CHAPTER TWELVE

51 0 0
                                    

"Bakit di niyo ko niyaya?" Sabi ni Red sa kabilang linya.

"Eh kasi nga po, GIRLS ONLY TO!"

"Kahit pa! Paano kung mapaano kayo? Wala kayong kasamang lalake!"

"Hoy Ming! Ang OA huh?!"

"Nag aalala lang naman ako. Asaan ba kayo?"

"Sa malapit lang, di naman na kami lumayo ni Clea."

"Edi pupuntahan ko kayo!"

"Sus! Sabi mo may sarili kang lakad ngayon diba?"

"Edi pagtapos ko dito."

"Wag na Ming, kaya namin ni Clea ang sarili namin. Labas na lang tayo maya okay?"

"Tsss. Sige na nga. Enjoy Sesa at please lang mag ingat kayo!"

"Opo Mahal na Prinsipe." Pinindot ko na ang end call. Minsan talaga napakaOA ni Red pagdating sa safety ko, este namin pala ni Clea.

Its been 2 months since mameet ko sila Red at Rhuwan. At habang tumatagal mas lalo ko silang nagiging kaclose.

Si Rhuwan ang lagi kong kasabay kumaen ng lunch every MWF kasi dun lang naman nagkakasabay ang lunch break namin. Puro siya kwento tungkol sa mga kalokohan niyang pinag gagawa sa building nila. Naisama pa nga niya ko minsan doon.

Kilalang kilala ako sa building nila hindi dahil sa peymus ako sa building namin kundi dahil kay Rhu. Pinagkakalat kasi talaga niya na nililigawan niya ko. At syempre may mga pakialam ang mga tao dun dahil ever famous din pala ang bruho.

Pinakilala niya din ako sa mga kaibigan niya. Dun ko natuklasan na bestfriend pala niya yung Faye. Natanung nga niya din ako nung isang beses kung may bestfriend din ako.

As of now, dalawa ang bestfriend ko, si Ming at si Clea. Although mas madalas kong kasama lately si Ming dahil si Clea ay kung saan saan naglulungga. Nabanggit ko naman silang dalawa kay Rhuwan kaso di pa niya sila namemeet dahil sa hindi nagtutugma tugma ang mga schedule namin.

Hanggang ngayon ay nililigawan pa din ako ni Rhuwan. Kahit na sinabi ko na sakanya na may mahal na kong iba. Ayoko din namang paasahin ito dahil napalapit na siya ng husto sa akin. Syempre nasaktan siya nung una. Pero nabuhayan siya ng loob nung sinabi kong hindi alam ng taong yun na may nararamdaman ako sakanya at may girlfriend ito.

Tuwing TThS naman ay si Ming ang kasama ko simula sa klase ni Ms. Santos hanggang lunch break. Minsan ay kasabay din namin si Clea mag lunch pag pumapasok ito. Mas matagal nga lang ang time namin ni Ming together nitong mga nakaraang araw because we are working on our research paper. Mamaya nga lang ay pupunta siya sa bahay para dun gawin yun.

Sobrang sweet at sobrang maalaga sakin nj Red. Kaso sobrang sweet niya din at maalaga sa girlfriend niya!

Anyway, open kami ni Ming sa lahat ng bagay. Miski yung tungkol kay Rhuwan ay alam din niya. Gusto nga niya tong mameet ng makilatis daw. Kaso di talaga nagtatama ang schedule nila. Wala kasi itong vacant pag MWF . Pag TThS naman ay mas maaga ang lunch break namin kesa kela Rhuwan.

Kaya ayun! Gusto ko pa man ding pagselosin sana si Ming. Baka kasi may something naman talaga, ayaw lang niyang aminin Hahahahha!

"Yen! Eto? Okay na ba to?" Nagpaikot ikot pa ito sa harap ko habang suot ang Red cocktail dress na sinukat niya. May mga maliliit tong beads at sakto naman ang fitting sakanya dahil nahantad ang sexy nitong katawan.

Sa tagal niya sa fitting room ay ang dami ko ng na throw back.

Nagpasama si Clea sakin dito sa Paseo de Sta. Rosa para bumili ng damit niya for Ron's birthday party na wala akong balak puntahan kahit pa ininvite niya ko. Magpapadala na lang siguro ako ng regalo.

"Uhm, miss, wala bang ibang kulay yan? Kahit sana magenta or cyan. Magmumukha kasi siyang debutant eh."tanong ko sa sales lady na nasa tabi niya.

"Meron po maam, anu pong gusto niyong kulay Ms. Clea?" Pagkatango sakin ay dumako ito ng tingin kay Clea.

"Cyan will do." Sagot ni Clea.

"I'll just get it maam." Nagsimula na itong maglakad papunta sa mga hanger na nakadisplay sa botique

"Magpalit ka na ng damit mo. Ipapabalot ko na yun pagdating nung sales lady." Sabi ko kay Clea.

"Hindi ko na isusukat?"

"Naku Clea! Malamang sa alamang mangga ay yung kapareho jan sa size na yan ang kunin nya dahil yan ang kasya sayo. And dont worry kasi alam kong babagay yun sayo. You will be pretty as ever." Maganda ito, maputi, makinis ang balat at may hinaharap na maipagmamalaki naman kaya sigurado akong babagay sakanya yung damit na yun. At gusto ko na talagang umalis kaya nagpapamadali ako. Nagugutom na rin kasi ako.

"Ano nga pala ang sabi ng Mahal na Prinsipe?" Tanong ni Clea.

"Ayun nagtatampo, bakit daw di natin isinama." Sagot ko.

"If I know kasama niya yung bruha ngayon." Sabi ni Clea. Si Rhanie ang tinutukoy niya.

"Yeah. Ayoko din namang makasama yun."

Maya maya pa ay dumating na ang sales lady, chineck ko maigi ang quality ng damit. Okay naman kaya pinabalot ko na. Lumabas na rin si Clea kaya sumunod na kami sa sales lady para mag bayad.

"Kain na muna tayo Clea, nagugutom na talaga ko" pagiinarte ko.

"Osya tara, san mo gusto kumaen?"

"Dun tayo sa Racks, parang I want meat."

"Yen naman! Im on a diet remember ??"

"Osya, order na muna tayo nung favorite milk tea mo dun sa Moonleaf para kahit papano magkalaman yang tyan mo. Tas dun na lang tayo sa Jabee kumaen. Oorder ako ng chicken ! Hahahahhaa!" Favorite kasi namin ni Clea ang chicken sa Jollibee. Although pareho kaming mayaman, yung fast food chain na yun parin talaga ang all time favorite namin.

"Ihhhhhhhhh! Sige na nga kakaen na din ako." Padabog na sabi nito.

"Ayan! Very good!"

Papunta na kami ni Clea sa nasabing lugar. Masyadong madaming tao ewan ko kung bakit. May event ba ? Biglang humigpit ang hawak sakin Clea. May phobia kasi ito sa lugar na saksakan ng dami ng tao, yung siksikan talaga. Nag simula yun nung nahiwalay siya sa papa niya nung sumama sila sa EDSA II. Inabot ng isang linggo bago siya naibalik.

"Kumalma ka lang Clea! Nandito ako." Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa braso ko. Sinusubukan ko siyang pakalmahin ng may makita akong pamilyar na bulto sa di kalayuan.

Si Ming!

Tatawagin ko sana siya ng nakita kong may kasama pala siya. Well, di na ko nagtaka kung sino yun. Sobrang higpit ng hawak nito sa dalaga at halos mag kayakap sila habang naglalakad. Lalandi!!!

"Yen ! Clea !"

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon