Isang kumpon ng kulay puting rosas ang pinatong ni Miad sa puntod ng dating kaibigan na si Francisco o mas kilalang si Francy,his gay name. Ang yumaong kaibigan na nakilala niya noong iligtas niya ito mula sa kauri niyang bampira na sakim sa dugo ng mga tao. Tatlong dekada na mula ng makilala at mailigtas niya ito pero hindi rin nagtagal namaalam na ito sa mundo dahil sa sakit nitong prostate cancer na binalewala lang nito at iyun ang hindi niya matanggap na ilihim nito iyun sa kanya. Kung hindi sana nalaman niya ang niraramdam nito maililigtas niya muli ito sa tulong ng medisina na mismo ang kaibigan na si Amjad na may kakayahan na makadiskober ng kahit anong lunas sa karamdaman. Ang kaibigan na kauri din niya na isang bampira at isa sa may-ari ng Red Security Agency.
Hinaplos niya ang nakaukit na pangalan ng dating kaibigan sa lapida nito. Limang taon na mula ng pumanaw ito at ng panahon na binawian ito ng buhay ay abala siya sa misyon niya palawigin ang pagpapakalat ng mga tauhan nila sa RSA sa buong mundo upang protektahan ang mga inosenteng tao mula sa kauri nila.
Masama ang loob niya. Iyun ang totoo pero wala na siyang magagawa dahil sadyang maiksi lang talaga ang buhay ng mga tao.
"Kamusta ka na,baks?"pakausap niya rito. Tuwing hindi siya busy ay lagi niya ito dinadalaw kung saan ito nakalibing. "Siguro ang dami mo kasamang hot papa kung saan ka naroroon ngayon,"usal niya sabay tawa ng mahina.
Kung buhay lamang ang yumaong kaibigan baka nabatukan na siya nito. Ayaw nito sa masyadong bulgar na pananalita niya.
That's her. A very naughty but sweet.
Marahas siya napabuga ng hininga habang hinahaplos pa rin ang lapida.
"Ang daya lang,baks..hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na inilihim mo sakin ang sakit mo. Bakit hinayaan mong solohin yun? Kung sinabi mo lang sakin sigurado buhay ka pa hanggang ngayon at magkasama tayo mag-night club para maghanap ng hot papa!"saad niya sa hangin.
"Alam kong hindi ka takot mamatay dahil sabi mo nga handa ka na kunin ni Lord dahil nabigyan mo na ng magandang kinabukasan ang pamangkin mo si Ryza,"muli niya pagsasalita.
Si Ryza ang pamangkin nito na pinag-aaral nito na ngayon ay tahimik ng namumuhay sa ibang bansa kapiling ang napangasawa nitong dayuhan kahit na malayo man sa isa't-isa ang dalawa nanatiling matatag ang koneksyon ng dalawa palagi mga ito nag-uusap hanggang sa naputol na lang ng pumanaw na ito.
Naging matagumpay naman si Francisco dahil na rin sa tulong niya. Nakapagtayo ito ng sarili nitong business. Isang clothing line na pinangalan sa pamangkin nitong si Ryza. Ang Ryza Fashion.
Hindi man iyun nahawakan ng pamangkin nito ang pamamalakad ng naiwan negosyo nito ay sa anak nito iyun pinagkatiwala ni Ryza.
Si Khalif.
Huling nakita niya ang apo ni Francisco ay noong bininyagan ito dahil sa ibang bansa ito nag-aral hanggang makapagtapos at ngayon nasa pilipinas dahil sa naiwan negosyo ng Lolo Francisco nito.
"Okay na. Masaya ka naman siguro kung nasaan ka man ngayon. Bantayan mo na lang ang pamangkin at ang apo mo,Baks!"
Hindi na siya nagtagal pa at nagpasya ng mag-ikot-ikot muna. Pahinga niya ngayon mula sa misyon niya. Hands on naman ang kaibigan si Hessah sa pamamalakad ng pag-aari nilang Security Agency.
Sakay ng isang bisekleta ay nilibang niya ang sarili sa paligid. Mabuti na lamang maganda ang araw. Hindi naman siya nababahala na masunog sa sikat ng araw dahil hindi siya tatablan niyun sa tulong ng iniinom nila na mismo si Amjad ang nakaimbento na hinahalo sa iniinom nilang dugo mula sa hayop.
Sa pagbibisekleta niya ay narating niya ang isang gusali. Ang gusali na naipundar ng yumaong kaibigan. Ang Ryza Fashion Building.
Nakangiti na tiningala niya ang mataas na gusali. Mula ng pumanaw ang kaibigan ngayon lang ulit siya nagpunta roon.
Bigla siya nakarinig ng kalembang ng kung ano at agad na nagningning ang mga mata niya na makita ang paborito niyang icecream. Ice cream na gusto niyang nabibili mula sa kalye.
Agad na pinaandar niya ang bisekleta at lumapit sa lalaki na nagtitinda ng sorbetes.
"Manong,pabili po ako! Yung malaki po ah! Lahat ng flavor po!"natatakam niyang sabi sa lalaki na agad naman siya pinagbentahan.
Nakahanap naman siya kaagad ng mapupwestuhan kung saan niya uubusin ang hawak na sorbetes. Sa may gilid ng parking area siya nakakita ng mauupuan na natataniman ng red santan flower.
Nag-indian sit siya ng upo sa batong upuan habang ninanamnam ang sorbetes niya.
"You're so unfair! Bakit ka ba ganyan?!"
Napatingin siya sa pinagmulan ng boses na iyun. Sa di kalayuan sa kinaroroonan niya ay doon nagmula ang boses ng isang babae na mukhang sosyal na sosyal. Nakatalikod naman sa kanya ang lalaking kausap nito.
Matangkad ang lalaki at kahit nakatalikod ito maganda magdala ng pananamit. Baka nagtatrabaho ito sa Ryza Fashion...o di naman kaya isa sa mga modelo ng nasabing clothing line ng yumaong kaibigan.
Nagkibit siya ng balikat at muli tinuon ang atensyon sa pag-ubos ng sorbetes niya.
"Alam mo sa simula pa lang kung ano set-up natin..no strings attached. We're just fuck buddy!"
Napatigil siya sa pagdila sa sorbetes niya ng marinig ang boses ng lalaki. His voice is so deep and manly. Hindi lang iyun ang nakapagpatigil sa kanya kundi pati na rin sa sinabi nito.
"Just give me a chance to make you fall in love with me,please! Please!"bigla pagmamakaawa ng babae.
Napailing siya sa sinabi ng babae.
Grabe. Bakit hindi na lang nito hayaan ang lalaki na mukhang ayaw na nito sa kanya.
Poor girl. That man is a jerk!
Muli niya inabala ang sarili sa sorbetes niya hanggang sa maubos na iyun. Nginunguya niya ang apa ng icecream ng humagulhol ang babae.
"Please! Khalif! Mahal na mahal kita! Khalif!"
Napatigil siya sa pagnguya ng marinig ang pamilyar na pangalan na iyun.
Khalif?
Khalif Lendon?
Ang anak ni Ryza at apo ni Francisco?
Agad na hinayon ng matatalas niyang mga mata ang kinaroroonan ng mga ito pero palayo na ang lalaki habang naiwan ang babae na umiiyak.
Nang makitang pumasok sa loob ng building ng iyun ay nakompirma niya na ang Khalif na binanggit ng babae ay ang apo ng yumaong kaibigan.
Napangisi siya ng maalala ang huling sinabi ng apo nito.
"Baks! Mukhang namana ng apo mo yung kalandian mo ah! May pinapaiyak na chicks oh!"bulalas niya sa hangin habang nakatanaw sa pinasukan gusali ng lalaki.
Natatawang na sumakay na siya muli sa bisekleta niya at muli nag-ikot-ikot sa kung saan siya dalhin ng dalawang gulong na iyun.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...