Chapter 18

751 47 4
                                    

"Hindi na ako magtatagal,"untag sa kanya ng matalik na kaibigan na si Hessah. Inabala pa niya ito para ipakiusap na burahin sa alaala ni Khalif ang nangyari rito.

Nauna na siya bumaba dahil gusto ng binata na makaligo muna.

Nadatnan niya si Hessah na nasa sala na naghihintay sa kanya para makapagpaalam sa kanya.

"Sorry sa abala,"nahihiya niyang turan.

"Kahit sino sa inyo na kaibigan ko walang problema,alam mo yan,"tugon nito at masaya na niyakap niya ang kaibigan.

"I love you,beshy!"

Napailing na lamang ito sa kanya. Bago pa man makababa ang binata nakaalis na ang kaibigan.

"Wow! Ang gwapo naman ng Khalif ko!"salubong niya sa binata ng makababa na ito ng hagdanan.

"Even i look wasted and haggard?"duda nito sa sinabi niya.

She smirk at him. Naglalambing na yumakap sa batok ng binata at agad naman pumulupot ang braso nito sa beywang niya at hinapit padikit sa katawan nito.

"Kapag daw in love nagiging blooming daw. Iyun ang nakikita ko sayo ngayon,"aniya sabay taas-baba ng mga kilay niya rito.

"For real?"

"Aww,ayaw maniwala sakin,"aniya sa tonong nagtatampo.

Hinigpitan nito ang yakap sa kanya at sinubsob ang mukha nito sa pagitan ng leeg at balikat niya.

"Malamig ang balat mo,"anas nito sa leegan niya.

Idinaan niya sa pagtawa ang sinabi nito.

"Halika na nga! Ipapasyal na kita sa aking lupain!"paghila niya sa binata palabas ng mansyon niya.

Napangisi siya ng matigilan ang binata pagkalabas nila ng pintuan. Manghang-mangha ito nakatanaw sa unahan.

"Nagustuhan mo ba ang dream house ko?!"untag niya rito.

Bumaling sa kanya ang mga mata ng binata.

"Sa dulo ng bangin nakatayo ang bahay mo?"hindi makapaniwala nitong sabi.

"Paborito ko kasi ang matataas na lugar kagaya nito saka ang peaceful din ng ambiance. Malayo sa ingay at polusyon.."tugon niya rito.

"I can't believe of this.."maang nitong sabi at muli bumaling sa unahan.

Natatanaw ang lawak ng walang hanggan ng karagatan. Mula sa ibaba ng bangin ay ang malakas na paghampas ng mga alon. Malamig sa balat ang tumatamang hangin-pangdagat. Malalanghap sa hangin ang alat ng karagatan.

"Bakit dito mo naisipan magpatayo ng bahay?"mayamaya tanong nito mula sa pagtanaw sa karagatan.

"Bukod na dream house ko may isa pa akong dahilan,"sagot niya. Tuluyan na itong pumihit paharap sa kanya.

"Really?"

Nakangiti na tumango siya.

"Kapag nahanap ko na ang lalaki na makakasama ko habam-buhay. Dito kami titira...na kaming dalawa lang,"saad niya habang matiim na nakatitig sa mga mata ng binata.

"With your children?"dagdag nito.

Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam ang sagot roon. Imposible kasi yun sa isang kagaya niya.

Dinaan niya sa pagtawa ang sinabi nito at bumaling paharap sa karagatan. Ayaw niyang makita nito ang pait at kabiguan tungkol sa bagay na yun na hindi niya maibibigay sa lalaking gusto niya makasama habam-buhay.

Bigla nawala ang pait na nararamdaman niya ng yakapin siya ng binata mula sa likuran niya.

"Sa tingin ko hindi mo nagustuhan ang sinabi ko,"usal nito.

Umiling siya pero hindi siya umimik.

Humugot ito ng hangin saka dahan-dahan na pinakawalan iyun.

"Sana ako yung lalaki na makakasama mo habam-buhay, "anas nito na nagbigay ng kahinaan sa kanya.

"Sana ako na yun,"muli nitong usal.

Pinisil niya ang braso nito na nakapulupot sa kanya.

"Malay natin..pero tadhana ang magdidikta pero sana nga,ikaw na,Khalif..."

Nasa tunay na pagkatao mo nakasalalay kung siya nga ang makakasama mo habam-buhay..kontra ng isip niya.

Muli niya iginiya ang binata na maglibot pa upang hindi pa mapunta sa maemosyon na eksena ang araw na ito.

Nang sumapit ang hapon. Naisipan nila na magdinner sa labas. Naglatag ng kumot sa may damuhan at doon sila magkatabi na umupo habang pinagsasaluhan ang inorder nila pagkain.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyan wine. Ang tingkad ng kulay,"mangha nitong puna sa inumin niya na nasa wineglass niya habang ito naman ay totoong wine ang nasa baso nito.

"Espesyal na inumin ito na gawa ni Amjad..naalala mo siya?"

Agad na tumango ito. "Yes..and She's kind of...scary and..weird,i mean ..her eyes is so lifeless.."sabi nito.

Natawa siya sa pagdidescribe nito sa kaibigan niyang si Amjad na literal na totoo naman.

"Yeah,she really is...pero hindi siya ganun dati. Past experience make her like that what she is now..,"saad niya na may halong lungkot sa tono sa huling sinabi niya.

Agad naman iyun napansin ng binata.

"But she have a friend like you..ang lungkot mo para sa kanya,"saad nito habang mataman na nakatitig sa kanya.

Pinukulan niya ng matamis na ngiti ang binata.

"Kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa.."aniya.

"I amazed..pero ngayon pa lang kinakabahan na ko kapag nagkamali ako sayo..i mean,hindi naman sa sinasabi ko na takot ako sa kaibigan mo..hindi lang ako komportable sa kanya. Alam mo na.."anito na kinangisi niya.

"Don't worry,she can't touch you.."aniya.

"Really?"mangha nitong sabi.

"Yes..dahil alam niyang hindi niya gugustuhin na magkagalit kami.."

"Marami na ko nasaktan at...hinding-hindi ko gagawin yun sayo,"puno ng pangako sabi nito.

Kita niya ang genuine at sinsiridad sa mukha ng binata habang sinasabi ang mga salitang iyun kung kaya mas lalo lamang siya nahuhulog sa binata.

Siya na talaga ang forever ko...

Tinawid niya ang distansya nila ng binata at wala sabi-sabi na umakla siya sa kandungan nito at puno ng kasabikan na inangkin ang mga labi nito. Mabilis naman tumugon ang binata at mas pinalalim nito ang pagsasanib ng kanilang mga labi.

Napasinghap siya sa mga labi nito ng damhin ng mga palad nito ang magkabila niyang pang-upo at ramdam na ramdam niya ang matigas na umbok sa kandungan nito.

She want him so bad.

Ito na siguro ang oras para palayain ang sarili na tuluyan ng madarang ng isang masarap na sensasyon na ito lamang ang nakakapagdulot. Ang pakiramdam na ito lamang ang bumubuhay. Nag-aalab na pakiramdam na siyang hindi niya aakalain na mararamdaman gayun isa siyang bampira.

Shucks..i want him so much!

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon