CHAPTER TWENTY-FIVE

13 0 0
                                    

"Yen? Please wake up! I am really sorry! Hindi ko talaga sinasadya yung nangyare."

Malabo man pero sigurado akong si Red yung nagsasalita.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at si Red agad ang nakita ko.

"Ming?"

Agad namang tumingin sa mga mata ko si Red. Bakas ang kasiyahan sa mga mata nito kahit pa tonelada yata ang lamang damit ng mga eye bags ng gwapong lalakeng to.

"Yen?! Are you really awake ?! Thank God! You're asleep for two days ! Teka lang tatawag ako ng doktor!" Agad ko namang hinawakan ang braso niya.

Nagtataka ako sa sinabi niya. Wala akong maintindihan. Anu bang nangyare?

"Doktor? Two days?"

Nahalata naman ni Red na naguguluhan ako kaya inexplain nito ang mga nangyare.

"I am really sorry Sesa, I really dont know that he is your brother." Lumungkot ulit ang mga mata nito.

"Hey! It is fine! Walang may kasalanan sa nangyare okay ? kahit naman sinong lalake na aabutan ang babaeng bestfriend na may nakaibabaw na stranger ay ganun din ang gagawin." Hinigpitan ko ang hawak sa braso niya. Wala naman kasi talaga siyang kasalanan sa nangyare and actually napangiti nga ako ng maisip ko na ganun pala siya katindi magprotekta pag dating sakin.

Kung ganito ba ng ganito ay wala na kong pakialam kung ilang beses pa niya kong paliparin ng paulit paulit!

"Lika nga dito!" iniangat ko ang isa kong braso at hinila siya gamit ang isa ko pang kamay. Nabigla naman ito kaya napausob-sob siya sa akin.

Nginitian ko ito ang dinampian ng isang halik sa pisngi.

"Salamat Ming."

-----

Rhuwan's POV:

"Ano Rhu? Wala pa rin?"

Tiningnan ko si Faye na nagpumilit na samahan ako sa meeting place namin ni Yen. Di na ulit kasi ito tumawag or nagtext ever since the night I asked him to be my girlfriend.

Umiling lang ako.

"Baka may emergency lang sakanila Rhu. Di ka naman siguro iiwasan ni Ate. Sabi naman niya pag iisipan niya diba ?" nakangiting sabi ni Faye.

"Sana nga Faye." huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. " Tara na! Libre mo ko ng Ice Cream !"

"Huh?! Bat ako manlilibre?!"

"Joke lang. Tara dun tayo sa paborito mong Ice Cream parlor." tumayo na ko sa swing at nagpatiuna palabas ng lumang play ground.

Sana okay lang si Yen.

Ilang minuto lang ang nagtagal at nakarating na kami sa paborito naming tambayan ni Faye.

"Jan ka na lang ako na ang oorder."

Nginitian agad ako ni Faye at tumango naman agad ito.

Maganda at matalino si Faye. We've known each other since birth. Literally.

Ang kwento ng mga magulang namin ay sa isang delivery room lang kami pinanganak since isa lang ang delivery room ng hospital na pinuntahan nila at nagkataong sabay pa kaming lumabas kahit pa nauna si Ate Gracie sa akin. Na para bang hinintay muna ako ni Faye na magsimulang lumabas bago din siya mag simulang lumabas. Iyon din ang dahilan kaya naging magkaibigan ang mga nanay namin.

Sa katunayan, Gabriel lang talaga ang pangalan ko pero dahil sa katuwa-tuwang nangyare sa amin, dinagdagan ni Mama ang pangalan ko ng Rhuwan kasunod sa pangalan ni Faye na Rhoana Faye.

Sabi nga nila ay tadhana daw iyon at baka kami na talaga ni Faye ang para sa isat isa but we dont see each other that way. We are more than friends but less than lovers. Mas tinuturing ko pa nga siyang kakambal kesa kay Gracie.

"Here's your order Sir Rhuwan." nakangiting inabot sakin ng crew ang mga order kong ice cream. "Kaso bakit po dalawa lang yung inorder niyo? Paano po yung gwapong kasama niyo ni Miss Faye?"

"Kasama? Wala naman kam..." agad kong nilingon ang lamesa na pinagiwanan ko kay Faye kanina. At tama ang crew, may kausap nga itong lalake.

Halatang sayang saya si Faye sa kausap nito. Obvious naman na playboy itong lalakeng to.

...

Hmmmm....

...

Ah! Siya yung bisita ni kuya sa bahay nung isang isang araw. Pero paano niya nakilala si Faye? Boyfriend ba niya ito? Bat wala naman yatang nakwento sakin si Faye!

Tsaka bakit kailangan pa niyang pasunurin ang mokong na yun dito?! Wag niyang sabihin na pati yung ice cream niya ay kailangan ko ring bayaran!

Padabog na lumapit ako sa dalawa at padabog ko ding nilapag ang tray sa lamesa. Muntik pa ngang matumba ang isang baso pero naagapan naman agad ito ni Faye.

"Oh, looks like your boyfriend is already here. I better get going. It is my pleasure to meet you Miss Rhoana. " Inabot nito ang kamay ng babae at hinalikan. Di ko alam kung bakit pero biglang tumaas ang bawat patak ng dugo ko sa katawan! "You have my number. Call me if you need a friend."

Pagkabitaw niya sa kamay ni Faye ay humarap naman ito sa akin at inilahad at kamay. "I'm Mayson pare, and you really have a great girlfriend here. Dont ever let her go. Im very sure, maaagawan ka." Kumindat pa ito at pagkasabi noon ay dumeretso na ito sa counter. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng Ice Cream Parlor.

Alam naman pala nitong may boyfriend yung tao pero nilandi pa din ?!

Gago!

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon