CHAPTER TWO

69 1 0
                                    

"What the hell?!" Naapakan ko agad ang preno ng nakita ko ang lalake na tumigil mismo sa harapan ng kotse ko. Muntik ng mapahampas ang ulo ko sa manibela sa lakas ng impact, tinanggal ko pa man din yung seat belt ko kanina.

Nakatulala lang ako sa lalakeng nasa harapan ko na nakataas pa ang dalawa niyang kamay na para bang magpapakamatay.

Ilang segundo din akong nakatingin sakanya when my senses came back. Binaba ko agad ang bintana ng kotse ko. Patay sakin tong lalakeng to!

"Are you out of your mind?!!" sigaw ko sakanya. Nagulat na lang ako ng tumalikod ito sa akin at tumuwad na parang may kinukuha.

Seriously, ano ba talaga ang trip ng lalakeng to?!

"Bingi ka ba?! Lakas din ng trip mo nuh?!"

Dahan-dahang siyang lumingon sakin at ngumiti. Yung ngiting nakakaloko pero alam mong hindi plastic.

"Pasensya ka na miss huh? Kawawa naman kasi tong tuta kapag nasagasaan mo ih."

Napatingin ako sa suot niyang uniform. White polo na may logo ng school ko at mukhang pamilyar nga ang mukha niya.

Unti-unti kong nabaling ang paningin ko sa tuta na hawak niya. Puting puti ito na sobrang mabalahibo. Cute sana siya kundi lang niya ko muntik mapatay.

"Tuta?! You and I almost die because of that........that..... thing ?! You're insane!"

"Nako miss, hindi po thing itong tuta, may buhay po siya" nakangiti pa rin siya.

"Paano na lang kung nabangga kita? O kaya nawalan ako ng control tas ako naman yung napahamak dahil jan sa tuta na yan? Mas mahalaga pa sa buhay ko or buhay mo yang buhay ng tuta na yan?" Pasigaw na sabi ko.

Nakatingin lang ang lalake sakin. Nakangiti pa din siya. Tuluyan na talaga sigurong nabaliw. Dalhin ko na kaya sa mental ng matauhan?

"Whatever! Can you just please step aside and move out of my way ?!"

May binulong siya pero hindi ko naintindihan. Pinagtitripan yata ko nito!

"Ano yun?!!!!!!!!"

"Wala po, pasensya na po sa abala."

Inirapan ko na lang to at pinaandar ko na ulit ang kotse.

I looked at him on my side mirror at nakita kong nakasunod din siya ng tingin sakin. Kumaway kaway pa ito sakin. Baliw talaga! FC!

How can he possibly smile habang sinisigawan ko siya?! Baka nakadrugs.

__________________

Supposed to be ay 3 hours sana akong komportableng naka upo ngayon sa classroom while starring-at-that-menopaused-professor-and-pretending-that-I-am-listening-to-every-word-that-she-is-saying pero eto ko ngayon, mukhang tangang naka upo sa labas ng classroom namin after akong sigawan at ipahiya ng bruhang babae na yun.

1 minute lang naman akong late that's why I cannot understand kung bakit kailangan niya kong ganituhin! Bwisit talaga!

Nung isang beses naman lumabas lang ako saglit para mag rest room. Tapos pag balik ko minarkahan na pala niya kong absent dahil daw ang tagal ko sa labas. My God! Wala pa ngang 5 minuto ang nakakalipas nung lumabas ako!

Lahat na yata ng pwedeng dahilan para lang maipahiya niya ko ay nagawa na niya. Kung di lang talaga masamang pumatol sa matatanda nakoooooo!!!!

Pero kung tutuusin kasalanan to nung lalakeng yun at nung pesteng tuta! Kung di sana sila humarang sa daan hindi sana nasayang ang oras ko.

Urghhhhh! Inaalala ko pa lang ang nagyare, naiinis na ko!

"Badtrip talaga sila as in badtrip !!!!!!!!"

Napansin ko na lang na hinahampas ko na pala ang arm rest ng upuan na inuupuan ko. Mukha akong baliw.

*Beep*

Napatingin ako sa phone ko na nagvibrate, may message galing kay Tiffany. Isa sa mga kaklase ko sa english.

"Nako girl, main topic ka na naman dito!"

Kagulat gulat pa ba yun? Malamang sirang sira na talaga ang reputasyon ko sa klase kong yun. Kainis!

Nagtype ako ng message para replyan si Tiffany.

"Hayaan mo na. Kahit naman habang buhay siyang gumanyan ng gumanyan, hindi niya ikagaganda yan! Makakabawi din ako sakanya soon  pati na din dun sa bwisit na may kasalanan kung bakit ako na late ! >…< Pag nakita ko lang talaga ulit yung kutong lupang yun! Titirisin ko siya ng bonggang bongga!"

Maya maya ay nag reply na ulit si Tiffany.

"The who? Lalake ba yan? :D"

"No! Tuta! -.-" reply ko.

"Hahahahahahahahaha! Kwento mo later! Sige na may pinagagawa si Satana eh. Laters :*"

Tsssss! Kung kailan wala ako saka magpapaseatwork?! Urghhh kainis talaga !!!!

May narinig akong mga foot steps na palapit. Napansin ko na lang na tumigil ito sa tabi ko, sa harap mismo ng pintuan ng class room ko! Maya maya ay nakarinig ako ng mga katok.

Hindi ko maiwasang mapatingin. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nagmamay ari ng mga yabag na yun.

I swear to God that I will never forget the face of that guy!

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon