CHAPTER NINETEEN

43 0 0
                                    

RED'S POV:

"Nasaan ba yun dito Clea?" Kanina pa ko palingon-lingon sa paligid habang naglalakad dito sa High school department area. Kausap ko si Clea sa phone na naiwan dun sa caft (short for cafeteria) dahil nakita nito ang nobyo na kumakaen doon.

"Basta pag may nakita kang hagdanan akyat ka dun tas 3rd floor. Nandun ang mga 3rd year students diba?"

Napalingon ako sa taas dahil sa naririnig kong ingay. Tssss kinukutuban ako. Pakiramdam ko nandun si Sesa.

"Nakita ko na siya Clea. Salamat." Binaba ko na agad ang phone at dali daling tinungo ang hagdanan.

Hinihingal pa ko ng sa wakas ay makalapit na ko sa komosyon na nangyayare.

Nanlake ang mga mata ko sa nakita ko. There she is, the girl that I am looking for. Nakahiga ito sa tiles na sahig at may nakapatong sakanya na isang lalake.

Agad na nag init ang dugo ko. Ramdam na ramdam ko pa ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa nakasaradong kamao ko iniipon lahat ng galit na nararamdaman ko!

Agad akong naglakad para makalapit pa sa dalawa. Para akong sasabog! Halong galit at selos ang nararamdaman ko ngayon. Wala akong ibang tinitingnan kundi ang dalawang tao na nakahiga sa sahig. They are constantly staring at each other na para bang wala ng bukas.

"Humanda ka sak..." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Unti-unting nagfade ang boses ko. My world suddenly stopped. Ilang hakbang na lang ang layo ko sakanilang dalawa pero di ko na maramdaman ang mga paa ko. Madaming tao sa paligid pero silang dalawa lang ang nakikita ko.  Kung katulad lang sana ko ni Do Min Joon sa My Love From Another Star ay patitigilin ko ang oras ngayon at iibahin ang pwesto ng mga tao.

Parang may sumuntok sakin ng pagkalakas lakas sa sobrang sakit. Nanghihina ako. Wala akong maramdaman. Wala akong ibang makita.

Totoo ba to? Hindi! Panaginip lang to. Sa panaginip lang nagiging posible ang ganito.

Nararamdaman kong nagiinit na ang sulok ng mata ko. Am I going to cry? Here?

Tumalikod na agad ako at nagsimula ng lumakad palayo. May nabangga pa ako sa pagmamadali ko.

"I am sorry." Hindi ko na tiningnan kung sino man yun. Basta gusto ko lang makalayo sa lugar na to!

Paulit ulit na nagpeplay sa utak ko kung ano man yung nakita ko. Parang eksena sa mga pelikula.

My princess slowly closed her eyes as she receives a kiss from his knight. My heart cannot stop from breaking as I witness the lips of the most important persons in my life touched each other.

Yen's POV:

Alas-dos na ng madaling araw pero gising na gising pa din ako. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Parang may magic sa halik niya. Hindi parang, may magic talaga! Buti na lang nakahiga kami nun kasi kung nakatayo kami, malamang ay bumagsak ako sa sobrang panlalambot ng tuhod ko.

Waaaah! Naalala ko na naman! Tssss! Matulog ka na nga Maryena !

***Beeeep Beeeep

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa tabi ko. Hmm? Gabi na ah, sino ba tong nagtext ? Agad kong kinuha yun at inopen ang message.

From: Rhuru Panget (02:07 am)

I can't sleep. Maybe it's because of what happend earlier. I am really sorry Princess :'( I didn't mean to do that. Hindi ko talaga sinasadya. But it doesn't mean na hindi ko pinagsisisihan yung ginawa ko :'> Thank you for a wonderful kiss :) Goodnight and sweet dreams :) :*

Bakit kasi ganito ang inaasal nitong mga labi ko ?! Masyadong pavirgin! Feeling first kiss !!

Am I falling in love with Rhuwan?

Akala ko love din yung nararamdaman ko kay Red?

Two guys at the same time ?! Ni minsan nga hindi ko naisip na maiinlove ako sa tanang buhay ko tapos ngayon... ?!

Imposible! Hindi ako ganung tao. Wala sa bokabolaryo ko ang salitang love.

Kabag lang siguro to! Oo nga Maryena! Kabag lang yan ! Wag kang papadala sa kabag! Fighting!!!!

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon