CHAPTER THIRTY SEVEN

21 0 0
                                    

YEN'S POV

"Yes Daddy! Okay po. Bye." Pakasabi ko noon ay pinatay ko na ang cellphone ko at diniretso na sa bag. Simula nang nakabalik ako sa Pilipinas noong isang taon, lagi ng nakamatyag sakin si Daddy na hindi naman niya ginagawa sakin dati. Miski pagpasok ko sa trabaho, kinakamusta niya.

Halos anim na taon na ang nakakaraan simula noong umalis kami ni Mayson sa Pilipinas. Natapos namin ni Mayson ang college degree namin sa Canada. Unfortunately, hindi engineering ang natapos ko. Napilitan kong sundin si Daddy dahil sa kaliwa't kanan, harap at likod niyang panunumbat at pananakot.

Pinagtuuan ko ng pansin ang monitor ng computer na nasa harapan ko. May bussiness proposal pa nga pala akong kailangang tapusin at wala dapat akong time para mag muni-muni.

Nilagyan ko na lang ng mga konting comments yung slide then DONE na ! :)

"Uy Yen, tagal ka pa?"

Inatras ko ng bahagya ang upuan konpara makita ang girlalo na nasa katabing desk ko.

"Eto sakto, tapos na ko Lysa"

First day ko pa lang dito sa LGC ay si Lysa na agad ang nakaclose ko. Friendly kasi ito at maloko. Napaka dali pang pakisamahan. Naalala ko nga lagi sakanya si Clea eh.

"Gugutom na ko Lysa, kain na muna tayo please?" Nakalimutan ko na kasing maglunch kanina dahil sa sobrang tutok ko sa pag tapos ng proposal. Nagaaway na mga bulati ko sa tyan.

"Tara!" Masiglang sabi nito. Mukhang di pa rin ito kumakaen.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis na kami. Kaming dalawa na lang pala ang tao sa floor namin. Nakakatakot pa man din dito, nasa 13th floor kasi kami. Buti na lang madalas kong kasabay umuwi si Lysa.

Sa tapat lang ng opisina namin naisipang kumaen. Isa itong restaurant na madalas pinagkakainan ng mga empleyadong medyo may kaya sa LGC. May kamahalan din kasi ang mga pagkain dito.

"Girl, sure kang dio tayo kakaen? Kukulangin yata budget ko." Si Lysa.

"Nu ka ba, ako nag yaya kaya treat ko to!"

"Talaga?!" Tuwang-tuwang sabi ni Lysa. Unlike me, pamilyadong tao na si Lysa, may isang anak na siya na babae, yung asawa naman niya na di naman siya pinakasalan ay sumakabilang bahay na.

"Buti na lang may kaibigan akong rich girl!"

"Hahahahahahah! Umorder ka na nga lang." Natatawang sabi ko.

Walang nakakaalam sa kompanya na mayaman ako (or should I say, mayaman ang daddy ko) maliban kay Lysa. Pag aari ni Daddy ang LGC kaya doon niya ko pinapasok. Mas mataas na posisyon sana ang ibibigay niya sakin pero tinanggihan ko. Gusto ko kasing mabuhay ng hindi umaasa kay daddy. Pati lahat ng luho ko ngayon ay pinagipunan ko, maliban na lang ang condo na tinitirhan ko ngayon. Regalo kasi to ng "step mom ko daw" sakin nung birthday ko bago kami umuwi sa Pilipinas ni Mayson.

Napansin kong nagvivibrate na naman ang phone ko. May nakalimutan bang sabihin si Daddy?

Oh si Mayson.

Kadarating lang ni Mayson galing Canada kahapon. Tinapos pa kasi niya ang kontrata niya doon kaya nauna akong umuwi kesa sakanya.

"Yes baby brother?"

"Sorry Ate, but you should stop calling me that. Sikat na ko, you know." Sagot ni Mayson sa kabilang linya.

"Ganun? Well sorry ka na lang kasi kahit maging presidente ka pa ng Pilipinas, baby brother pa din kita."

Habang nag aaral kami ni Mayson, kasabay din nun ang paminsan-minsan niyang pag momodel sa mga sikat na magazines and clothing line. Hanggang sa unti unting dumami ang offers niya at nadiscover na pilipino pala siya. Nagsimulang mag unahan ang mga local stations para kunin siyang artista at yun na. Kanina ay nagdecide siya kung ano ang pipiliin niyang management.

"Well ano na ang napili mo?" Tanung ko.

"Yung management na kulit ng kulit sa akin. I discovered something interesting kaya yun ang napili ko. Sa isang araw naka schedule ang meeting namin. Then kung magkasundo kami baka dun na din mag contract signing. Madaming media daw ang magiging present. I heard ipapalabas daw yun sa news."

"That's great! Sa unit ko tayo mag dinner, I'll cook okay?"

"Ughhhh! Negative ate. Luluwas ako para bisitahin sila tatay diba?"

Napabuntong hininga na lang ako. "Tsss oo nga pala. Basta sila lang ang pakay mo huh? Wala ng hidden agenda okay?"

"Hahahahahaha! Ate talaga! Sige na laters, love you ate."

"Love you too, bye."

"Sabihin mo 'love you' din." Nagulat na lang ako na nasa tabi ko pala si Lysa.

"Wag kang ano Lysa. Kapatid ko yun, hands off."

"Grabe ka naman, hindi naman ako nangangagat eh." Nag pout pa to. Long time crush na niya kasi si Mayson.

Wala pang sampung minuto ay dumating na agad ang order namin ni Lysa. Seafood platter ang inorder namin. May tahong, may shrimp, at may isda.

"Kamusta naman yung buong araw mong pinagkaabalahan na presentation?" Tanong niya.

"Aba ! Dapat lang na maganda yun nuh! Ilang araw ko ding trinabaho yun!"

"Oo nga, ilang days ka ng OT gawa nun. Nadadamay tuloy ako, hahahaha!"

"You should be thanking me no! Kahit na saksakan ka ng tamad na mag OT, napipilitan ka para lang masamahan ako. Nadadagdagan tuloy sweldo mo."

"Tama ka girl! Musta na nga pala kapatid mo?"

"Sus! Ikaw Lysa huh?! Sinabi ng wag ang kapatid ko! Play boy yun! Wala kang mapapala dun hahahaha!" Simula ng ipakilala ko kay Lysa si Mayson, laging bukambibig na nito ang kapatid ko.

"Tuh naman, nagtatanong lang."

"Nagsabi siya na mag out of town siya this weekend. Batangas yata. Niyayaya nga niya ko kaso sabi ko ayaw ko at may presentation nga ko na pinaghahandaan."

"Nako girl! Sabihin mo ako na lang sasama, wala naman akong presentation eh!"

"Loka ka talaga! Mga ex future in laws niya ang pupuntahan niya dun. Baka mahurt ka lang."

"Ex future in laws????" Napataas ang kilay nito.

"Hay nako kumaen ka na lang jan kung di mo magets."

Paubos ko na ang pagkain ko ng biglang mag salita ulit si Lysa.

"Radar alert. Radar alert. Radar alert."

Tiningnan ko ito, ganito kasi siya kapag nakakakita ng guwapo.

"Saan?"

Nginuso nito ang lalakeng nakaupo sa pinakasulok ng restaurant. Nakatingin lang ito sa labas habang nilalaro ang pagkain sa pinggan niya.

Naka plain sky blue polo ito, clean cut, malaki ang katawan, at most especially guwapo.

He looks familiar.

No.

My heart never forgotten him.

My heart knows him well.

Napatulala ako sakanya. Di ko akalain na may igugwapo pa pala ito. Mas lalong nagmature ang itsura niya ngayon.

Anung age na nga ba niya? 26? 27?

He's like a demigod. A drop-dead gorgeous.

Seryoso ang expression niya kaya tingin ko mas gwapo siya kapag nakangiti.

Yung mga ngiti niyang nakakawala ng pagod. Yung mga ngiti niyang nakakatanggal ng problema.

How I wish I could see again those smiles. Those smiles that I realy miss.

Lahat ng nararamdaman ko sakanya na akala kong naibaon ko na sa limot 6 years ago ay unti unting bumabalik. Yung mga araw na nasayang dahil sa sobrang komplikado ng sitwasyon namin.

Bakit kailangan ulit kitang makita?

Sagutin mo ko..

Red.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon