CHAPTER SIXTEEN

43 0 0
                                    

"Ma.... Mabigat ka pala Sesa! Hala! Alis shuuuu!" Umikot ito pa kanan para ihulog ako. Nagtuloy tuloy naman ako pahulog sa kama.

Baaaaang!

"Aray kuuuuuu!"

"Hoy wag kang maarte ! Nandyan pa yung comforter na hinigaan ko kagabe!" Bumangon na ito sa kama at nagtuloy tuloy na papasok sa banyo. Di man lang pinansin ang drama ko. Huhuhuhuhu.

-----

Rhuwan's POV:

Kriiiiiiiiiiiing***

Yes! Lunch break naaa! Agad kong niligpit ang gamit ko. Lunes ngayon kaya sabay kaming maglulunch ni Yen.

Si Yen..

Hindi ko alam kung anung gayuma ang tumama sakin at patay na patay ako sakanya. Madaming nanliligaw sakin pero miski isa wala akong pinatulan simula nung nakita ko si Yen. Sabi nga nung mga kaklase ko baliw daw ako, baliw ako dahil mataas ang gusto kong abutin. Miski age naman ay malayo din ang agwat. Bat kasi ang aga niyang pinanganak eh.

"Best! Pinagdala kita ng lunch oh! Tara kain tayo" si Faye.

"Best naman, alam mo namang lunes ngayon diba?" Busy pa din ako sa pagliligpit ng gamit ko. Bat nga ba ko niyayaya ni Faye na sumabay sakanya mag lunch ? Eh alam naman niyang di pwede.

"Alam ko, pero cge naaa please? Napadami kasi ang luto ko eh. Tara na sabay ka na sakin." Humawak pa ito sa braso ko. Nako naman papahirapan pa ko nito.

"Faye naman eh, alam mo namang sabay kami ni Yen kakain ngayon diba?"

"Yun na nga eh. Nagtext sakin si Ate Yen. Pinakiusapan niya ko na sabayan kitang mag lunch ngayon kasi may importante daw siyang gagawin today."

Napaharap ako kay Faye. Di makakapunta si Yen? Excited pa man din ako dahil 2 araw ko siyang di nakasama. Ako pa man din mismo ang nagluto ng dala kong pagkain para icelebrate sana ang 2nd monthsary ng first date namin. Umorder pa ko ng cake. Haaaay! "Ah ganun ba?" Bumalik ako sa pagkakaupo at kinuha ang cellphone ko. Empty bat na pala ko. Naramdaman kong naupo sa tabi ko si Faye.

"Di ka daw nagrereply at matawagan ni ate kaya tinext niya ko. Best, smile ka na please? Kaya nga ko nandito eh."

Buti pa si Faye laging nandto para sakin. Masaya man o malungkot ako. Never siyang naging absent. Nilingon ko ito at ngumiti. "Naka smile naman ako ah! Tuh talaga! Dito na lang tayo kain? Sakto may dala din akong baon." Nilabas ko na ang baunan na dala ko. Hanggat maari iiwasan ko na lang ang tingin ni Faye, ayokong makita niyang malungkot ako.

"Buti naman. Cge dito na lang tayo." Nilabas na nito ang dala niyang baon kaya nilabas ko na din yung akin. "Mukhang importante talaga yung gagawin ni ate eh. Kaya wag ka ng magtampo sakanya Best."

"Hindi kaya ako nagtatampo. Anu ko bata? Hahahahha!"

"Best, since elem ay mag bestfriends na tayo kaya alam ko kapag may dinaramdam ka." Hinawakan nito ang kamay ko.

"Ano kasi ngayon eh." Mahinang sabi ko.

"Alam ko, hindi naman siguro yun nakalimutan ni ate diba? May importante lang talaga siguro siyang ginawa. So kalma ka na Best." Nginitian ako ni Faye, yung ngiti na parang magiging okay talaga ang lahat.

"Siguro nga. Tara kaen na tayo!" Hinawakan ko din ang kamay niya at nginitian.

------

Yen's POV:

"Yen tapos na to ah, cover page na lang kulang, bat di mo pa tinapos?" Tanung ni Ming sakin, kasalukuyan itong nakatapat sa laptop ko. Hindi na kami pumasok ngayong araw para matapos yung research namin na bukas na ang deadline. At heto, maghahating gabi na at saka ko lang natapos ang nilalaman ng research.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon