CHAPTER FOUR

54 1 0
                                    

*DING DONG DING!

Sa maniwala man kayo o sa hindi, that's our school bell. Indicator na tapos na ang klase. 

7:00pm ang dismissal ng last class ko. Ito talaga ang gusto kong schedule.

Ayokong maburo sa bahay doing nothing. At ayoko rin namang ubusin ang oras ko kakagala sa mall. Kaya inoverload ko ang schedule ko. Apurado na din kasi akong makagraduate. Nakakasawa rin palang mag-aral.

I'm a 2nd year standing college student. Engineering. Suppose to be ay 4th year na ko ngayon. Kaso nakailang shift ako ng program na sobrang lalayo sa mga kinukuha ko kaya 2nd year pa lang ako ngayon. 

Masipag naman akong mag aral. Actually, I'm a dean's lister for four consecutive years. Walang palya yun every semester. Oh diba ang yabang ko?

Alam ko malandi ako pero never kong napabayaan ang pag-aaral ko. 

But I never told my dad about this. Ilang taon na siya sa America at bihirang bihira ng makauwi. The last time na umuwi siya is when I celebrated my 18th birthday. Hindi man sinasabi sakin ni daddy pero may hinala akong may iba na siyang pamilya abroad.

My mom died when I was 15. And I never saw a single tear on the face of my father.

He never cried during the wake of my mom. Ni hindi ko nakita na nalungkot man lang siya.

On that exact day na inilibing si mommy. Nagsimula na rin akong magloko. I never talked to my father since that day. Ni hindi ako nagpakita sakanya bago siya umalis ulit pabalik sa States.

Nag-aaral ako ng mabuti kasi nakapangako ako kay mommy. Nangako ako na I will do everything to finish my studies.

Pero wala akong sinabi sakanya na tatapusin ko to agad.

Engineering talaga ang gusto kong kunin dati pa. Pero kumuha muna ko ng ibang program when I started college.

Wala lang, gusto ko lang asarin si daddy.

I love it everytime na nagagalit siya sakin.

Gustong gusto ko na sinisigawan niya ko at ilang beses na siyang inatake ng high blood because of me.

Baliw na ko kung baliw pero wala eh.

Galit talaga ako sakanya. Galit na galit ako sakanya!

Nung nabubuhay pa si mommy, every night ko siyang nakikitang umiiyak while holding the picture of my dad.

I knew there is something wrong. But I never knew what is it.

Ang alam ko lang, araw-araw sinasaktan ni daddy si mommy. And I hated him for that.

 "Yen!"

Sawakas dumating na din ang bruhang to! Siya tong hindi pumasok pero late pa din siyang dumating.

"Bat ang tagal mo?!"

"I overslept friend, sorry na" paawa na naman.

"Oo na sige na, sumakay ka na ng makaalis na tayo"

Kinausap muna niya ang driver niya bago siya sumakay sa kotse ko.

"Anung sinabi mo sa driver niyo?" May pagakbingi din kasi ako kaya hindi ko talaga narinig.

"Sabi ko ihahatid mo na lang ako sa bahay mamaya" nakangiti pa siya habang sinasabi yun sakin.

"Hindi ka rin masyadong hassle ano po?"

"Love mo naman ako diba?" nakangiti pa rin siya at akmang yayakapin pa ko.

"Oo na tara na! saan ba yung bar na sinasabi mo?" medyo naiirita ko pero ano pa nga bang magagawa ko? Kung hindi ko lang to best friend.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon