Chapter 39

416 35 5
                                    

Pumainlanlang sa isang silid ang isang sigaw na puno ng sakit. Kasunod ng pagdaing na puno din ng sakit. Umingay ang kalansing mula sa isang kadena. Tanging malamlam na ilaw lamang ang pumapanglaw sa buong silid na iyun na wala laman kundi ang nakagapos sa magkabilang pulso ni Miad. Nakabitin iyun. Gamit ang kadena na siyang klase ng kahinaan nila mga bampira ang uri niyun na sumusunog at nagpapadugo sa balat niya kung saan nakagapos ang kadena iyun.

Halos paluhod na siya sa sahig dahil sa hirap at pagod. Nanghihina na rin siya. Hindi na niya mabilang kung gaano na ba katagal siya nakagapos roon.

Pawisan ang mukha at humalo roon ang pagtulo ng mga luha niya. Inaalala ang kanyang mag-ama na umaasang babalik siya ng buhay.

Malakas na angil at daing ng maramdaman ang pagdapo ng mainit na bagay sa likuran niya.

They tortured her so many times using that hot iron on her back.

Sumungaw ang kanyang mga pangil dahil sa galit at sakit na nararamdaman sa ginagawa ng kung sino man sa pagtortured sa kanya.

Nang alisin niyon ang mainit na bagay sa likuran niya. Lagapak na bumagsak ang katawan niya sa sahig. Amoy sunog na balat ang maamoy sa buong silid.

Sobrang nanghihina na siya. Hindi na din siya nakakainom. Uhaw na uhaw na siya. Tanging imahe ng kanyang mag-ama na lamang ang nagpapalakas ng kalooban niya. Pilit na lumalaban siya para sa kanyang mag-ama na naghihintay sa kanya.

Umagos muli ang mga luha sa nakapikit niyang mga mata. Hindi na niya magawa ikilos pa kahit dulo ng daliri niya sa tindi ng hirap na dinadanas niya mula ng mabisto kung sino siya.

Hindi niya akalain na mahuhuli siya mismo ng negosyante na binabantayan niya na isa siyang agent.

Hindi niya alam kung paano nito iyun nabatid gayun hindi naman bampira ang negosyante iyun.

Naulinigan niya ang yabag sa likuran niya marahil muli na naman nito papasuin ang likuran niya.

Tama na.

Makawala lamang siya mula sa pagkakadena hindi siya magdadalawang-isip na kitilin ang buhay nito kahit na sumusunod lamang ito sa utos.

Inaasahan na niya ang muli sakit na ipaparanas nito ng punainlanlang ang isang malalim na boses.

"That's enough, "anang ng may malalim na boses.

Wala na siya lakas upang itingala pa ang mukha upang sinuhin ang nagsalita iyun na ramdam niya na nasa harapan lang niya at pinagnamasdan siya.

"Pero pinag-uutos ng Don na gawin ito ng sampu beses sa kanya,"matigas na kontra ng lalaki sa likuran niya.

"Aalis ka o ako ang magpapaalis sayo sa silid na ito?"mariin na saad ng may malalim na boses.

Mabibilis na yabag ang narinig niya hanggan sa mawala iyun sa loob ng silid. Mahina na ang pakiramdam niya dahil sa panghihina niya.

"Tutulungan kita makaalis rito,"mahina nitong sabi. Malapit lang ang boses nito sa kanan bahagi ng ulo niya. Marahil nakauklo ito sa kanya.

Gustuhin man niya magsalita hindi na niya magawa pa igalaw ang panga niya.

Tila ba naglock na yun.

"Hindi ka kaaway?"paggamit ng isip niya kahit hindi siya sigurado kung kagaya niya ito.

Agad na nadismaya niya na hindi ito sumagot marahil mali siya ng iniisip.

"Hindi ko gusto ang ginagawa niya...sayo,"saad nito pagkaraan na siyang nagbigay ng pag-asa sa kanya na kumukonekta ang isip niya sa isip nito.

"Sino ka?"

"Apo niya ko.."

Isang manghihina hikbi ang kumawala sa mga labi niya.

"Naghihintay sa akin ang mag-ama ko..nangako ako sa kanila na babalik ako,"saad niya gamit ang kanyang isip.

Gusto niya magmakaawa rito na tulungan siya nito makatakas pero hindi kaya ng katawan niya kumilos.

"Kailangan mo mamatay sa harapan nila bago ka makalabas sa silid na ito..at doon lang kita matutulungan,"tugon nito.

"My grandfather visit you here and watch you suffering and punished..that's a good timing to be pretend a dead.."pahayag nito.

Pinilit niya iangat ang mukha rito. Natatabunan ng basa ng pawis na buhok ang buo mukha niya.

"Bakit gusto mo ako tulungan?"

Mula sa nanlalabo mga mata naaninag niya ang pagkibit ng balikat nito habang nakatunghay sa kanya. Matangkad ito. Malabo man ang paningin niya ngayon dahil sa dugo na nakapaligid sa mga mata niya natitiyak niya na gwapo ito.

"You look like my ex-girlfriend friend.."deretso nitong sagot.

"Ex-girlfriend?"nagugulimihan niya saad sa isip.

Hindi ito sumagot. Tumalikod na ito na hindi siya sinasagot hanggan sa makarating ito sa pintuan.

Nakatalikod ito ng muling nagsalita gamit na ang pagkonekta ng kanilang mga isip.

"I'm not really sure  but i know she's my ex and your face is familiar.."

Litong-lito siya at wala siya mahalungkat sa isip niya kung sino ito.

Pilit na inaninag niya ang mukha nito dahil may kadiliman ang paligid at malabo na ang tingin niya hindi niya ito mamukhaan. Suminghap siya ng hangin. Nanghihina siya. Nauuhaw siya.

Sino ba ang tinutukoy nito ex-girlfriend?

Si Hessah?

Si Amjad?

Ang dalawa lang naman iyun ang kaibigan niya.

Muli siya suminghap ng hangin. Hindi siya titigilan sa pagtortured sa kanya hanggat hindi siya nalalagutan ng hininga.

They want her to suffer untill she die.

Makakalabas lamang siya rito kung patay na siya.

Kung ganun paano siya matutulungan ng lalaki iyun na maitakas siya kung patay na siya?

Nanikip ang dibdib niya ng maalala ang kanyang mag-ama. Sigurado siya nagluluksa na ang mga ito dahil sa singsing na pinadala niya sa pamamagitan ng uwak dahil ng mga oras na yun sigurado siya hindi siya hahayaan mabuhay ng mga ito gayun nahuli siya bilang espiya.

Hindi siya tiyak kung paano ng mga ito nalaman iyun. Ang tagal na pinag-aralan ng Ahensya ang galaw at kilos ng mga ito unless na lang matalino ang nakahuli sa kanya. Naiinis siya dahil kailanman hindi pa siya nabigo sa misyon niya. Wala pa nakakaisa sa kanya ngayon lang. Natigilan siya ng pumasok sa isip niya ang lalaki.

Kilala raw siya nito?

Hindi kaya ito ang nakahuli sa kanya?

Nanghihina na napaangil siya. Mariin niya naipikit ang mga mata.

Kung kilala siya nito. Alam nito na isa siyang Agent.

Pero sa huli tutulungan pa rin siya nito?

Ex-girlfriend?

Sino?

Hindi niya ito mamukhaan o hindi pa niya ito nakikita kailanman.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon