CHAPTER FOURTY FIVE

19 0 0
                                    

"Ikakasal na kayo in two weeks diba?" Tanong ni Lysa habang ngumunguya. Kinakaen nito ang baon niyang tuna sandwich.

"Oh talaga? Ang bilis naman." Hindi ko namalayan na ganun na lang pala kaikli ang panahon ng pagiging single ko.

"Hindi ka ba magpapaparty?" Excited na tanong ni Lysa.

"Baka nakakalimutan mong hindi ko ginusto yung kasal na yun." Inirapan ko pa ito.

"Makareact naman to! Parang ang laki ng gagastusin mo ah! Eh mukhang ako lang naman ang babaeng invited bukod sa mama ni Sir. Dahil diba nga ayaw mo ipaalam sa iba! Damot sa party!" Kunwaring nagtatampong sabi ni Lysa. Umirap pa ito saka tumalikod.

"Oo na sige na!"

"Yey!" Tumayo pa ito at nagtatatalon. Adik talaga sa kainan.

"Ms Yen?"

"Hmmm?" Sabay kami ni Lysa na napatingin sa babae na nasa may pinto. Si Shirley pala.

"May delivery po para sainyo." Pagkasabi noon ay sumenyas siya sa labas. Sumunod naman na pumasok ang isang lalake na may bitbit na boquet este.... Paso?!!!

Paso na may puting bulaklak?!

"Delivery for Mrs. Maryena Legaspi."

Huh?!

Mrs. Maryena Legaspi?! What the!!

"Ay kuya pakilapag na lang jan sa table" sabi ni Lysa. Napansin niya yatang natulala ako.

Iniabot ng lalaki ang papel na kailangan kong pirmahan. Pagkapirma ay umalis din ito agad.

"Ano to?!"

Buti na lang at maagang nag lunch ang mga tao dito sa opisina kundi.... Haysss!

"Sampaguita ba to?" Sabi Lysa na medyo natatawa. "Uy may card oh!"

Kinuha ko ang card na inabot ni Lysa.

Sampaguita favorite mo diba? :)
-Red

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil naalala niyang sampaguita ang paborito ko or maiinis dahil pinadalhan niya ko dito sa opisina ng PASO at "MRS." ang inilagay niya sa pangalan ko! Tsss.

"Hahahahahaha! Wag ka nang mainis jan uy ! Ang sweet nga eh." Natatawang sabi ni Lysa.

Muntik ko nang mahulog ang phone na hawak ko ng bigla itong mag ring.

Si Red.

"What is the meaning of this Mr. Legaspi?"

"Masama na bang padalhan ng bulaklak ang fianceé ko?"

"Fianceé mo mukha mo !"

Pagkasabi nun ay pinindot ko na agad ang end call. Grrrr.

Tiningnan ko ang maliit na paso na pinatong ni Lysa sa table ko. Kabubukadkad pa lang ng mga sampaguita na nakatanim. Inamoy ko ang sampaguita, sobrang bango !

Naala ko yung araw na nalaman ni Red na ito yung paborito kong bulaklak. Pinipilit ko siya nun na ilibre ako ng sampaguita nung minsang nagsimba kami. Naubusan kasi ko ng barya kaya di ako makabili.

Natatawa siya at medyo napailing sa pamimilit ko sakanya. Sa dami dami daw ng bulaklak, sampaguita pa ang naging paborito ko.

Iniwan niya ko sa may gate ng simbahan, at pagbalik niya, sangkaterbang sampaguita ang bitbit niya. Binili niya ata lahat ng tinda ng lahat ng mga nagtitinda nun sa simbahan.

"ANG DAMI NAMAN NAN! Sana ako na bumili, barya lang naman hinihingi ko sayo eh." sigaw ko sakanya.

"Sus! Di mo naman kailangang bayaran tong mga to eh. Nakakatuwa lang kasi ang simple lang ng mga kaligayahan mo. Kung kaya ka palang pasiyahin ng isang sampaguita, edi damihan ko na diba? Makita lang kitang sobrang masaya." Nakangiting sagot niya sakin.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon