ang box, may laman itong stuffed toy na aso.

"Ang cute naman!" Sabi ni Terry na nakalapit na pala sa cubicle ko. "Uy may nakalagay sa leeg niya oh."

Tiningnan ko ang leeg ng aso. May nakarolyo na papel na nakatali.

"Let's enjoy the night later. Please wag ka na masyadong magpaganda. You already have my heart. I'll pick you up at 7pm. I love you Princess."

"Nakanam! Haba ng hair mo ah!" Sabi Lysa ni ngiting ngiti.

Napatingin ako sa aso na hawak ko. Kamukha niya yung aso na niligtas ni Red nung unang beses kaming nagkita. Galing talagang magpangiti ng lalakeng yun.

------------

"Sabi ko wag ka nang masyadong magpaganda eh." Sabi ni Red habag pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse.

Hindi naman ako masyadong nagpaganda eh. I did my very best to be simple kaya. Naka shorts lang ako tsaka tshirt kahot hindi ko alam kung saan kami pupunta. Natural na maganda lang talaga ko.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon