CHAPTER EIGHT

43 1 0
                                    

"Pupuntahan mo ba?" Tanong sakin ni Clea na katabi ko ng upuan.

Nasa bandang likuran kami kaya hindi masyadong halata ng prof kung magdaldalan man kami.

"Hindi ko alam Clea." Walang tinging sagot ko sakanya.

"Wawa naman yun kapag hindi mo pinuntahan."

"Hayaan mo na."

"Sus! Bakit biglang nagpapakipot ka yata ngayon?" Medyo siniko siko pa ko nito.

"Hindi ako pakipot, ayoko lang patulan yung bata."

"Sus! Ang sabihin mo, may iba nang nag mamay ari ng atensyon mo." Siniko siko pa ulit ako nito.

"Tigilan mo nga ko Clea"

"Pero infairness, gwapo talaga yung Red kaya hindinna ko nagkakataka kung bakit ka nagkakaganyan." Ngiting ngiti si Clea.

"Ang kulit naman ni Clea eh! Hindi nga kasi !" Malakas na sigaw ko, dahilan upang mapatingin sa amin ang mga kakalase namin pati na din ang prof sa unahan.

Patay!

"Ms. Santiago! Ms. Ramos! Baka mag gusto kayong ishare sa klase?!" Galit galit na sabi ng babaeng professor sa unahan.

"Wala po, sorry Ma'am"

Hayssss.

-------

Lalapit ba ko?

Or hindi na?

Lalapit?

Hindi?

Hindi?

Lalapit?

Di ako nakapag concentrate sa last class ko dahil dito sa batang to!

Ewan ko ba kasi sa mga kabataan ngaun kung bakit ang aga agang lumandi!

Pero bakit ko nga ba siya iniisip?

Bata lang yun nuh!

Di dapat seryosohin.

Hmmmm....

Siguro I'll just go. Kawawa naman kung paghihintayin ko siya sa wala.

Pero wala naman akong sinabi na pupunta ko diba?!

Ahh ewan!

Nasa tapat ako ngayon ng resto na sinabi nung bata kanina at heto ako, tinititigan siya.

Nagdadalawang isip ako kung bababa pa ako ng kotse at lalapitan ko siya.

He's wearing a polo with red and black stripes pattern.

Taas taas pa ang buhok nito.

May nakita din akong nakapatong na boquet ng bulaklak sa lamesa.

Seryoso ba tong batang to?

Balak ba talaga niya kong pormahan?!

According kasi sa letter na binigay niya sakin kanina, elementary pa lang daw ay crush na niya ko.

Hinintay lang daw niyang mag 3rd siya para daw atleast hindi ko masabi na bata pa siya.

Parang may pinagkaiba naman?

Hahahhaha!

9pm na pero di ko pa rin siya binababa.

Nakita kong hawak na niya ang tyan niya. Mukhang gutom na ata. Pero mukhang di pa din siya umoorder dahil nasa lamesa pa din niya ang menu.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon