Hindi natinag si Miad ng may yabag na papalapit sa kinaroroonan niya. Nanatili siya nakasandal sa malamig na pader habang yakap niya ang magkadikit na mga tuhod malayo sa mga patay na daga na nangangamoy na at wala siya magawa kundi tiisin ang umaalingasaw na amoy ng mga iyun kaysa iyun ang gawin niya pampawi ng uhaw niya.
Gumalaw lang siya ng marinig ang pagmamadali na pagbukas ng kulungan niya. Agad na nag-angat siya ng tingin at nagkukumahog na lumapit ang isang lalaki sa mga patay na daga.
"Dalhin sila basement kasama siya,"mariin na utos ng lalaking na may abo mga mata.
Siya?
Siya ba ang tinutukoy?
Pero lumabas na ang inutusan nito bitbit ang mga patay na daga.
"Damn! He's so fucking idiot!"mura nito saka bumaling sa kanya.
Bumuga ito ng hangin. "Hindi ko alam mga iyun ang binibigay sayo,pasensya na.."anito.
Hindi siya umimik.
"Alam mo uhaw na uhaw ka na pero wala ako dala ngayon,"patuloy nito. Nanatili siya walang imik.
"Come on..come with me,"saad nito sabay lahad sa kanya ng isang palad nito. Nagtataka napatingala siya rito.
Nakatunghay sa kanya ang kulay abong mga mata nito.
"Ililipat mo ako ng kulungan?"usal niya.
Nagkibit ito ng balikat. "Kaysa naman dito,"tugon nito.
Napipilitan na tumayo siya na hindi tinatanggap ang palad nito nakalahad sa kanya at muka balewala naman rito ang di niya pagpansin sa ginawa nito.
Nanghihina pa rin at ramdam pa rin niya ang sakit at ang mabagal na paghilom ng mga natamo niyang sugat.
Inihakbang niya ang paa pero para siyang unang taon na bata na nag-aaral pa lang maglakad. Nanginig ang mga tuhod niya at hindi na niya nakontrol ang sarili na mabuwal pero mabilis ang lalaki kaagad siya nito nasalo.
"I saw her,"usal nito habang hawak nito ang braso niya.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi maunawaan kung ano ang sinasabi nito at sino ang timutukoy nito.
"Nakita ko na siya pero...tinanggi niya,"wika nito.
"Naguguluhan ako sa sinasabi mo,"mahina niyang saad.
Hinayaan niya na alalayan siya nito sa pagtayo.
"Your friend..sinasabi ko na ex-girlfriend ko,"tugon nito.
Umawang ang mga labi niya. Sino?
"Hindi ko matukoy sino sa kanila dalawa ni Hessah at Amjad ang tinutukoy mo. Imposible si Hessah natagpuan na niya ang itinakda sa kanya,"saad niya saka unti-unti nanlaki ang mga mata niya.
"S-Si Amjad?"
Mariin na tumitig ito sa kanya. "Amjad.. iyun ang pangalan niya?"
Umawang ang mga labi niya. "Hindi mo alam ang pangalan niya?"
Natigilan ito saka iniiwas ang mga mata nito sa kanya at sinimulan na nito alalayan siya maglakad palabas ng kulungan.
"Alam mo siya ang Ex-girlfriend mo pero hindi mo alam ang pangalan niya. Weird nun,"sarcastic niyang usal.
"Base yun sa napapanaginipan ko,"saad nito na nagpahinto sa paghakbang niya. Ibinaling niya ang mga mata rito at tinitigan ang seryoso nitong mukha nasa unahan ang mga mata nito kaya hindi niya makita ang emosyon sa mga mata nito.
"Panaginip? Ibig mo sabihin sa panaginip mo lang nalaman na may ex-girlfriend ka at pamilyar ako sayo?"nalilito niyang sabi.
Napakawirdo naman niyun.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...