CHAPTER THIRTY ONE

18 0 0
                                    

"Kuya, anung ibig sabihin nito?"

"Rhuwan." Yun na lang ang nasabi ko. Hindi ko talaga alam kung anung gagawin ko.

"Kuya, kayo na ba?" Tanung ni Rhuwan.

"No, Rhuwan! Hindi kami." Napatingin ako kay Rhuwan, kitang kita ko kung gaano siya nasasaktan.

Sabi na nga ba aabot kami sa ganitong sitwasyon. Pero di ko naman inaasahan na ganito kabilis! My gosh! Wala pang isang linggo oh!

"Gabby." Si Red.

"Red. Please." Napatingin ako kay Red. Di na niya dapat sabihin kay Rhuwan ang tungkol sa am.....

"Gabby, I'm inlove with her!"

Ugh! Too late.

"What?! Pero kuya alam mo naman na.." Magkahalong gulat at sakit ang nakita ko sa mga mata ni Rhuwan.

Hindi na lang dapat sinabi ni Red ayojing magkagulo silang dalawa dahil lang sakin!

"Alam ko! Pero anung magagawa ko?! I fell in love with her nung una ko pa lang siyang nakita few years ago?! " sigaw ni Red.

Una pa lang nakita?

Napatingin ako sakanya. When was that? The car accident? No. Sabi niya few years ago. Kailan yun?

"Pero mahal ko din siya Kuya! Alam mo yun! Alam na alam mo yun! Di ko alam na ikaw pa pala mismo ang aahas sa mahal ko!"

"You're being unfair Gabby! I didnt know na siya ang tinutukoy mo in the first place!"

Nakita kong pareho na lang silang nagpipigil na saktan ang isat isa lalo na si Rhuwan. I should do something.

"You're the one who is being unfair Kuya! Alam mo na siya yun ! Pero ano tong ginagawa mo?!" Sigaw ni Rhuwan.

"STOP IT !" Di ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Pakiramdam ko hindi matatapos ang paguusap ng dalawang to.

Tumigil naman silang dalawa at unti-unti na silang huminahon.

"You know what? Hindi niyo naman ako kailangang pag awayan. Alam niyo kung bakit?! Kasi I dont deserve you!" Tinuro ko si Rhuwan. "And also you Red!"

"Yen." Hahawakan sana ko ni Red pero lumayo agad ako.

"Hindi ko kailangan ng tulad niyo sa buhay ko! Masyado kayong hassle! Akala ko masayang makipaglaro sainyong dalawa dahil magkapatid kayo. I thought may thrill kayong dalawa pero wala eh! Di ko akalain na aabot sa ganito na parang inoobliga niyo ko na pumili sainyong dalawa. Pero sorry na lang kasi nagsawa na ko sainyo. Kaya please lang tigilan niyo na ko!" Pagkasabi ko nun ay lumabas na ko ng kwarto. May naririnig akong yabag na humahabol sakin pero hindi ko na lang pinansin kung sino yun.

Gusto ko na lang umalis sa lugar na to.

-----

Maya't maya ang tawag sakin ni Rhuwan sa phone pero di ko siya sinasagot. Pati daw si Clea ay kinukulit na din nito. Hay!

Di bukal sa loob ko ang mga sinabi ko sakanila nung isang linggo. Pero I have no choice. Ayokong maging dahilan ng pag aaway nila.

"Alam mo Sesa, mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Mula ng maya't maya ang alis nila mama at papa para magtrabaho at kaming tatlo lang lagi ang naiiwan sa bahay, ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko sila papabayaan tulad ng ginagawa nila mama at papa samin."

"Hindi naman nila kayo pinapabayaan eh. Kaya sila nagtatrabaho para sainyo. Para maibigay nila ang kailangan niyo at makakapagpasaya sainyo."

"Kahit anung trabaho nila, hinding hindi nila maibibigay ang kailangan namibg magkakapatid. Yung bagay na makakapagpasaya samin. Yung oras nila Sesa. Yun yung kailangan namin. Kaya ako, pinangako ko sa sarili ko na hanggat kaya ko, ibibigay ko sa mga kapatid ko ang buong oras ko. Gagawin ko ang lahat para di nila maramdaman na wala sila mama at papa. Hinding hindi ko sila pababayaan."

Iyong mga sinabi ni Red sakin ang pumasok sa isip ko ng makita ko silang nagtatalo ni Rhuwan. Si Red na lang ang dahilan kung bakit buo silang magkakapatid. Ayokong ako ang dahilan kung bakit niya gugustuhing bumitaw.

I'll do anything to make him happy. Even if it can break my heart into pieces.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon