Chapter 36

540 49 3
                                    

Maingat at masuyo na hinaplos ng payat at tuyot na daliri ni Miad ang umbok sa kanyang tyan. Nasasabik na siyang makita ito at malapit na niya ito isilang sa mundo.

Ano kaya ang itsura nito?

Sa kanya kaya ito nagmana o sa asawa niyang si Khalif?

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ng ipaalam sa kanya ng kaibigan si Amjad na isang babae ang kanilang anak.

Natigilan siya sa paghaplos sa kanyang tyan ng makaramdam ng sakit mula roon. Tinitiis niya ang bawat sakit sa tuwing gagalaw ang kanyang anak sa loob ng kanyang sinapupunan.

"Nagugutom ka ba?"mahina at halos pabulong niyang saad.

Hirap at maingat na umayos siya sa kanyang pagkakaupo upang isandal ang payat niyang katawan sa headboard ng kinahihigaan niya.

Napasulyap siya sa salamin na nasa isang sulok ng silid na kinaroroonan niya. Hindi na siya nagulat pa ng makita ang kanyang anyo ngayon.

Halos buto't-balat na lang siya. Napakalalim na ng kanyang mga mata. Humpak na ang kanyang magkabila pisngi. Kahit ang kanyang mahaba buhok ay tila wala na rin buhay.

Pero hindi siya natatakot. Kung ano man ang mangyari gusto niya maisilang niya ang kanyang anak ng malusog.

Napaigik siya ng muli gumalaw ang sanggol sa loob ng sinapupunan niya.

"Mabilis ka magutom,anak.."usal niya sabay mahina  tumawa.

Hinayon ng mga mata niya ang kinaroroonan ng isang lalagyan na may laman na sariwang dugo. Maingat at mabagal na kumilos siya upang tuluyan bumangon sa kama. Ang payat niyang katawan ay halos bumigay ng siya ay makatayo sa gilid ng kama. Gustuhin man niyang tawagin ang kaibigan upang tulungan siya nahihiya na siya. Alam niyang galit at nag-aalala ito sa kalagayan niya ngayon kung kaya hindi siya nito kinakausap. Tahimik na ito sa tuwing bibisitahin siya nito at maglagay ng kanyang inumin.

May tiwala siya rito na wala ito ginawa hindi maganda kay Khalif dahil sa awa para sa kanya.

Kunting tiis na lang. Matatapos na ito.

Bago pa man niya marating ang kinapapatungan ng inumin iyun. Isang malakas na singhap ang kumawala sa mga labi niya. Halos magdilim ang kanyang paningin at tila namanhid na ang buo niyang katawan ng maramdaman ang sakit sa kanyang balakang.

Muli siya napaigik ng mas matinding sakit pa ang naramdaman niya ng gumalaw muli ang bata sa tyan niya at doon na siya tuluyan bumigay.

Gusto niya masilayan ang kaniyang anak. Mabubuhay sila pareho hindi ba?

Bago pa man siya tuluyan bumagsak sa malamig na semento ay may mga bisig na sumalo sa kanya.

"Miad..."pag-alingawngaw ng boses iyun ni Amjad.

"Kailangan na niya ang lalaking yun!"muli pag-alingawngaw ng boses ng kaibigan.

Tila siya lutang pero kinailangan niyang makatikim ng dugo. Sariwang dugo. Hindi mula sa dugo ng hayop. Sariwang dugo mula sa tao.

Iyun. Iyun ang gusto niya...ng kanyang anak!

Samantala,hindi makapaniwala na nakatitig si Khalif sa asawa. Halos hindi na niya ito makilala sa anyo nito ngayon. Buto't-balat na ito. Hindi niya mapaniwalaan ang makita anyo ng kanyang asawa. Awa. Binalot ng awa ang puso niya na makita ang kalagayan nito.

"W-what happen to her?"usal niya habang hindi inaalis ang mga mata sa asawa niya na kasulukuyan inaasikaso ni Amjad.

"Wala ng oras. Kailangan ka niya,"seryoso tugon ni Simon sa kanya.

"Bakit ganyan ang itsura niya?!"galit niyang turan rito.

Nanatiling seryoso ang anyo ni Simon.

"Kailangan niya ng dugo mo kung gusto mo mabuhay sila pareho,"saad nito.

"Mismong dugo mo ang kailangan ng mag-ina mo dahil iyun ang nararapat para sa sanggol na mismo dugo mo din ang nanalantay sa kanya,"paliwanag nito.

Naikuyom niya ang mga palad.

"Mabubuhay sila pareho sa dugo ko,tama?"deretso niyang tanong.

"Oo...pero hindi ikaw,"deretso din nitong sagot sa kanya.

Naipikit niya ang mga mata.

Hindi niya hahayaan na parehong mawala sa kanya ang mag-ina niya. Ngayon nakita niya ang pinagdadaanan ng asawa niya mas buo ang desisyon niya na ibigay ang lahat kahit pa mismo ang sarili niya buhay.

Tumiim ang kanyang mukha saka nilingon si Simon.

"Kung handa ka na pwede ka na pumasok,"untag sa kanya ni Amjad na agad na kinabaling niya rito.

Seryoso ang anyo na nilapitan niya ito. Gusto niya ito sisihin. Bakit pinaabot pa nito sa ganitong kalagayan ang kaibigan nito kung siya naman ang kailangan nito!

"Alam mo mangyayari ito sa kanya. Bakit kinailangan mo pang hintayin magkaganyan siya?"puno ng paninisi niyang turan rito.

Nanatili pa rin blanko ang mukha nito.

"Siya ang may gusto nito,"sagot nito na dumagdag sa galit na nararamdaman niya.

"Mamatay din naman ako sa kamay mo  kapag may masama nangyari sa kaibigan mo. Bakit  hinayaan mo pa umabot sa ganito kalagayan ng mag-ina ko?! Bakit? Gusto mo siguro mamatay ang anak ko at isasalba mo lang ang buhay ng kaibigan mo!"

"Tama na yan!"malakas na saway ng biglaan pagsulpot ng isa pang kaibigan ng asawa niya. Si Hessah.

Taas-baba ang dibdib niya sa taas ng tensyon na namamagitan sa kanila ng kaibigan ng asawa niya.

"Wala na oras para magsisihan pa kayo dalawa!"galit na sita ni Hessah sa kanila.

Napatiim-bagang siya at walang emosyon na nilagpasan ito at pumasok sa silid na kinaroroonan ng kanyang mag-ina.

Ang galit na nararamdaman niya ay nahaluan ng iba't-ibang emosyon pero mas nangibabaw ang awa at pangamba sa nakikitang kalagayan ng kanyang mag-ina.

Pilit na pinatatag niya ang sarili. Hindi ito ang tamang oras upang panghinaan siya ng loob dahil kailangan siya ng kanyang mag-ina.

"Miad,"usal niya sa pangalan ng asawa.

Tila naman bulag na pinakiramdaman siya nito.

"Baby..I'm here. I miss you so much,"saad niya habang tinatantya ang reaksyon ng asawa.

Suminghap ito at saka suminghap-singhap na tila may hinahanap itong amoy.

Mabagal siyang humakbang palapit sa kinaroroonan nito. Umangil ito na parang isang mabangis na hayop.

Makulimlim ang buong silid. Mabigat sa pakiramdam at malamig ang lumulukob sa buong silid na iyun.

"Baby.."usal niya at malakas na singhap ang kumawala sa kanya ng bigla na lamang siya nitong dambahin.

Umawang ang mga labi niya at mariin na naipikit ang mga mata ng maramdaman ang pagbaon ng kung ano sa kanyang leeg. Nanginginig na iniyakap niya ang mga braso sa payat na katawan ng asawa.

Nangako siya na hanggang sa huli hininga niya ay ito lamang ang mamahalin niya.

"Mahal na mahal kita..m-mahal na mahal ko kayo ng anak natin,"nanghihina niyang usal kasabay ng pagtulo ng ilang patak na luha mula sa kanyang mga mata.

Isang angil at kasunod ng paghikbi ang huli na niyang narinig mula rito ng tuluyan siyang lamunin ng kadiliman...o ng kanyang kamatayan.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon