CHAPTER TWENTY-TWO

26 0 0
                                    

YEN'S POV:

Tahimik ang madilim na paligid. 7pm na at karamihan ay nag uwian na kaya kakaunti na lang ang tao sa campus.

Nilingon ko ang lalake na nakaupo sa kabilang swing sa tabi ko. Pero nakayuko lang ito. Mukhang malalim ang iniisip niya.

Ilang araw na ang nakalipas mula noong araw na naglapat ang mga labi namin pero this is the first time na mag uusap kami mula noong nangyare yun.

"Rhu?" tawag ko sakanya.

...

..

..

"Yen, galit ka ba sakin?" sinabi niya ito ng hindi tumitingin sakin.

Pinilit kong ngumiti at tumawa. "Hahahahaha! bakit naman ako magagalit? It's just a kiss. At normal yun nuh! Kahit sinong lalake na mapapunta sa ganung pagkakataon ay ganun din ang gagawin. Sa ganda kong to!"

"Kaso Yen.."

"Shhh kalimutan mo na yun, let's just think na isa lang yung magandang memory na kailangan ng kalimutan for the sake of our friendship, right?" Nginitian ko ito and at the same time hoping for his approval. Importanteng kaibigan sakin si Rhuwan at ayaw ko siyang mawala.

"Wala ba talaga kong pag-asa sayo Yen?" nakita ko ang pag higpit ng hawak ni Rhuwan sa kadena ng swing.

"Rhuwan naman."

"Just tell me Yen. Kasi honestly, nabuhayan ako ng loob nung nagrespond ka dun sa halik ko sayo."

"Rhuwan, hindi ka kasi bagay sa isang tulad ko. I mean, you are too good for me."

"Eh ano naman?!" this time tumingin na siya sakin.

"Masasaktan ka lang sakin Rhuwan. Alam mo namang may gusto na kong iba diba?"

"Pero gusto ka ba niya?!"

Natigilan ako sa tanung sakin ni Rhuwan. Kung tutuusin ay may point talaga ang tanong niya. Gusto nga ba ko ni Red?  O si Rhanie pa din? Biglang nag flash back sakin ang conversation namin ni Red kahapon. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya sa pananalita at mga mata niya. Hindi naman siguro masasaktan ng ganun si Red kung hindi niya mahal si Rhanie.

"Kasi ako Yen, Mahal na mahal kita! Ang hinihiling ko lang sayo Yen ay bigyan mo ko ng pagkakataon para maparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Please give me a chance to do that." Tumayo ito mula sa pinaguupuan nito at naglakad papunta sa harap ko, inabot nito ang mga kamay ko at inalalayan akong tumayo.

Biglang may nag play na instrumental music at biglang nagliwanag ang paligid ng swing na kinalalagyan namin. May mga estudyante ding nagdadatingan na may mga dalang kandila at rosas. Pamilyar sila kaya alam kong mga kakalase to ni Rhuwan. Mayroon ding cardboard na walang nakasulat ang dala-dala. Dahan dahan silang pumwesto sa unahan namin ni Rhuwan. Unti-unti ng nagsisink in sa akin kung ano ang mangyayare. Oh no!

Maya maya pa, inisa-isa na nilang ikutin ang mga cardboard.

"WILL YO....mmmm mm mmm ?" Di ko na natuloy ang pagbabasa ng takpan ni Rhuwan ang bibig ko.

Lumuhod ito at inilagay ang kamay sa likod niya. Lumapit ang mga estudyanteng may dalang rosas at inilagay ito sa kamay niya hanggang sa naging isang bunch of roses na ito. Iniharap niya sa akin ang mga rosas.

"Ms. Maryena, will you please be my Girl?"

If I could just stop everything right now ay gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gusto kong bigyang ng pagkakataon si Rhuwan pero alam ko sa huli ay masasaktan ko lang din siya. Pero masasaktan din siya pag nireject ko siya ngayon. Bakit ba kasi sakin ka pa nainlove Rhuwan ?! What to do? What to do? What to do?!!!!!

"Uhmm Rhuwan, pwedeng mag isip isip muna ko ?" Pinilit ko siyang ngitian at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

.....

.......

......

Nakahinga ako ng maluwag noong ngumiti sakin si Rhuwan at tumayo mula sa pagkakaluhod nito. "Maghihintay ako Yen."

"Salamat Rhuwan." Pagkasabi ko noon ay niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit.

---------------

RED'S POV:

"Mahirap nga yan pare. Pero kung ako sayo ipaglalaban ko yung mahal ko. Lalake tayo eh!" Tiningnan ko ang lalakeng katabi ko habang iniinom niya ang beer na nasa lata. "Tulad mo may babae din akong sobrang minahal dati. But she left. Huli na ng nalaman ko na tinakot pala siya ng tatay ko para iwan ako." Bumuntong hininga siya. "Gusto ko siyang ipaglaban pero bago ko pa nagawa yun.... sinukuan niya na agad ako."

Ramdam ko yung hinanakit niya at nakikita kong hanggang ngayon nasasaktan pa din siya.

Dito sa bahay kami dumeretso kanina pagkagaling sa ospital. Nagtagal din kami dun ng halos isang buong araw. Ayaw pa daw niyang umuwi kaya inoffer ko agad itong guest room bilang utang na loob na rin sa pagtulong niya.

"Mahal ko sila pareho pare." Sabi ko.

"Pero kailangan mong pumili ng isa. Dun ka kung saan ka magiging masaya. I'm telling you pare, nasa huli ang pagsisisi. Wag kang tumulad sa kin na hanggang ngayon, miserable pa din." aniya.

Hindi na ko sumagot. Inisip kong maigi ang mga sinabi niya. Saan nga ba ko magiging masaya?

"Oy pare, panay ang vibrate ng cellphone mo oh! Teka, 13 messages received ugh! Lr ka ata! Hahahaha!" tiningnan ko ang cellphone na hawak niya. Kanina ko pa nga pala to hindi nachecheck man lang. Kinuha ko ito at inopen ang mga messages. Karamihan ay hinahanap lang ako at nagtatanung kung bakit ako hindi pumasok ngayon.

From: Prinsesa ng buhay ko :) (6:12pm)

Ming, di kita nakita the whole day. Okay ka lang ba ? Nag aalala kasi ako sayo eh :( Gusto mo daan ako jan sainyo mamaya ? Mga 8pm siguro. Kausapin ko lang si Rhuru at may importante daw na sasabihin :/ Sana hindi yun tungkol dun sa kiss -,- Urghh! Wish me luck bestfriend :)) Miss na kita :'(

From: Rhuwan Gabriel (6:30pm)

Kuya, tatanungin ko na siya ngayon :) Sana umoo siya. Sana pumayag na siyang maging girl friend ko :))) Wish me luck kuya !!! :D

Naihagis ko ang phone ko sa tabi ni Mayson. Agad naman niyang plkinuha yun at binasa yung text.

"Alam mo pare, 6:40 pa lang ugh! Tingin ko aabot ka pa." sabi niya sakin.

Aabot pa ko? Pipigilan ko ba ? Pipigilan ko ba ang kaligayahan ng kapatid ko? O mananatili lang ako dito para pigilan ang kaligayahan ko. Shet!

Pero kung kotse ko. Naiwan ko sa bar.

"Oh gamitin mo." Tiningnan ko si Mayson. Inaabot nito ang susi ng kotse niya na nakapark lang sa labas ng bahay. Agad ko tong kinuha at dali daling lumabas ng kwarto.

"Salamat pare!"

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon