Chapter 10

826 63 3
                                    

"Hindi ako masyado magulay pero mukhang kailangan ko masanay kapag kasama kita kumain,"untag niya ng mapuna ang plato nito na puno ng vegetable salad na ito mismo gumawa para sa dinner nito.

Gusto niya ito ipagluto pero ayon rito may food routine ito at isa na dun ang pagkain na magulay. Naalala niya na kaunti lang ang kinain nito noon inaya niya ito mananghalian.

Hindi na siya nagtataka kung bakit fit and sexy ang dalaga. Disiplonado ito pagdating sa pangagalaga ng katawan nito.

Marahil sa klase din ng trabaho nito kailangan fit ang katawan.

"Pampahaba din kasi ng buhay,"sabi nito at may kung anong may hiwaga siya nauulinigan sa sinabi nito.

"Gaano ka na ba katagal nagtatrabaho bilang isang agent? Bodyguard?"bigla niya pagtatanong rito habang nginunguya niya ang nasa loob ng bibig niya.

Magkatapat sila ng dalaga nakaupo sa center island.

"A decade,"saad nito habang nasa plato ang atensyon.

"Dekada? You mean,sampung taon na?"saad niya.

Ang bata pa pala nito na pasukin ang ganun propesyon.

Nag-angat ito ng mukha at tila ba mali ang sinabi niyang iyun. Tinitigan niya ito. Ang malapusa nitong mga mata na nagpapagising ng kakaibang sensasyon sa katawan niya.

Damn. Nasa harap sila ng hapag-kainan!

"Oo,dekada,"anito saka ngumiti sa kanya.

Naipilig niya ang ulo. May kung ano sa sinabi nito na tila ba hindi lang isang dekada iyun.

Ano ba itong pinupuna niya? Bawat salita at kilos nito nabubuhay ang pagkakuryuso niya.

Ganun na ba talaga siya kabaliw sa babaeng ito? Kaapektado at gustong-gusto niya malaman ang lahat-lahat tungkol rito?

Pero hindi ba mutual lang sila?

Hindi malalim yun o baka nahuhulog na siya?

"Okay ka lang ba?"untag nito sa kanya.

"Huh?"

Inabot nito ang kamay niya na may hawak na kutsara saka bumaba roon ang mga mata niya.

"Natatapon ang pagkain mo. Alam mo ba maraming hindi nakakain kaya huwag ka magsayang ng pagkain,"anang ng dalaga.

Napabuga siya ng hininga. Napahiya siya roon.

"Pasensya na,"turan niya at tinulungan ito pulutin ang natapon na pagkain sa gilid ng plato niya.

Nginisihan siya ng dalaga. "Tatanggapin ko yan pasensya mo kung iisponsor-an mo ako,"saad nito na kinatigil niya.

"What do you mean?"hindi niya nauunawaan ang sinasabi nito.

"Every month kasi nagpapafeeding program ako sa mga batang kalye o kahit na sino na nasa kalye. Barya lang yun sayo hihingin ko tulong sayo,"pagsagot nito.

Napatitig na lamang siya sa dalaga. Hindi niya aakalain na ang babae nasa harapan niya na may pagkaweirdo ay may ganitong kabuting puso.

She's such an angel.

Nakakamangha nilalang!

"Ayaw mo?"pukaw nito sa kanya.

Napakurap-kurap siya saka mabilis na umiling.

"Okay,Deal. Sabihin mo lang sakin kung kailan,"agad na pagtugon niya.

"Pwede bukas na?"masaya nitong sabi. Kitang-kita sa maganda nitong mukha ang excitement.

May kung anong mainit na humawak sa puso niya. Masyado girly ang pakiramdam pero iyun ang pinaparamdam nito sa kanya.

"Alright, tomorrow,then.."

Sa sobrang saya nito napalundag ito sa kinauupuan sa mataas na stool saka lumipat sa tabi niya at kumandong sa kanya na kinatawa niya.

Tila ba ito isang bata na pinayagan ng nanay nito na lumabas ng bahay.

"Salamat! Ang bait mo talaga manang-mana ka sa lolo mo! Matulungin!"bulalas nito sa sobrang saya at natawa na lang siya sa inakto nito pero hindi nakaligtas sa kanya ang sinabi nito.

"Kilala mo ang lolo ko?"tanong niya bigla naman natigilan ang dalaga pero agad din nakabawi sa kung ano man ang nakakagulat sa tanong niya.

"Uh,ano..kilala ang Lolo mo saka kung hindi mo naitatanong minsan na niya ko inalok na magmodelo sa kanya,"sagot nito.

"Really?"gulat niyang turan.

Nginisihan siya nito. "Oo. Small world,di ba? Kasi sino mag-aakala na mapapalapit ako sa apo ng isa sa hinahangaan ko pagdating sa fashion sense!"turan nito.

"Thank you for that,baby.."saad niya.

"Namimiss mo ba ang Lolo mo?"tanong nito.

"Of course,super hero siya ni mommy,"agad na tugon niya.

Sa sinabi niyang iyun matamis na napangiti ang dalaga.

Hinaplos nito ang kabilang pisngi niya.

"I'm sure,he's so proud of you now dahil hindi mo pinapabayaan ang itinaguyod niyang business,"saad nito.

"Iyun lang ang paraan para makaganti ako kay Lolo sa ginawa niyang pagsuporta kay Mommy,"tugon niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga kwento ng kanyang mommy tungkol sa pinagdaanan nito at ng kanyang lolo kung paano nito itinaguyod ang kanyang ina at mapunta sa magandang buhay.

"Aww,swerte ni Baks sa apo niya!"bulalas nito.

"Huh?"

Agad na napahagikhik ito ng makitang nakakunot ang noo niya.

Nahigit niya ang hininga ng sakupin nito ang nakaawang niyang mga labi at ng makabawi agad na tinugon niya ang halik nito.

Humigpit ang pagkakayapos niya sa dalaga habang magkasanib ang mga labi nila.

Napasinghap siya sa bibig nito ng dumapo ang kamay nito sa pagitan ng mga hita niya.

"For my thank you gift para bukas,I'll make you come again,"usal nito sa bibig niya na mas lalo nagpainit sa katawan niya at nagpatigas sa kanya.

Napatiim-bagang siya.

"Damn.."anas niya ng pumisil ito roon at saka muli nito pinagsanib ang mga labi nila.

Mulat na mulat pa rin ang mga mata niya kahit mahimbing ng natutulog ang dalaga sa kama niya. She's wearing his white polo and damn,mas lalo ito sumexy ng makitang suot nito ang polo niya!

Sinulyapan niya ang dalaga at maingat na bumaba ng kama niya. Hindi niya alam kung dala ba ng tuwa niya na kasama niya muli ang dalaga at ayaw niyang pumikit dahil baka paggising niya wala na ito sa tabi niya.

Tinungo niya ang single sofa na katapat lang ng kama niya. Ni minsan hindi siya nagpipigil na hindi angkinin ang isang babae nakakasama niya pero iba ngayon sa pagkakataon ito.

Hindi katulad nito ang mga babaeng dumaan sa kamay niya. Hindi ito katulad ng mga iyun dahil para sa kanya isang napakaespesyal na nilalang ang dalaga.

May mabuting puso!

May gumuhit na ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang dalaga na nasa kama niya. Tanging lampshade  na lamang ang panglaw sa paligid pero nanatiling nagningning sa mga mata niya ang dalaga.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya kailanman inisip na darating siya puntong ito na matututo siyang magpigil sa sarili. Ang magkaroon ng concern sa isang babae. Ang makaramdam ng takot sa buhay ng iba. Ang makaramdam ng kakaiba at masarap na pakiramdam sa tuwing kasama niya ito. Ang mainis siya kapag hindi niya ito nakikita.

Lahat ng ito ay ng dahil sa babae na nasa kama niya.

Hindi kaya pinadala ito ng Lolo  niya bilang pagpapasalamat sa kanya dahil iniingatan niya ang tinaguyod nitong negosyo?

Napailing siya sa sarili.

Kung nakikita mo man ako ngayon Lolo ng dahil yun sa kanya..piping saad niya habang nakamasid sa dalaga.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon