CHAPTER TWENTY-FOUR

12 0 0
                                    

"ANUNG GINAGAWA MO DITO ?!"

Magkapatid nga talaga kami dahil sabay na sabay ang pagkakasabi namin ng mga salitang yun.

Tatawa na sana to ng pinigilan ko.

"Seriously Mayson ?! Anung ginagawa mo dito ?! Hindi lang dito as in DITO sa bahay ni Red. I mean what the hell are you doing here in the Philippines ?! I thought mag kasama kayo ni Daddy ?!" pasigaw na sabi ko sakanya. Sinimulan ko na din ang paglalakad palapit sakanya. Patay sakin ang batang to!

"Ang boring kaya dun ! Tsaka miss na miss ko na kaya ang pinakamagandang ate ko sa buong mundo !" Sabay ngiti nito at akmang yayakap pa sa akin na di naman natuloy dahil nakatikim ito ng isang masarap at manamis-namis pang batok!

"Gagung to ! Ako lang naman ang ate mo!!!  So bakit ka nga umuwi at anung ginagawa mo dito sa bahay ng best friend ko ?!" naupo ako sa kama ni Red at nagdequatro pa.

"Eh kasi puro palpak nagawa ko dun eh Hahahahha ! Ayun puro sermon lang inabot ko kay daddy at eventually sinukuan nya din ako at pinabalik na agad dito." Naupo na rin ito sa study table ni Red. Mukhang feel at home na tong batang to dito ah.

"Gusto sana kitang surpresahin kaya lumabas muna ko ng bahay para bumili sana ng paborito mong foods kaso ayun, napadaan ako sa favorite bar natin, I saw Red which is in the middle of a fight then I helped him and I forgot everything about you na. I just found myself here in this room. Di ko naman akalain na pati pala ako ay masusurpresa sa pagkikita natin." tuloy tuloy na sabi niya.

"Okay okay. Pero alam mo ba kung bakit siya napaaway?" mas nangibabaw na ang concern ko kay Red kesa pagalitan ang nakakabata kong kapatid.

Nagisip pa ito maigi at inabot ng 5 seconds bago makasagot. "Hindi eh. Pero sa pagkakatanda ko sa sinabi kanina, tinawag mo siyang bestfriend mo ? so ikaw pala yung kinukwento niya sakin kagabe pa." Pilyo ang ngiti nito.

"Anu bang kinukwento niya?" Kinukwento ko ni Red sa ibang tao ? kahit na sa isang tao na kakakilala pa lang niya ? Bakit kaya ?

"Some guy's stuffs" Tumawa pa ito ng bahagya saka tumayo.

"Huy! anu nga kasi yun!" sinundan ko siya papunta sa teresa. Nakakainis to! paghuhulain pa ko !

"Sikretong malupet ate!"

"Mayson naman eh ! Kala ko ba walang taguan ng sikreto!"

"Really? Kaya pala wala akong kaalam alam na may bestfriend kang lalake at may nanliligaw sayo na mas bata ng ilang taon sayo!  matanda pa ko dun sa manliligaw mo ah ! CHILD ABUSE KA ATE !" nakakasar talaga to ! Pati ba naman yun kinuwento ni Red ?!

"Hoy hindi ah !" kinurot ko ito sa tagiliran na agad namang nagpahiyaw dito. Signature ko yun eh, masakit talaga kong mangurot!

"Aray ! Walang ganyanan ate child abuse!" pagkasabi noon ay nagtatakbo ito paikot sa kwarto ni Red. Paginatake talaga to ng kakulitan ay walang pakialam kung nasaang lugar man kami.

"Halika nga ditong bata ka!" Ilang taon lang ang tanda ko sakanya pero hanggang ngayon ay bata pa rin ang tingin ko sakanya dahil sa ugali na rin nito.

Naghabulan kami ng paulit ulit hanggang sa mapadapa siya sa kama ni Red. Pumaibabaw ako dito at sunod sunod ang pagkurot na ginawa ko sakanya.

At dahil lalake pa rin naman tong kapatid kong to ay nakawala agad siya at siya namanang pumaibabaw sakin. Gumanti naman siya ng pangingiliti na Finishing move niya kapag nagwrewrestling kami.

Mamatay na yata ko sa katatawa. Di na ko makahinga !!!! Magtatap out na sana ko ng bigla na lang tumilapon si Mayson papunta sa pinto ng CR ng kwarto ni Red.

Agad akong bumangon at tiningnan kung saan nanggaling ang pwersang iyon.

Laking gulat ko ng makita ko ang lalakeng kanina pa namin hinihintay. Pero nakakatakot ang itsura nito. Pulang pula ang mukha at nanlilisik ang mga mata.

"RED ?!"

"Gago ka ! Akala ko kaibigan kita !" akmang susuntukin na naman nito si Mayson pero agad akong nakabawi mula sa pagkagulat kaya nakatakbo agad ako at nahawakan sa braso si Red.

"Bitawan mo ko Sesa!" pakasabi nun ay nagulat na lang ako dahil bigla yata akong nagkaroon ng special powers at nakalipad ako papunta sa closet ni Red.

Napansin ko na lang na unti unti na palang nanlalabo ang paningin ko at di na ko makagalaw.

Anu bang nangyayare?

Bigla na lang akong inantok at wala na kong ibang nagawa kundi ang magpadala sa antok na to.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon