CHAPTER ONE

114 2 0
                                    

Yen’s POV:

  “Yaya pakikuha naman nung bag ko! Malelate na ko!” sigaw ko kay Ate Linda habang naghuhugas ako ng kamay pagkatapos kong kumaen ng almusal.

Typical day.

Paulit-ulit na lang ang nangyayare araw-araw. Gigising, kakaen, pasok sa school, landi, uwi, tulog.

Kung ano-ano na nga ginagawa ko sa buhay ko pero wala pa din.

Walang thrill.

Parang laging may kulang.

Mayaman naman ako so I can do whatever I want. Pero sabi nga ng iba, money cannot buy happiness.

Heto ako ngayon, wala sa mood pumasok sa school pero kailangan dahil sayang ang allowance na ibibigay ni daddy.

Paalis na ko ng bahay pero dahil hindi pa rin nakakababa si yaya galing sa second floor para kunin ang bag ko, ay hindi pa rin ako nakakaalis.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing**

Wala sana akong balak sagutin ang tawag dahil malamang si daddy na naman to. Hindi pa ko nakakaget over sa sermon niya kagabe and I don’t want to start my day with a bad mood.

Pero ng tingnan ko ang phone ko, si Clea ang nasa caller ID.

“Hello?”

“Girl, bar tayo mamaya?” Si Clea, best friend ko na wala ng ibang inatupag kundi ang gumala.

“I don’t think so. I’m not in the mood." Kahapon pa ko nawawalan ng gana sa buhay ko. Napagalitan ako kagabe ni daddy over the phone dahil wala na daw akong nagagawang tama sa buhay ko. Puro daw ako gimmick, kalokohan and whatsoever!

Nahuli lang naman akong nakikipag landian sa professor ko sa biology inside a vacant room during class hours.

“Cge na please? Wag mo ng isipin yung nangyare kahapon. Nasettle naman na yun ng daddy mo right? May bagong bukas kasi na bar sa Sta. Rosa eh, try natin girl please?” 

“Okay, okay! Fine! Pero sasaglit lang tayo huh? Alam mo namang mainit pa ang dugo sakin ni daddy” I rolled my eyes ng makita ko di yaya na tumatakbo pababa ng hagdan. Nakataas pa ang dalawang kamay na tila maiaabot niya agad sakin ang bag na pinapakuha ko kahit na ilang metro pa ang layo niya sakin.

“Yey! Si Roland kasi eh, narinig kong pupunta sila ng friends niya dun mamaya. Gusto ko sanang man-manan. I want to make sure na wala siyang gagawing kalokohan!”

“Okay okay! Wala namang bago. Bat nga pala tumawag ka pa eh magkikita naman tayo sa school mamaya? Hindi ka na naman ba papasok?” Nagsimula na kong maglakad papunta sa kotse ko habang habol habol pa rin ako ng katulong namin.

“I don’t think so. Papahatid na lang ako sa driver namin sa campus para sabay na tayo pumunta sa venue mamaya.”

“Ano pa nga bang magagawa ko? Sige see ya later. Just take care.” Inistart ko na ang kotse after ilagay ni yaya ang bag ko sa passenger’s seat ng kotse.

While driving my way to our campus I can’t stop thinking about Clea.

Naiintindihan ko naman siya. Not once but thrice na niyang nahuhuli ang boyfriend niya na may kalandian na ibang babae.

Ewan ko ba sa babaeng yun kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iniiwan ang walang hiya niyang boyfriend.

Ang lagi namang sagot sakin eh ‘Mahal ko siya eh’.

Mahal? Love? Nakakain ba yun?

Honestly, I never been in love. Siguro yun ang kulang sa buhay ko na hinahanap hanap ko.

Pero ewan ko ba, 20 years old na ko pero hindi ko pa din nararamdaman yang love love na yan.

But it doesn’t mean na hindi pa ko nagkakaboyfriend.

I already dated a lot of guys. Pero wala talaga.

Puro lang ako kalandian.

Sabi nga ni Clea, hobby ko daw ang makipag flirt.

I don’t know why but that makes my life go around.

At ngayon nga, ang professor ko sa biology ang lastest boyfie ko.

Hot naman siya, matalino and single.

Nathrill lang ako nung nakita kong iba ang mga tingin niya sakin nung first day of semester. Sabagay hindi ko pa naman naexperience magkaroon ng student-teacher affair.

“Shit!” Napatingin ako sa wrist watch ko. Late na ko! Late na late na ko actually! 8:15am na pero 6-km pa  ata ang layo ko from school. Ayoko pa man din dun sa professor ko ngayong 8:30 class ko. Wala ng ibang nakita kundi ako! Puro na lang ako! Mainit talaga dugo sakin. Palibhasa 45 years old na pero NBSB pa rin (according to tsimisan sa corridor). At ako naman tong biniyayaan ng milyong milyong galon ng kagandahan kaya pinagkakaguluhan ng mga lalake sa campus.

Anyway, late na talaga ko kaya binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko.

Tumatama ang sinag ng araw sa mata ko. Halos di ko na makita yung daan. Damn.

Nasaan ba yung shades ko?

Sinubukan kong abutin yung bag ko sa passenger seat. But unfortunately, hindi ko siya maabot.

Tinanggal ko ang seat belt ko at saka sinubukan ulit.

Success!

Agad kong hinanap ang shades ko tsaka sinuot.

Binalik ko na ang atensyon ko sa daan at laking gulat ko ng makita ang lalake sa gitna ng kalsada.

"SHIIIIIIT !!!!"

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon