Napangisi si Miad ng makita ang panlalaki ng mga mata nito sa gulat at di pagkapaniwala ng huminto ang kotse nito sa tapat ng isang kilalang condo unit. Muli nito tinanaw ang gusali mula sa windshield ng kotse nito at saka bumaling sa kanya ang mga mata nito. Kunot ang noo.
"Bakit?"pigil na matawa untag niya rito.
"Dito ka nakatira?"
Agad na tumango siya. "Oo..20th floor,"tugon niya na lalo kinalaki ng mga mata nito.
"For real?"bulalas nito saka hinayaan na niya ang sarili na pakawalan ang pinipigilan na tawa sa mahinang paraan.
"Oo..bakit parang hindi ka makapaniwala? Wala ba sa itsura ko?"turan niya.
Humagod ang mga mata nitong gulat sa kabuuan niya sabay balik ng mga mata sa mukha niya na nakangisi.
Tumaas-baba ang Adam's apple nito saka nagpakawala ng marahas na buntong-hininga.
"Dito rin ako nakatira,20th floor.."
"Wow?! Talaga?! Small world huh?!"kunwa'y gulat niyang turan.
Huwag ka lang talaga multuhin ng Lolo Francisco niya,Bampira ka!
Agad na pinigilan niya na matawa ng malakas sa sinabi ng maliit na konsensya niya.
"Yeah,right.."
Nginisihan niya ito at hindi pa rin makapaniwala na nakamata sa kanya.
"Uh,Salamat sa paghatid!"untag niya sabay alis ng seatbelt niya.
May ngisi sa mga labi niya ng bumaba rin ang binata.
"Have you eat your lunch?"seryoso nitong tanong sa kanya.
"Hindi pa. Bakit? Ikaw ba?"nakangiti niyang tanong din.
Para-paraan ka na niyan,bampira!
Agad ito umiling at matiim na tumingin sa kanya.
"I treat you,wanna eat with me?"
Umakto siya nag-isip muna bago niya ito sinagot.
"Kung hindi ba nakakaabala sayo. Sige ba! Hindi ko tatanggihan ang libre!"
Ang seryoso nitong anyo ay umaliwalas ng may sumilay na maliit na ngiti sa mga labi nito na talaga naman katakam-takam.
Baks! Mukhang ang sarap ng lips ng apo mo oh!
Napukaw siya ng may kumalabit sa kanya at agad na napabaling sa batang lalaki na gusgusin na nakalahad ang palad sa kanya. Agad na nginitian niya ang bata na namamalimos.
"Ate ganda! Pahingi ako barya pangkain lang,"sabi ng batang lalaki.
Hinaplos niya ang magulo nitong buhok na walang pag-aanlinlangan saka siya umopo na pa-squat upang magpantay ang mga mukha nila ng bata.
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"Nanglilimos din po,Ate.."
Tumango-tango siya. Masakit sa kalooban niya na makakita ng mga ganitong bata.
Bumuntong-hininga siya saka muli tumaya at pumihit paharap sa binata na nakatingin sa kanya. Masasalamin ang pagkamangha at hindi pakapaniwala.
Nilahad niya ang palad dito at agad naman bumaba ang mga mata nito roon.
"Wala akong dalang pera eh,pahiram muna. Pwede?"nakangiti niyang sabi rito.
Nagsalubong ang mga kilay nito saka sumulyap sa batang lalaki na nakatingin na rin rito.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...