Chapter 44

487 41 4
                                    

Hinihingal na bumagsak sa lupa ang isang tuhod ni Khalif ng magawa siyang ibalya ni Simon. Ilang oras na lang ay ang huling laban na niya at hindi niya alam kung sino at gaano kalakas ang makakalaban niya. Iyun ang patakaran. Ang una at ang pangalawa ay ipapaalam kung sino ang makakatapat pero sa huling laban ay saka lamang malalaman kapag nasa loob na ng ring.

"Kailangan mo ng sapat na lakas kaya hanggan dito na lang,"untag sa kanya ni Simon.

Inilahad nito ang kamay sa kanya upang tulungan siya makatayo na inabot naman niya.

"Wala tayo ideya kung sino ang makakalaban mo mamaya,"saad ni Simon.

"May alas naman ako,"confidence niyang tugon.

Napabuntong-hininga ito. "Yeah,pero isang pandaraya ginagawa mo,"sabi nito.

"Minsan kailangan mo maging matalino para maipanalo ang isang laban lalo na kung wala ka naman karanasan sa pakikipaglaban,"pagsulpot ni amjad.

Sabay nila nilingon ito.

Sinulyapan niya ang nilahad nito sa kanya.

"Ito ang huling laban mo...ang huling pag-asa mo para makuha mo si Miad sa kanila kaya gumawa ako ng bagong potion, "tukoy nito sa maliit na karayom.

Tinitigan niya iyun saka kinuha ito roon.

Pinagmasdan niya iyun. Kung titignan parang normal na maliit na karayom lang iyun pero sa oras na maibaon iyun sa kahit ano parte ng katawan ng isang tao lalasunin niyun ang buo nito katawan.

"Gagamitin mo yan para sa unang depensa...at saka mo gamitin ang unang potion,"untag nito sa kanya.

"Anong pinagkaiba naman niyan?"kuryuso tanong ni Simon.

Mariin at blanko mga mata nito. "It's makes your opponent paralyzed.."sagot nito na wala emosyon ang mukha na tumingin ito sa kanya.

"That's cool!"manghang turan ni Simon.

Namamanghang tinitigan niya muli ang maliit na karayom.

Tumalikod na ito pero natigilan siya ng magsalita ito habang nanatili nakatalikod sa kanila ni Simon.

"Umaasa ako na...mababawi mo sa kanila si Miad. Patunayan mong hindi nagkamali si Miad na ikaw ang inibig niya..na hindi ka mahinang tao na naging bampira lang,"wika nito kasabay ng pag-ihip ng hangin ang pagkawala nito sa paningin niya.

"Tsk,kahit kailan talaga ang cold niya pero infairness..may sweet message siya sayo,"natatawa turan ni Simon.

Yes,hindi siya komportable kapag nasa paligid ito. Inaamin naman niya na unang impression niya nga rito ay nakakatakot na lapitan. Napakaintimidating nito. Akala mo wala itong pakiramdam at puso. Hindi pa siya nakipagsagutan sa kahit kanino babae at ito lamang ang nakasagutan niya.

"Baka maging soft kapag nainlab,"usal niya na kinalingon sa kanya ni Simon.

"Hindi ako sure dyan..yung puso niyan isinama na sa nakaraan niya kaya hindi na yan maiinlab,"makahulugan sagot ni Simon .

Tinapik nito ang braso niya. "Bumalik na tayo para mahaba pahinga mo bago ang laban.."pag-aya na ni Simon sa kanya.

Ito na ang huling laban para mabawi niya ang kanyang asawa. Kapag natalo niya ito malabo na makita pa niya ang asawa. Inaamin niya takot siya. Natatakot siya na baka sa una at pangalawa laban lang ang kaya niya para mailigtas ang asawa.

Napukaw siya ng sigawan ng nasa paligid niya ng pumasok na ang referree. Wala siyang ideya kung sino ang huling makakatapat niya at ang tanging alas lang niya ay ang maliit na bagay na siyang magpapanalo sa kanya kahit isa iyun pandaraya pero desperado siya.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon