CHAPTER TWENTY-NINE

14 0 0
                                    

YEN'S POV:

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung nakalabas ako ng ospital. Dalawang araw na rin ang nakakaraan simula nung nalaman namin na magkapatid pala ang best friend at manliligaw ko. At ewan ko ba sa sarili ko kung bakit napakalaki kong timang at binalewala ko lang ang pagkakapareho ng apelido nilang dalawa.

Di ko alam kung matatawa ako, o matatakot sa sitwasyon. Bigla akong kinabahan.

Paano kung ako pa pala ang maging dahilan para masira ang closeness ng magkapatid? Sabi naman sa akin ni Ming ay wala siyang nabanggit sa kapatid niya tungkol sa kiss namin nung araw na yun. Mukhang tulad ko ay ayaw niya ring masaktan si Rhuwan sa kung ano man ang meron kami ngayon ni Red.

Pero ano nga ba ? Ano nga ba kami ngayon ni Red? Simula kasi nung araw na yun ay hindi na namin napag usapan ang tungkol dun or worst, di pa ulit kami nakakapag usap.

And For Pete's Sake ! I even told him that I love him ! At wala man lang siyang isinagot! Eh para saan yung kiss na yun ?!

"Uy Yen ano ba ?! Hindi mo na ba kailangan yang mga notes na yan?! Sana binigay mo na lang sa akin!" Tiningnan ko kung anung tinutukoy ni Clea. Nagulat na lang ako ng nakita kong kinuyom ko na pala ang halos tatlong pages ng notes ko na kanina pa nakalagay sa lamesa ko. URGHHHHHG!!!!!!

"Anu ba kasi ang problema ?" tanung sakin ni Clea.

"Ahh wala!" sinarado ko na lang ang notes ko at baka may masira na naman ako dun.

Sampung minuto ng nagsasalita ang professor namin sa unahan pero wala pa rin si Red na hindi naman nakakapagtaka dahil forever late ang mokong na to.

--

"Uy nagtext nga pala kanina si Red ! Nasa cafeteria na daw siya. Tinanghali daw ng gising kaya di na nakapasok sa morning classes niya." sabi ni Clea habang papasok na kami ng caft.

"Salamat sa pag inform huh ? Sobrang nakatulong ! Nakikita ko na nga ngayon yung sinasabi mo eh." singhal ko kay Clea. Kanina pa kasi talaga ko badtrip!

"Sorry naman!" sagot niya.

Naupo na kami agad sa pwesto na nakuha ni Red. Nginitian ako nito pero sinimangutan ko lang.

"Wait guise, punta lang ako ng restroom." si Clea.

Pagkaalis nito ay tumabi agad si Red sa akin.

"Problema mo?" tanung ko.

"Masamang tumabi?" nakakalokong sagot niya.

Kanina pa mainit ang dugo ko sa lalakeng to at guess what?! lalo lang lumala! "HINDI ! PERO YUNG HINDI KA MAN LANG MAGPARAMDAM SA BESTFRIEND MO NG ILANG ARAW MATAPOS MO SIYANG HALIKAN ! YUN ! YUN ANG MALI!" sa maniwala kayo o sa hindi, bumubulong lang ako. Mahirap ng maeskandalo!

Halatang natigilan ito pero nakabawi naman agad. "Sesa naman eh. "

"Sesa mo muk.." natigilan ako ng bigla ng bumalik si Clea.

"What's the fuss? Parang mainit ang ulo mo girl ah!" Sabi nito habang umuupo sa upuan na nasa tapat namin ni Red.

Naisip kong wag na lang sabihin dito ang nangyare sa amin ni Red dahil baka maging complicated pa lalo.

"Ahh wala naman. Nagaasaran lang kami." Tiningnan ko si Red at inirapan ito.

"Kayo talaga ! Nagtataka nga ko sainyo kung bakit di kayo naiissue eh ! Hahaha!" sapakin ko kaya to?!

"Kala ko ba magrerestroom ka ? Ang bilis mo naman!"

"I changed my mind, madaming tao eh."

"Okay. Bili na kaya tayo ng food ano ho?"

Kaming dalawa na lang ni Red ang pumunta sa counter dahil nag volunteer na si Clea na magbabantay ng mga gamit at pwesto namin.

Medyo mahaba ang pila sa counter dahil nga lunch time. Sa likod ko nakapila si Red. Nagulat pa nga ako nung inalalayan niya ako bigla sa likod, na para bang anytime ay pwede akong matumba sa tuwing umuusad ang pila. Tiningnan ko ito pero mukhang sinasadya nito na wag salubungin ang tingin ko. Tss kainis!

Nung ako na ang magbabayad ay inunahan ako ni Red na magbayad at binayaran din nito pati ang orders ko. Which is kagulat gulat dahil napaka kuripot ng balahura na to!

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga damoves nitong bestfriend ko.

Kasabay ng paglapat ng pwitan ko sa upuan ay siyang pagsasalita din ni Clea at kinukuwento na naman nito as usual ang kadramahan nila ng boypren nyang butiki.

Non stop ang bibig nito pero wala akong naiintindihan. Nakatitig ako sakanya pero wala naman talaga dun ang isip ko.

Maya maya ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. Napatigil ako saglit pero hinayaan ko na lang. Napansin ko na lang na magkaholding hands na pala kami. Maya't maya din ang pisil ni Red sa kamay ko.

Di ko mapigilan ang mapangiti sa kilig na nararamdaman ko.

Ang warm ng kamay niya! Lakas makawala ng worries! Parang pakiramdam ko na lahat maayos din at kalimutan ko na lang lahat ng mga pinoproblema ko.

"Oy bruha! Bat nangingiti ka jan?! May nakakatawa ba sa sinasabi ko ?!" ani ni Clea. Napatingin naman agad ako dito at dun ko lang napansin na umiiyak na pala ito. Hala!

"Ahh ehh wala ! Kaw naman kasi ! Paulit ulit na ang ginagawa sayo ng boy friend mo, di ka pa rin nasanay. Susme naman ! Alam mo namang pag may usapan kayo ay consistent na 3 hours late siya sa usapan niyo. Anu ba naman yung iadjust mo ng 3 hours earlier yung usapan niyo para sakto ang dating niya sa gusto mong oras ! o kaya magpalate ka din ng 3 hours para di ka mukhang tangang naghihintay lage !" Buti pa nga to ang simple simple ng problema hiyang hiya naman ang problema ko sakanya nuh ?!

Tiningnan ko ulit si Clea, nagisip isip pa muna ito bago magsalita "OO NGA ANO ! Bat di ko naisip yun ?!"

Haay ! Baliw talaga !

Tiningnan ko si Red na ngiting ngiti ring nakatingin sakin.

"Bakit ?!" tanung ko.

Di ko man narinig pero basang basa ko sa buka ng bibig niya.

"I love you Prinsesa ko." 

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon