CHAPTER NINE

35 1 0
                                    

"Hatid na kita!"sabi ni Rhuwan.

"May sasakyan ka ba? Hahaha!"

"Oo kaya! Ayun oh !" May itinuro itong asul na sasakyan.

"Sayo yan? May lisensya ka na ba? Di ka pa pwedeng magdrive ah!" Tanung ko.

"Actually sa kuya ko talaga yan. Hiniram ko lang kasi sabi ko may date ako. Papaimpress sana ko sayo." Todo smile na naman ang luko.

"Hahahahahhahaha! Saka na lang pag may sarili ka ng kotse!" Natatawang sabi ko.

"Hahahahah! Hintayin mo kong makagraduate! For sure magkakaroon na ko ng sarili kong kotse by that time. At promise araw araw kang hatid sundo sakin. Basta ba sasagutin mo ko eh." Ngumiti ito sakin at kumindat kindat pa.

"Hahahhahahahaha! Puro ka biro! Wag kang mag alala dahil may sarili naman akong kotse. Osya gabi na, wala kang pasok bukas diba? 8:30 ako bukas eh. At ayokong malate na naman." kailangan kong ibahin ang topic at baka dun na naman mapunta sa ligawan ang usapan.

"Si Ms. Santos yung prof mo dun diba ? Yung nakakainis na nagpahiya sayo." Napangiti ako nung nakita ko sa expression niyang naiinis nga siya.

"Yhup, so see you around na lang Rhuwan, salamat ulit sa dinner." Nginitian ko siya at tumalikod na ko papunta sa kotse ko.

"Yen!"

"Hmmmm?"

"Sabay tayo mag lunch sa Monday. Sa hideout mo."

Date na naman?

"Uhmmmm, okay." Ngumiti lang ako at umalis na.

Nakita ko pa sa reflection ng salamin ng kotse ko na nagtatalon siya habang sumasayaw.

Napangiti ako.

"Nakikita kita!" Natatawang sigaw ko sakanya.

"Hahahahahahhaha! Babye mahal!!!" Narinig kong sigaw niya.

"Goodnight Rhuwan!"

Ang loko talaga nito  Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Masyado lang siguro talaga akong nagenjoy na kasama siya.

------

Goodmorning Saturday !! Pero hindi ganun ka okay. Late na kong nakauwi kagabe pero kailangan kong gumising ng maaga because of that Ms. Santos.

8:00am pa lang pero nasa loob na ko ng classroom at nakaupo na sa upuan ko.

Yumuko ako para sana umidlip muna since maaga pa naman. Gusto ko pang matuloooooooog !!!!!

Antok na antok pa ko Huhuhuhuhuhu!

Nakayuko na ko pero imbis na natutulog ako ay nageemote ako.

Baliw lang.

May naramdaman ako kumulbit sakin.

Agad naman akong nag angat ng tingin at hinanap kung sino yun.

Walang namang tao sa harapan ko kaya lumingon ako sa likod.

Si Red lang pala.

Oh my gosh ! Si Red !

Ang mukha ko!

"Good morning prinsesa! Mukhang puyat na puyat ka ah? Hahahahha! Laki ng eye bags mo ugh!" Patawa tawang sabi nito habang tinuturo ang magkabilang ilalim ng mga mata ko.

"What?!" Kinuha ko agad ang salamin ko sa bag at tiningnan ang mukha ko.

"Joke lang! You're still pretty as ever."

"Matagal ko ng alam yan." Patay malisyang sabi ko.

"Hahahahahahah! Anyway balita ko wala kang boyfriend ngayon ah?"

"Yes, at wala muna siguro akong balak. Ienjoy ko muna ang pagiging single" tumingala pa ko, tiningan ang kisame at dahan dahang pumikit.

Tuluyan na kong hinihila ng antok ko.

RED'S POV:

Si Maryena Santiago. Ang babaeng matagal ko ng pinapangarap.

Akala ko mawawala na ang pagkagusto ko dito sa babaeng to since dumating si Rhanie sa buhay ko.

Pero ganun pa rin eh. Its still the same feeling.

The same feeling I felt when I first saw her walking at the hallway wearing a plain pink dress na parang isang tunay na prinsesa.

I even imagined her wearing a crown by that time at hihintay kong makarating siya sa harap ko para kunin ang kamay niya at alalayan ito.

Kaso naputol ang pagdedaydream ko nun ng may madapang elementary student sa harap niya at tinulungan ito.

Naalala ko pa dati, talagang iniistalk ko pa ang schedule na kukuhanin niya para magaya ko kung sakaling may magkaparwho kaming subject. O kaya naman inaadvance ko yung subject na yun kapag nalaman kong kukunin niya para lang maging kaklase ko siya.

Madalas din na ang pinipili kong upuan ay yung malapit sakanya para lagi ko siyang nakikita o kung mabibigyan ng pagkakataon, makausap man lang.

There is one time na kinausap niya ko. Yun yung time na biglang nag pa quiz then wala siyang yellow paper. Nanghingi siya sa akin dahil ng papel dahil ako lang naman ang may nakalabas na yellow pad na malapit sakanya.

Nag thank you pa ito sa akin at bjnigyan ako ng matamis na ngiti kaso napatulala lang ako sakanya nun.

Sa sobrang saya ko nun, wala akong naisagot sa quiz na yun.

Siya ang unang babae na sobrang bumababa ang self confidence ko pag nakikita or napapalapit ako.

Kaya ayaw ko rin siyang nilalapitan or kinakausap.

But last Thursday nagkaroon ako ng dahilan to talk to her at hindi ko na pinalampas yun.

Ang gago ko lang kasi sinabi ko pa sakanyang may Girlfriend ako.

Pero eto na ata siguro yung moment na matagal ko ng hinihintay.

Nakapikit pa siya sa harap ko at parang si sleeping beauty hinihintay ang prince charming niya na halikan siya.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya na ganito. Napansin ko kasing bakaugalian na niyang matulog kapag maaga siyang nakakapasok sa klase. Pero ngayon lang nangyare na sa tabi ko lang siyang natututulog.

Parang isang prinsesa na kailangang protektahan sa lahat ng bagay.

Dati pangarap ko lang iting moment na to pero ngayon....

Sobrang abot kamay ko na siya.

Napatingin ako sa mga labi niya.  Walang nakalagay dito na mapulang lipstick pero natural na mapula ang labi nito.

Malambot kaya yun ?

Ano kayang pakiramdam na mahalikan ng isang prinsesa?

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sakanya, at unti unti na rin akong napapikit.

Isa lang..

Kahit saglit lang..

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon