CHAPTER TWENTY-THREE

29 0 0
                                    

Kanina pa ko paikot ikot sa subdivision namin. Di ko alam kung saan ako pupunta. Wala na kong pakialam kung maubos man ang gasolina ng kotse ni Mayson, babayaran ko na lang sakanya.

Sila na?

Oo sila na nga.

Kitang kita ko kung gaano kasaya si Yen kanina ng lumuhod si Gabby sa harap niya. Kahit na madaming tao doon kanina, alam kong di lang napilitan si Yen sa sagot niya. Hindi ko narinig ang mga eksaktong salita na sinabi niya pero ang pagtango at pagngiti niya kay Gabby ang sapat ng ebidensya na pumayag itong maging girlfriend ng huli.

Inapakan ko ang preno at hinampas ang manibela ng kotse. Huli na ng maalala kong di ko nga pala kotse ito.

"Ang tanga tanga mo kasi Red !" sigaw ko.

Lumabas ako ng auto at dinampot ang mga bato na nasa gilid ng kalsada at pinagbabato iyon sa damuhan.

Bakit ba kasi di ko pa inamin dati pa ! Bakit kasi di ko siya agad niligawan ?!

Bakit ba kasi binestfriend pa kita !

Dapat sinabi ko agad. Dapat nagkwento din ako kay Gabby kung sino ang gusto ko. I am sure na di siya magkakainteres dito kung sa una pa lang ay sinabi ko na agad.

Pero anung ginawa ko ?! Naunahan ako ng hiya at napagdesisyunang sarilihin na lang ang pagkagusto ko kay Yen ! Di sana naging ganito kakomplikado ang sitwasyon!

Lord anung gagawin ko ?! Paano ko sasabihin kay Gabby na yung babaeng palagi niyang ibinibida at ikinukwento sa akin ay ang babaeng pinakamamahal ko ?

-------

YEN'S POV:

Nagoffer si Rhuwan na ihahatid niya daw ako pero sinabi kong may dadaanan pa ko. Ililibre na lang daw niya yung mga kaklase niyang tumulong sakanya kanina.

Nandito na ko sa bahay nila Red. Nagaalala talaga ko dito ang weird niya kasi lately. Sana okay lang talaga siya.

"Ming ? Nasaan ka ? Dala ko yung paborito mong cake ugh!" derederetso na ko sa kusina ng bahay nila at dahang dahang inilapag ang binili kong cake bago ako dumeretso dito.

Ilang beses pa lang akong nakakapunta dito. Madalas namang wala ang parents niya kaya na at home agad ako. Kilala rin ako ng mga katulong nila kaya super welcome na talaga ko dito.

May dalawang kapatid si Red. Ang kambal na si Gracie at si Gabby. Si Gracie ay ginustong sa Manila magaral kaya nadodorm ito doon. Si Gabby naman ay dun din sa school namin nag aaral pero until now, hindi ko pa din siya namemeet.

"Red! Baba na jan ! Tinatamad akong umakyat !" Bat ang tagal naman nun ? Tulog na ba yun ? nagsabi naman ako na dadaan ako ng ganitong oras ah.

"Maam Sesa kayo ho pala." narinig kong sabi ng katulong nila Ming habang papasok ng kusina.

"Where's Red ?"

"Umalis po maam eh. Kanina pa pong bago mag alas-siete. Hanggang ngayon po wala pa din. Iniwan niya nga po yung bisita niya dun sa kwarto niya." nginuso pa nito ang kwarto ni Ming na nasa second floor.

"Bisita ? Si Rhanie ?" nagtatakang sabi ko.

"Lalake po maam eh."

"Ah okay. Tingnan ko na lang kung sino. I am sure one of our classmates yun. Pakiprepare na lang tong dala kong cake." pagkasabi noon ay dumreteso na ko sa kwarto ni Red. Mas nangibabaw pa din ang curiousity ko kesa sa katamaran ko.

Kumatok muna ko ng tatlong beses bago pumasok.

"Oh pare naabutan mo?" Narinig kong sabi ng lalake sa loob.

Pamilyar ang boses nito. Pero ang imposible naman.

Nagtuloy tuloy ako sa pagpasok ng kwarto hanggang sa makita ko ang lalake na nakatayo malapit sa pintuan ng terrace ni Red. Tinitigan ko itong maigi.

Nakatingin din ito sa akin at dahang dahang nanlaki ang mga mata. Tulad ko ay matinding gulat din ang nakita ko sa mukha niya.

"ATE ?!!!!!"

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon