CHAPTER TWENTY-SEVEN

17 0 0
                                    

RED'S POV:

"Pasensya ka na ulit pare huh?" sabi ko kay Mayson. Hanggang ngayon kasi ay naguguilty pa din ako. Dapat di ko pinairal ang init ng ulo ko.

"Wala na sabi yun pare! Di mo naman alam eh. Nga pala edi si ate pala yung tinutukoy mong babaeng mahal mo?" may halong pang aasar na sabi nito.

"Hmmm hindi ko naman type si Clea kaya oo."

"Nako ! Eh ano ng plano mo ngayon? Naunahan ka na ng kapatid mo? At di naman siguro habang buhay ay maitatago mo yang nararamdaman mo." may point naman ito pero ano ngang gagawin ko?

"Di ko rin alam pare. Hindi na lang siguro ako makikialam sakanila."

"If I were you pare, sasabihin ko na sakanya hanggat may pagkakataon, malay mo may pag asa ka pa." pagkasabi noon ay nagtuloy na ito sa kotse na. "uwi muna ko sa bahay Red, di ko pa naaayos yung mga gamit ko eh. Magdala na din ako ng damit ni ate." nakasakay na ito ng tuluyan na sinumulan ng paandarin ang kotse."

"Ingat pare!" tumalikod na ako at sinimulan ko ng maglakad pabalik sa kwarto ni Sesa.

Aaminin ko na ba talaga sakanya? Paano kung lumayo siya sa akin?

Argh! Wag ka ngang torpe Reden! Kailan ka pa natorpe pagdating sa ganito! Ughg kainis !!!!!

Yen's POV:

Ilang oras na ang nakakaraan ng umalis si Clea at kaming dalawa na lang ni Ming ang naiwan pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong imik. May problema ba ito?

"Uhm Ming?"

"Hmmm?" napapitlag naman ito mula sa pagkakatulala at tiningnan ako.

"May problema ba?"

"Wala naman, bakit?"

"Tahimik ka eh. Problema mo?"

"Huh? Wala naman! Nga pala, bigla kong naalala, kamusta nga pala yung lakad mo nung isang gabi. Nabanggit mo na may pinuntahan ka bago ka dumaan sa bahay." tumayo ito at nagsimulang magbalat ng prutas.

"Hmmm, actually, something big happend that night."

"Really?" walang emosyong tanung nito.

"Yup, Rhuwan already asked me to be..... his girlfriend." di ko alam kung bakit pero bigla akong naging uncomfortable sa conversation namin.

"Ahhh so what happend?" is that it?!

"Ayun, di ko alam ang isasagot ko kaya. sabi ko pag iisipan ko muna Hahahaha!"

"Huh? Bakit?" bigla itong napatingin ng diretso sa akin.

"Ewan ko ba, nakakabatang kapatid lang talaga ang tingin ko sakanya."

"Hindi ba dapat diniretso mo na sakanya na di mo siya gusto?"

"Ilang beses ko ng sinabi sakanya na masasaktan lang siya sa akin. Ilang beses ko na ring sinabi sakanya na may iba na kong mahal." Oh Shit! Agad akong napalingon sa kabilang parte ng kwarto. Hay nako Maryena!

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon