CHAPTER SEVENTEEN

41 0 0
                                    

"Congratulations Gurl! Grabe ang galing niyo kanina!" Yumakap pa si Clea sakin pero kay Red nakatingin. Kumawala din to agad. " at nakita mo ba yung reaksyon ni Ms. Santos? Pilit na pilit ang pagseryoso ng mukha! Halata namang manghang-manghanga siya sayo!"

"Oo na po cge na! Pero nagawa mo ba yung pinagagawa ko?" Pinakiusapan ko kasi siya kagabe buti na lang at inatake siya ng insomia niya.

"Anung pinagawa mo kay Clea, Sesa?" Lumapit samin si Red. Sasabihin ko ba sakanya?

"Ahhh wala yun, girl stuffs" Tinapik ko ito. "Tsss, sabi sayo Ming dapat naging bakla ka na lang para kasama ka na din pag may girl talk kami ni Clea."

"Utot mo! Yokong dumagdag sa mga gwapo bakla na nagkalat jan! Hahaha! Kawawa naman pati si bebe Rhanie ko nuh!" OKAYPAYN!!! UTOT MO DIN! "Tara kain na tayo?"

"Uhmmmm, may lakad ako Ming eh, kayo na lang ni Clea mag sabay huh? Girl kunin ko na lang sa kotse mo huh ? Dala ko naman duplicate key mo." Teka anung oras na? Naku baka magstart na yung next class nila, kailangan kong bilisan.

----

Rhuwan's POV:

"Any questions class?" Sabi ng matandang history teacher namin. Paano naman kami magkakatanong eh wala naman kaming naintindihan sa mga pinagsasabi niya. Inikot ko ang paningin ko sa buong classroom, at syempre tama ang hinala ko. Kung hindi nagtetext o nagdadrawing ang mga kaklase ko sa likod ng notebook nila ay pasimpleng natutulog ang mga ito.

Kung kakalase ko lang sana si Yen dito, malamang buhay na buhay ang dugo ko. Di tulad ngayon na konting pitik na lang sakin ay tutumba na ko.

"I assume na yang katahimikan na yan ay nangangahulugang wala kayong katanungan. So open your text books and answer the following questions on page 156-159. Write your answers on a sheet of paper. I'll be back before the end of the class." Pagkasabi nun ay inayos na niya ang mga gamit niya at nagtuloy-tuloy sa labas.

Pagkasara na pagkasara ng pinto ay nagsimula ng mag ingay ang klase.

Binuklat ko ang libro at hinanap ang pahina na sinasabi ni tanda. Nagulat ako sa dami ng gawain pero nagning-ning naman ang mga mata ko sa mga nakita kong nakasulat sa bawat tanong. May mga sagot na ito! Naka lapis nga lang.

Buti na lang talaga naiisipan kong mag self study paminsan minsan. Naalala kong sinagutan ko na nga pala ito last weekend pa. Kumuha ako ng papel at sinimulan ko ng magsulat.

Patapos na kong kumopya ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Haaaay! Maryena tama na! Pag ako lang talaga hindi nakatiis sayo nako!!

Tsk! Kinuwento sakin ni Faye ang nangyare kagabe. Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil sinabi ko yun. At nagagalit ako sa sarili ko kasi nagagalit ako sa babaeng mahal ko kahit na hindi naman dapat.

Wala siyang responsibilidad na pumunta kapag pinapupunta ko siya o kaya naman batiin ako sa mga okasyong ako lang naman ang nagdeklara.

Hindi ko alam kung dapat ko pang ituloy to. Umaasa ako na balang araw magugustuhan niya din ako. Alam kong hindi dapat ako umaasa pero ginagawa ko.  Tanga na ko kung tanga pero wala eh, Mahal ko talaga si Yen!

Napatingin ako sa papel ko at laking gulat ko ng puro pangalan na ni Yen ang naisulat ko sa last part ng papel. Urghhh! Buti na lang nausuhan ako ng friction pen.

"Si Ate Yen ba yung nasa labas?"

"Oo nga nuh! Anung ginagawa niya dun?"

"I dont know, mukhang kanina pa siya nakatayo dun eh."

"May hawak siyang card board pero di ko makita yung nakasulat."

"Buksan niyo kaya yung bintana?"

*SHHHHHHKKKKKKKKKKK

"SI ATE YEN NGA!"

Kanina ko pa naririnig ang pinaguusapan nila pero ayokong makiusyoso. Nahihiya ako. Kunwari na lang wala akong naririnig. Pero bakit nga ba siya nandito?!

"Uy Rhu!" Tinapik ako ng katabi ko sa upuan. Tahimik na tao lang ito pero nagulat ako dahil bat parang gusto niyang makialam ngayon?

"Bakit?"

"Alam mo Rhuwan, alam na ng lahat ng mga tao dito sa department na to na gusto mo yang babaeng yan pero bat parang biglang pakipot ka ngayon? Ayoko sanang makialam pero, ayoko lang nakakakita ng babaeng nababalewala." Pagkasabi noon ay yumuko na ito.

Dahan dahan kong nilingon ang kumosyon na nangyayare. Ano nga bang nangyayare?!

"Ang sweet naman ni Ate Yen!" Tilian ng mga babae.

"Nakakainggit ka Rhuwan! Patawarin mo na kasi!"

"Oo nga Rhu! Sayang effort ni Ate Yen uh! Mukhang sincere naman siya."

Dinako ko ang paningin ko kay Yen. Nakatayo ito sa tapat mismo ng bintana ng classroom. Naka simangot ito at mukhang paiyak na.Nakauniform  at may suot na pink na hair band. Maayos ang mga pagkakaikot ng kulot ng buhok nito. Walang make up pero litaw na litaw ang kagandahan niya. Pero yung hawak niya ang mas kapansin pansin.

May hawak itong malaking illustration board na may mga designs. Puro bulaklak at halos hindi na mapansin ang tunay na anyo nito. May mga letra din sa gitna nung board.

"I AM SO SORRY RHUWAN. PLEASE FORGIVE ME"

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon