Chapter 29

537 54 5
                                    

Lumipas ang isang araw..isang linggo at isang buwan. Hindi na alam ni Khalif kung ilang araw pa ang dadaan para maibalik niya ang sarili sa dati. Ang gabi iyun na huling pagkikita nila ni Miad at masaksihan ang tunay nito pagkatao ang pagtalikod nito sa kanya tila dala-dala na nito ang buhay niya. Iyun ang gabing nagsimula na tila isa na lang siyang robot. Walang buhay. Tulala. Ayaw niya makakita ng ibang tao. Lagi nakatanaw sa kawalan at inaabangan ang pagsikat ng araw at ang paglubog ng araw.

Kasulukuyan,walang buhay ang mga mata na nakatitig siya sa kawalan kung saan tanaw niya ang malawak na siyudad mula sa balkonahe ng condo. Hindi siya gumalaw ng maulinigan ang pagbukas ng pintuan. Wala naman iba makakapasok sa condo niya kundi ang sekretarya niya at...ang kasintahan.

Dating kasintahan?

Hindi naman sila naghiwalay. Wala naman nagsabi na maghiwalay na sila!

"Khal..?"

Napakurap-kurap siya ng marinig ang pamilyar na boses na iyun. Lumapit sa kanya ang may-ari ng boses na iyun at dahan-dahan tumingala siya upang mapasino ang tumawag sa kanya. Agad na bumadha ang pag-aalala sa maamo nitong mukha.

Ang kanyang ina.

"Khalif?"pag-aalala nito sambit sa pangalan niya saka ito lumuhod sa gilid niya at ikinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga palad nito.

"Sobra ako nag-aalala sayo,anak. Kung hindi pa ko tumawag sa opisina mo at masagot ng sekretarya mo ang tawag ko hindi ko malalaman na hindi ka pumapasok sa trabaho mo..hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,"punong-puno ng pag-aalala saad ng kanyang ina.

Hinaplos niya ang maligasgas niyang balat dahil sa tumubong balbas at bigote. Hindi na niya magawang mag-ahit dahil wala siyang ganang gawin yun. Hindi nga niya alam kung nakakain pa ba siya eh.

"Ano bang nangyayari sayo?"naiiyak ng turan ng kanyang ina.

"Sabihin mo sakin,anak. Nag-aalala sayo ang Mama. Sabihin mo sakin,Khalif.."may luha ng saad ng kanyang ina.

Ang walang buhay at blanko sa kanyang mga mata ay agad na nagkaroon ng emosyon. Pag-aalala na makita ang kanyang ina na umiiyak sa harapan niya.

Mula ng gabing iyun naging sarado na ang isip niya. Ang lamig ng pakiramdam niya.

"Anak? Khalif..magsabi ka sakin,ayoko makita kang ganito.."umiiyak na untag ng kanyang ina.

Umangat ang isa niyang kamay at hinawakan ang isa nitong kamay na nakasapo sa pisngi niya. Kailan nga ba yung huli na ipakita niya sa kanyang ina na malungkot siya?

"Ma.."usal niya.

"Ano,anak? Sabihin mo kay Mama,hmm?"agad na udyok ng ina sa kanya.

Ayaw niya makita nito kung gaano siya kamiserable ngayon. Ang miserable ng buhay niya dahil yung kalahati ng buhay niya iniwan siya.

Bago pa man makita nito ang panunubig ng mga mata niya ipinatong niya ang noo sa balikat ng ina saka iniyakap niya ang mga braso sa katawan nito. Agad naman siya niyakap ng ina ng buong higpit. Ang hayak na sobrang namiss niya mula sa kanyang ina.

"Nandito lang si Mama..makikinig ako."masuyong saad ng kanyang ina.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang iwaksi ang pagbabadya ng pagtulo ng mga luha sa kanya mga mata.

Suminghap siya sa balikat ng ina at humigpit ang yakap niya rito.

Hindi naman siguro nakakahiya na magsabi siya kanyang ina kung ano ba talaga nangyayari sa kanya.

Hinagot ng kanyang ina ang kanyang likuran at tila hinihele siya ng masuyong haplos mula sa kanyang ina.

"Mama.."usal niya. Hindi nagsalita ang kanyang ina pero naramdaman niya ang bahagyang pagtapik nito sa likuran niya marahil udyok iyun upang magpatuloy siya kung nay nais siyang sabihin.

"I--i'm in love.."halos paos at pabulong niyang sabi.

Napatigil sa paghagod sa likuran niya ang kanyang ina.

Muli siyang suminghap. Gusto niya ilabas kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

"Mahal ko siya,Mama.."patuloy niya at sa pagkakataon iyun tila nahihirapan na siyang huminga dahil sa pagpipigil niya na huwag tuluyan umiyak sa bisig ng kanyang ina.

"Mahal na mahal ko siya.."

Marahan na inilayo ng kanyang ina ang katawan nito sa kanya upang makita nito ang kanyang mukha pero kaagad niyang iniyuko ang mukha upang hindi nito makita ang sakit sa kanyang mukha.

Hinaplos nito ang ibabaw ng ulo niya saka marahan itong bumuntong-hininga.

"Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya puntahan?"marahan nitong sabi.

Naikuyom niya ang mga palad.

She don't want to see him. Kitang-kita niya sa mga mata ng dating kasintahan na ayaw siya nitong makita.

"S-She don't want to see me,"mapait niyang saad.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng ina saka pilit na pinagtama nito ang kanila mga mata.

"Sinabi ba niya na hindi ka niya mahal?"

Natigilan siya at napaisip kung sinabi nga ba iyun ng kasintahan.

"See? Kung hindi niya pala sinabi ibig lamang sabihin niyun may pag-asa ka pa.."

Napatitig siya sa mga mata ng ina. "Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko sayo noon? Sa oras na mainlab ka sa babaeng na alam mo na siya ang gusto mo makasama habam-buhay dapat gawin mo ang lahat upang hindi siya mawala sayo. Pride. Coward. Guilt. Ang mga yan ay hindi dapat maging hadlang sa happy ending ng babaeng iniibig mo.."wika ng ina saka ito masuyong ngumiti sa kanya.

Muli siya nakaramdam ng buhay at sigla sa sinabi ng kanyang ina. Nakangiti ito na hinaplos muli nito ang kabila pisngi niya.

"Gusto ko siya makilala,"masuyo nitong sabi. "Gusto ko makilala ang babaeng nagpatibok sa puso ng aking anak.."

Nakatitig lang siya sa babae na nasa harapan niya. Saka lamang siya natauhan ng muli ito magsalita.

"Sinubukan mo na ba puntahan ang rest house niya?"untag ni Hessah sa kanya.

Wala pasabi na nagtungo siya sa opisina nito at agad naman siya nito hinarap.

Saka lang niya naisip ang bagay na yun.

Bakit ba hindi niya naisip yun?

"Sa tingin mo...magpapakita siya sakin?"marahan niyang tanong.

Tumitig sa kanya ang mga mata nito. Kabado siya sa tuwing nagtatama ang mga mata nila. Ang mga mata nito na tila bang hinahalungkat nito ang nasa likod ng isipan niya.

"Alam mo ba na malaman ng taong minamahal namin ang tunay na pagkatao namin ay malaking hamon para samin. Kinakatakutan.."saad nito.

"Ang makita namin ang takot sa mga mata niyo dahil sa totoo namin pagkatao,"dugtong nito sa seryosong tono.

Naikuyom niya ang mga palad na nasa ibabaw ng magkabila niyang hita.

Takot.

Ang nakita niyang takot sa mga mata ni Miad ng gabing iyun.

"I love her...and i don't fucking care whatever she is o kahit ano pa siya,"usal niya na puno ng konbiksiyon.

Ang seryoso anyo ni Hessah ay unti-unti napalitan ng ngisi sa mga labi nito.

"Glad to hear that,"saad nito. "Hindi ko masasabi kung kailan niya balak bumalik pero kung handa kang maghintay sa kanya..mabuti yun. Love can do anything kahit pa maghintay ka ng matagal ng panahon..hihintayin mo siya.."

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon