Napakagat siya sa kanyang pang-ibaba labi ng padarag na bumaba ng sasakyan si Khalif ng ihinto nito ang sasakyan. Ramdam na ramdam niya ang pagpipigil nito base sa pagtaas-baba ng dibdib nito.
He's mad at her.
Nakapameywang ang binata patalikod sa kanya. Isang malawak na bukirin ang nasa harapan nila kung saan nito inihinto ang sasakyan.
Baks,galit sakin ang apo mo,oh..parang ikaw lang.
Agad na pinigilan niya na humagikhik at bumaba na rin ng sasakyan. Pinakiramdaman niya ito habang nanatili pa rin ito nakatalikod sa kanya. Panay ang buga ng hininga nito.
"O---kay ka lang?"nanantiya niyang untag niya rito.
Marahas itong napalingon sa kanya. Naniningkit ang mga mata. Madilim at galit.
"Okay ako. Ikaw ba? Okay ka lang sa pinaggagawa mo kanina?"mariin at sarcastic nitong tugon sa kanya na patanong din.
Napangiwi siya. Iyun nga ang kinagagalit nito.
"Matagal ko ng ginagawa yun kaya,ahm..kaya sanay na ko,"marahan niyang sagot.
Nanatili madilim ang tingin nito sa kanya. Nakatiimbagang at nakakuyom ang mga palad.
"Kahit dekada mo na ginagawa yun mapapahamak ka pa rin,"mariin nitong tugon.
Napangisi siya. Deka-dekada na nga niya iyun nakahiligan. Isa sa motorcross ang kinahihiligan niya. Paano pa kaya malaman nito ang iba pang libangan niya?
Pero ang malaman na bampira ka..baka ikabaliw niyan..untag ng isip niya.
Ngayon pa lang kitang-kita na niya ang inaakto nito para sa kanya.
Baks..mukhang in love ata sakin ang apo mo..tingin ko lang ha!
"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?! Hindi ka ba natatakot sa sarili mo?! Fuck! Bakit ko ba sinasabi ito? Ano ba ang pakielam ko?!"bulalas nito at makikita na naguguluhan ito sa sarili habang panay ang suklay sa buhok nito na ngayon ay magulong-magulo na.
Tila pasan na nito ang buong mundo sa itsura nito ngayon at siya ang problema iyun.
Gusto niya kiligin pero baka mapahiya lang siya kaya ganoon ito dahil kakilala lang nila at nababahala ito na baka bigla siya mamatay at mabitin na talaga!
As if naman namamatay ka ng ganun kadali!
Agad na pinigilan niya ang pagguhit muli ng ngisi sa mga labi niya. Tumikhim siya at nginitian ng ubod ng tamis ang binata na masama pa rin ang tabas ng mukha.
"Okay,patawad kung...nag-alala ka,"aniya.
Natigilan ang binata kasabay ng paglaki ng mga mata nito.
Mali ba siya ng akala? Sabi ko nga,Baks..
Baka bothered hindi worried.
"I mean..nabothered ka sa pinaggagawa ko kanina dun,"pagtatama niya na binuntutan niya ng maikli tawa sa dulo.
Natahimik siya ng makitang walang reaksyon ang binata.
"Uh,sorry,yun lang ang masasabi ko,"seryoso na niyang turan.
Marahas na napabuga ng hininga ang binata at ang sama ng mukha nito ay unti-unti ng nabawasan.
"Are you really alright?"mahinahon na nitong tanong sa kanya.
Mas lalo tumamis ang ngiti sa mga labi niya.
Mabilis ang kilos na niyakap niya ito na kinabigla nito.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampirosDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...