CHAPTER THIRTEEN

61 0 0
                                    

"Jollibee?!! You got to be kidding me!" Nakakaloko ang tawa ng babaeng to na kamag anak ata ng mga linta. Napakaarte talaga ! Ang sarap tusukin ng stick at itapon sa poso negro!

Mas lalo pa kasi nitong hinigpitan ang yakap kay Ming ng makita niya ako. Feeling naman niyang aagawin ko ang boylet niya. Palibhasa, alam ni Rhanie na kapag nakipag agawan ako sakanya kay Ming ay ako ang mananalo.

"Di ka mamamatay dun nuh! Kung ayaw mo sumama edi wag! Maiwan ka jan! Tara Clea" Kainit ng dugo eh! Nagsimula na kaming maglakad ni Clea na nakahawak pa din sa braso ko.

"Se...uhmmmmm... Yen! Wait lang! Sasama kami!" Narinig kong sabi ni Red. "Babe, sige na minsan lang naman to eh. Masarap dun promise!" Nakita kong sinusuyo suyo nito ang bruhang yun. At wala akong nagawa kundi hintayin ang desisyon ng linta.

"Okay fine!" nirolyo pa nito ang mata.

Pero mas okay siguro kung di siya kasama. Kainis!

Pag dating sa Jollibee ay dun kami naupo sa may bintana. Si Ming at Rhanie na ang umorder ng maexperience man lang daw.

"I really dont like that bitch!" bulong sakin ni Clea.

"Sus! Di ka nag iisa girl dont worry!" Kasalukuyan naming tinititigan ang linta na panay ang halik sa pisngi ng nobyo. 'Nobyo'? Urghhh! Kakilabot! Tong lalakeng to naman enjoy na enjoy! Kairita sila panuorin to the highest level na talaga!

"Mars, anu ba yang ginagawa mo sa hanky mo? Gusot na gusot na ugh!" Napadako ang tingin ko sa kamay ko. At tama si Clea, gusot na gusot na nga ito sa sobrang inis ko. "Okay ka lang ba? I mean, okay lang ba sayo na kasama natin ang mortal enemy mo?"

"Tingin mo Clea? Hindi ba halata?!"

"Sabi ko nga eh." Kinuha nito ang cellphone  at sinumulang tawagan si Ron. "Excuse lang Mars."

"Magbebreak din kayo!" Pairap na sabi ko sakanya.

"Wag kang bitter Yen! Hahahahhaha!"

Lumabas na ito ng establishment dahil mukhang nag connect na ang tawag nito.

"You see, di mo maagaw ang Red ko sakin. He's all mine!" Nakita ko sa sulok ng mata ko na naupo na sa harap ko si Rhanie.  Yabang magsalita!

"If I were you, ingat ingatan mo yang boyfriend mo. Marami kang kamag anak sa paligid. Maraming gusto ring makisipsip." Walang tinging sabi ko sakanya. Nakatitig pa din ako kay Clea na nasa labas at busy na busy sa kausap.

" Dont you dare steal my boyfriend Maryena! Alam mo kung paano ako magalit!" medyo nagtataas na siya ng boses na ikinatuwa ko naman.

"Actually you should be thanking me. Kasi hanggang ngayon wala pa din akong binabanggit jan sa boyfriend mo about dun sa kalbo mong jowa!" nilingon ko na ito at walang kisap matang sabi ko sakanya.

"What are you talking ab....." kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya ng maramdaman naming isang hakbang na lang ang layo ni Red.

"Chill girls! Minsan na nga lang kayo mag kasama eh." Natatawa tawa pa si Red habang nilalapag ang tray ng mga pagkain na inorder niya.

May kasunod din itong crew na nilapag din ang isa pang tray.

Umorder si Red ng 6pcs chicken na nasa bucket, 2 large fries, choco floats, bangus fillet, palabok, 4 mashed potatoes at syempre drinks. Mamaya na lang daw yung dessert. Saming dalawa ni Clea ang bucket meal pati na din yung 4 na mashed potatoes. Take note! Hindi kami matakaw! Minsan lang naman kami magkasala! Hahahah! Pero mas okay talaga sana kung wala tong linta na to!

"Na never kong hiniling sa tanang buhay ko." Inirapan ko pa siya.

"Hahahah! Parang mga bata! So let's eat??"

"Wait lang Red, hintayin na natin si Clea. Nandun lang yun sa labas." Red ang tawag ko sakanya dahil Yen ang tawag niya sakin. Naintindihan ko naman agad kasi baka mag tanung pa ang babaeng to. Pag isipan pa kami ng masama.

Mukhang nagtaka si Ming sa pagtawag ko sakanya ngunit agad naman itong ngumiti at lumabas sa mga labi niya ang salitang 'Salamat'.

Tiningnan ko ulit si Clea at sinenyasan ito na pumasok na. Nakabalik naman ito agad sa upuan niya.

"Kaen na tayo! Gutom na talaga ko!" sabi ko.

"Kakainin niyo talaga lahat yan?! Ilang taon ba kayo hindi pinalamon?!" Nakakairitang sabi ni Rhanie the Bru.

"This is what you called happiness ! At wala akong pakialam sa opinyon mo!"

"Whoah! Sabing cool lang eh. Kalma na! Kaen na tayo babe." Tinapiktapik pa ni Red ang likod nito at nginitian.

Gumanti naman ng ngiti si Rhanie, humalik muna ito kay Red at nagsimula ng kumaen.

Kailangan talaga may ganun?! Santo ba si Red?!

Hitad!

-----------

"Oh Rhuwan napatawag ka?" Nasa bahay na ko at nakabihis na ng pang tulog. Di ko din sigurado kung darating pa si Red ngayon dahil 9pm na.

Matutulog na sana ko ng biglang tumawag si Rhuwan.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo." Sagot niya.

"Sus! Ayan ka na naman eh."

"Hi Ate Yen!" Narinig ko sabi ni Faye.

"Wag ka ngang magulo Faye!" Si Rhuwan.

"Oo na po sorry na!"

Ang cute nilang dalawa. Sana lang alam nila na bagay sila para sa isa't isa.

"Oh bakit nandyan si Faye? Gabi na ah?" Tanong ko.

"Umalis kasi ang mama at papa niya. Siya lang ang nasakanila kaya nakiusap siya na dito muna matulog ngayong gabi."

"Ah ganon ba? Ingatan mo yan huh?"

"Syempre naman! Tsaka kung ang iniisip mo ay baka magkaroon kami ng something, tsss di kami talo nuh!.........Aray!" Narinignkong parang may tumama kay Rhuwan.

"Hahahahahaha! Matulog na kayo at gabi na. Behave kayo jan huh? Goodnight Rhuwan."

"Goodnight Prinsesa ko" narinig ki pang humalik ito sa mic ng phone.

Pinindot ko na ang end button.

Sana lang talaga alam ni Rhuwan na hindi ako ang para sakanya.

Papatayin ko na sana ang ilaw ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Kahit tinatamad ay pinilit kong bumangon  para buksan ang pinto.

"Hi!" Sabi Red na ngiting ngiti sa harap ko.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon