Chapter 46

506 40 2
                                    

"Dad!"

Agad na napalingon si Khalif ng marinig ang pagtawag sa kanya ng kanyang munting anak.

Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi niya ng mayakap ang anak. Saka napatitig rito.

"Ang bilis mo lumaki,anak,"mangha niyang saad.

Mataas na ito at nagkakaroon na ng hubog ang katawan nito na siyang di niya mapaniwalaan.

Hindi talaga siya handa pa na tuluyang maging ganap na babae ang kaniyang anak dahil hindi niya gugustuhin na makabugbog ng kapwa.

"Kamusta na po kayo?"tanong nito.

Tinitigan niya ang napakaganda nitong mukha. Nakuha nito ang ganda ng ina nito.

Agad na binalot siya ng pag-aalala at pangungulila ng maalala ang asawa. Magkikita pa sila ng lalaking iyun,si Azraq na siyang magdadala sa kanya kung saan naroroon ang asawa. Hindi niya hahayaan na matakasan siya nito at lalo pa may kung anong nakakapagtakang bagay na meron ito na may kaugnayan kay Amjad.

Azraq know her.

"Maayos na ang pakiramdam ko,anak.."nakangiti niyang tugon sa anak.

Hinaplos nito ang balikat niya na nabali.

Marahan ang paghaplos ng anak roon.

"Nag-alala po ako sa inyo,"matiim nito sabi.

Kung namana nito ang pisikal na anyo ng ina nito sa kanya naman namana nito ang ugali niya.

Seryoso. Intimadating.

Hinaplos niya ang likod ng ulo nito saka pinatakan ng halik ang noo nito.

"Okay na ang Daddy,anak..."usal niya.

Natanaw niya ang isang bulto na nakatanaw din sa kanila mag-ama.

"Hindi ko alam na magkasundo kayo?"kuryuso niyang untag sa anak.

Nilingon nito ang tinutukoy niya saka binalik nito ang tingin sa kanya ng anak.

Nagkibit ito ng balikat. "Ako lang gusto niya kaibiganin,"tugon ng anak.

Muli niya sinulyapan ang kinaroroonan ng babaeng bampira.

"Siya ang dahilan na kaguluhan noon sa pagitan ng Tita Hessah mo,"sabi niya.

Nalaman lamang niya ang tungkol sa bagay niyun mula kay Simon. Nakita niya ito kung saan naroroon ang asawa niya habang nagdadalang-tao ito at hindi ito maaari makalabas. Nakilala ito ng anak niya ng iwan niya pasamantala ang anak sa pamamalaga ni Amjad at dito na marahil nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa.

"Hindi ko naman kayo pipilitin na magustuhan niyo siya,"untag sa kanya ng anak.

Napatango na lang siya sa huli. Hindi niya alam kung ano ang magiging opinyon ng magkakaibigan ngayon magkalapit na ang dalawa.

"As long as she didn't hurt you,i let you to befriend with her,okay?"tugon niya sa anak na agad naman tumango.

Pinatakan niya muli ng halik ang noo nito.

"Namimiss ko na si Mama,"usal nito.

"I miss your Mom,too.."agad na segunda niya sa sinabi ng anak.

Naagaw ang atensyon nila mag-ama ng makita ang papalapit na bulto sa kanila.

"You with her?"agad na bungad nito sa anak niya.

Mariin at malamig ang titig na pinukol nito sa kanila mag-ama.

"Gusto niya ko samahan at naiinip siya kaya sinama ko na papunta rito,Tita Amjad.."magalang na tugon ng anak niya.

Hindi na umimik pa ito na hindi niya inaasahan.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon