CHAPTER TWENTY-SIX

18 0 0
                                    

"Uy Rhu ! kanina ka pa walang imik jan ah ! Salita ka naman !"

Natauhan ako bigla sa sinabi ni Faye. Kanina pa pala kasi ako nakatitig sa Ice Cream ko na ngayon ay tunaw na.

"My God Faye! Ganun ka na ba kadesperadang magkaboyfriend kaya pati buong pangalan mo ay sinabi mo agad sa isang stranger ?! At talagang kinuha mo pa ang number niya huh ?!" alam ko OA pero best friend ko si Faye kaya responsibilidad ko na protektahan siya!

"Rhuwan kumalma ka nga! Di ko binigay ang buong pangalan ko. Nakita niya dito sa notebook ko ugh!." Iniangat nito ang notebook niya at itinuro ang name plate na nakadikit dito.

"Eh paano mo nakuha number niya ?!"

"Kinuha niya tong phone ko tas tinaype yung number niya."

"DI MO MAN LANG NAISIP NA BAKA HOLDAPER YUN ?!" napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya nagtingin ang mga tao na nakapaligid sa amin. Yung crew naman kanina ay todo ngiti.

"Masyadong affected Rhurhu?! Boyfriend lang ang peg ?!" Tumawa pa ito ng bahagya.

Wala na kong nagawa kundi ang magbuntong hininga. I guess I am really over reacting.

"Just stop flirting with other guys when I'm not around."

------

YEN'S POV:

"Saan na ba si Mayson?" kanina ko pa hinihintay ang batang yun pero hanggang ngayon ay di pa rin nakakabalik. Ang sabi niya sa akin ay bibili lang daw siya ng ice cream para daw gumaan ang pakiramdam ko.

May malapit namang ice cream parlor pero di ko alam kung bakit isang oras na siyang wala.

Kukunin ko na sana ang phone ko ng marinig kong may pumasok sa kwarto.

"Ate,  soooooorry huh ? nahirapan pa kasi akong hanapin yung gusto mong flavor." Alangan ang ngiti ni Mayson. May problema ba to?

Nilapag ni Mayson ang ice cream sa lamesa na nasa tabi ko.

"Hey, anong problema?" Tanong ko.

"Wala ate. Akala ko nakita ko siya. Kamukha lang pala." Malungkot na sabi ni Mayson.

"Sino? Si Thea?"

"Yup."

"Akala ko ba kaya ka umalis para makalimutan mo na siya?"

"Akala ko din eh. I guess hindi pala."

"Nako naman ang baby brother ko, lika nga dito." Lumapit naman si Mayson at naupo sa tabi ko at agad ko siyang niyakap. "Ang unfair ng buhay Mayson no? Sa dami dami ng taong nagkakagusto satin, yung taong di pa natin makuha yung pinili nating mahalin."

"Ang drama natin. Hahahaha!" Natatawang sabi ni Mayson na bumitaw na sa pagkakayakap sakin.

"HI GIRL!!!" nagsilabasan yata ang mga tutuli ko dahil sa tindi ng tili ng babaeng to! Ang OA lang!

Patakbong lumapit sa akin si Clea at niyakap agad ako.

"Grabe ka! Kung di ko pa tinawagan si Red ay di ko malalaman ang nangyare sayo. Bat di mo agad ako tinawagan!" maiyak iyak pang sabi nito.

"Gaga! Kailan ka pa nakarinig na may tumawag na unconsious huh ?!" nakatikim din ito ng isang matamis na batok. Maganda sana to eh, may tililing lang minsan.

"Tuh naman! Nag alala talaga ko sayo ng sobra! Anu ba kasi ang nangyare sayo?!"

Napatingin ako kay Red na kakapasok lang ng kwarto, agad naman itong nag iwas ng tingin.

"Ahh ehh, ayun naliligo ako tas bigla akong nadulas nabagok yung ulo then ayun di ko na alam ang nangyare."

"Nako girl! Buti di ka natuluyan!"

"Gusto mo kong matuluyan?!"

"Di naman Hahaha! Nga pala nakauwi na pala tong mokong mong kapatid. Alam mo ba nakita ko tong nakikipaglandian dun sa ice cream parlor!" tumayo na ito at kumuha dun sa mga binili ni Mayson.

"Ahhhh kaya naman pala nagtagal!" tiningnan ko ng masama si Mayson na agad namang nag iwas ng tingin.

"Osya maiwan na muna namin kayo ni Clea ng makapag usap kayo. Labas muna kami ni Mayson Sesa." si Red.

"Ahh cge. Bantayan mo maigi yan huh ?!" tumayo naman agad si Mayson at sumunod kay Red sa labas.

Ayos na kaya talaga yung dalawa? Haaay.

Hala! Si Rhuwan nga pala !

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon