Chapter 25

580 48 3
                                    

Tahimik lang si Khalif habang pinapanuod ang masayang pagdidiwang ng kaarawan ni Omar,ang batang namalimos sa kanila noong araw na unang magkasama sila ng kasintahan. Tumuon ang mga mata niya kay Omar. He look so happy. Enjoy na enjoy nito ang kaarawan nito na tila ba walang trahedya na nangyari rito at sa yumaong ina nito.

Is it that possible na matanggap kaagad ng bata ang nangyari ng gabing yun ?

Isa,dalawa o tatlo araw pa lang mula ng masaksihan niya iyun!

Kung siya ang nasa kalagayan nito sigurado hanggan ngayon tulala pa siya...matatakot.

Bumaling ang mga mata niya sa kasintahan na katabi lang ng bata na siyang nag-aasist rito. Masaya nito kinakausap ang kaibigan nito.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang nakita niya. Sigurado siya na hindi siya namamalikmata. Naikuyom niya ang isang palad habang napahigpit naman sa hawak ng baso na may inumin ang isa.

Hindi siya matatahimik hanggat hindi nakukumpirma ang mga nakita niya mula sa kasintahan..pero paano?

Paano niya itatanong rito ang mga nakita niya?

"You look bothered? You okay?"untag sa kanya ng tumabi sa kanya.

Agad na nilingon niya ang nagtanong na iyun at agad na nakilala niya ito.

Pagkakaalam niya hindi na ito bumalik sa mundo ng pagmomodelo. Ayon sa nabalitaan lamang niya ay kinasal na ito at pinili mamuhay ng tahimik .

Ngumisi ito sa kanya.

"I didn't expect na makikita kita dito...at ng personal,"mangha niyang turan rito.

Mas lalo ngumisi ito. "Don't tell me,you're one of my fan?"pabiro nito sabi.

Hindi tunog mayabang ang dating niyun kaya napangisi na lang siya.

"Well,I'm a owner of RYZA FASHION,you are model,sino hindi makakakilala sayo?"saad niya.

Tumawa ito ng mahina saka nagtaas ng kamay at agad na nakuha niya ang nais nito. Pareho may ngisi sa mga labi nila ng pinagsalikop nila ang mga palad bilang pagtanggap sa isa't-isa.

"Matagal na ko nagretired as a model and..I'm living with my beautiful wife peacefully,"saad nito habang may kinang ang mga mata habang sinasabi nito iyun.

Namangha siya roon. Bilang lalaki din alam niya kung ano nararamdaman nito. Gaya niya na may ganun din pakiramdam dahil in love siya.

Yeah,he is so damn fall in love.

"We're same..happy and content,"saad niya sabay sulyap kay Miad na abala sa pakikipag-usap sa mga empleyado nito. Yeah,her girlfriend is a boss! The one biggest agency in Philippines!

"Miad is your girlfriend, right?"

Napabalik rito ang mga mata niya. Nakangisi ito sa kanya. "Are you working here now or as a guest with your wife?"kuryuso niya tanong. Hindi na ito muli nagmodelo pa kung narito ito posible nagtatrabaho ito rito?

Tumawa ito ng mahina. "No,my wife,Hessah is one of bosses here,"sagot nito na may pagmamalaki.

Namangha siya sa sinabi nito. Bukod sa kasintahan niya ay may isa pa pala may-ari ng kilalang agency na ito. Well,it's a big business kaya talaga may kasyoso ka dapat.

Namamangha tumango-tango siya pagkaraan."..And Amjad,too..they are bestfriends,sila ay may-ari ng agency na ito,"may pagmamalaki nito sabi na kinatigilan niya ng mabanggit nito ang pangalan ng weirdo kaibigan ng kasintahan.

"Wow,hindi ko akalain isa din pala siya may-ari dito,"namamangha niyang usal sabay sulyap sa kinaroroonan ng pinag-uusapan nila at muntik na siya mapamura ng bigla na lamang nito sinalubong ng blanko nito mukha ang tingin niya kaya agad din siya nagbawi ng tingin mula rito at binalik sa katabi ang mga mata.

Mahina pagtawa ang nagmula sa katabi niya.

"They are so lowkey kaya no one knows na sila magkakaibigan ang may-ari bukod sa mga nagtatrabaho rito wala na nakakaalam and now..isa ka na sa nakakaalam ng bagay na ito,"nakangisi nito sabi.

"Yeah,i can't believe na ngayon ko lang din nalaman na ang girlfriend ko ay isa sa may-ari ng agency na ito,"saad niya na sinabayan niya ng pag-iling. Natatawa naman na tinapik siya nito sa balikat at sinabayan na niya ito sa pagtawa.

Magaan kausap ito at kung noong una pagkakita niya rito sa isang magasin mukha ito mayabang at hindi madali iapproach pero akala lang pala niya iyun dahil heto mabilis niya nakasundo sa isang bagay at iyun ay ang usapin pag-ibig.

Nakaramdam siya bigla na kailangan niya gumamit ng banyo kaya nagpaalam siya rito. Sinabihan siya nito na ito na lamang ang magsasabi kay Miad na kailangan niya magbanyo dahil hindi naman niya malapitan ito dahil may kausap itong dalawang importante negosyante na pamilyar sa kanya.

Sa laki ng lugar kinailangan pa niya magtanong kung nasaan ang banyo at agad naman niya natunton ng ituro sa kanya ng napagtanungan niya. Dere-deretso ang lakad niya hanggan sa di sinasadya sa pagliko niya ay may nakabangga siya.

"Shit,I'm sorry,Miss!"agad na paghingi niya ng sorry sa nakabangga niya babae.

Nang magtama ang mga mata nila agad na natigilan siya. Maganda ang babae at madilim ang kulay ng mga mata nito. Isang pares na mga mata na pamilyar sa kanya.

"It's alright,"untag nito na nagpabalik sa huwisyo niya. Ngumisi ito at saka ito nagpatuloy na sa paglalakad. Naiwan siya nakatayo roon.

Sigurado siya na nakita niya na ang mga mata iyun at..ang boses nito!

Magulo pa rin ang isip niya hanggan sa matapos siya sa paggamit ng banyo at upang luminaw na ang isip niya naghilamos siya at ng humarap siya sa malapad na salamin na basa ang kanyang mukha bigla na lamang may kung anong alaala ang naglaro sa isip niya.

Isang eksena kung saan nakakapit siya sa pinagdugtong-dugto na kumot na nakatali sa isang bariles ng balkonahe at sa ibaba ay ang malakas na paghampas ng alon na tumatama sa matarik na batuhan ng isang bangin. Isang pamilyar na mukha ang dumungaw mula sa balkonahe at sa kabiglaan ay bigla na lamang naputol ang kinakapitan niya hanggan sa tuluyan siya mahulog mula sa itaas ng bangin pero malinaw niya nakita ang mukha ng kasintahan. Sa pagmulat niya nakita niya ang isang pares ng mga mata na tila may kung ano binubura ito sa isip niya.

"Alaala buburahin upang manatili masaya ang aking matalik na kaibigan.."

Napasinghap siya at pumintig ang ugat sa sentido niya saka muli bumuhos ang alaala na niligtas siya ni Miad mula sa pagkakahulog niya sa balkonahe. Ang pagyakap nito sa kanya at ang paglundag nito at pagkapit nito sa batuhan upang hindi sila tuluyan mahulog sa paanan ng bangin. Malinaw na alaala iyun na siyang hindi na niya naalala pagkamulat niya at ngayon...

"Baby?"

Napasinghap siya at nilingon ang nagsalita iyun. Ang nakangiti kasintahan ang nakasilip sa pintuan ng men's room.

Mabilis ang tibok ng puso niya. Nagkakagulo ang isip niya sa pagbabalik ng alaala niya iyun.

"Ayos ka lang?"untag nito ng mapansin nito hindi siya nagsasalita. Kaagad naman siya nakabawi.

"I'm sorry,baby..uh,bigla kasi sumakit ulo ko,"saad niya. Agad naman ito pumasok at may pag-aalala sa mukha nito na lumapit sa kanya.

"Gusto mo ba magrest?"

"Hindi,ayos lang..hindi pa tapos ang party,di ba?"

"Pwede naman magpaalam kay Omar,"sagot nito. Umiling siya. "Hindi,baby..okay lang ako. Ayoko umalis ka sa birthday party ng kaibigan mo saka baka magtampo ang bata sayo,"masuyo niya tugon sa kasintahan.

Ngumiti ito sa sinabi niya na sinuklian niya rin ng isang ngiti at bago pa man niya ito mahalikan may pumasok na lalaki at nagulat ito sa kanila dalawa.

"Ah,Sorry!"

"Hindi,ayos lang..lalabas na kami,"natatawa niyang habol sa lalaki ng tangka ito lumabas ulit.

Mabilis na pinunasan niya ng tisyu ang basa niya mukha saka natatawa hinila na niya ang kasintahan na tahimik na tumatawa sa tabi niya.

Saka na niya iisipin muli ang mga alaala iyun. Gusto niya samantalahin ang pagkakataon na ito na makita nag-eenjoy ang kasintahan. Ayaw niya agawin ang saya ng kasintahan ng dahil lang sa mga gumugulo sa isipan niya. May pagkakataon siya. May oras siya para malaman ang totoo.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon