Umasa siya. Hell! Hinintay niya ang babaeng yun na siya lamang nagpagising ng kakaibang init sa katawan niya at mas umalab pa iyun ng magkasundo sila nito na magkita sa gabing ito pero heto siya hindi pa sumisikat ang araw hawak na niya ang isang baso na may alak. Magulo ang buhok dahil panay ang suklay niya roon gamit ang mga daliri dahil sa inis at pagkadismaya.
Damn her!
Pinaasa lang siya nito!
Sinaid niya ang natitirang alak sa baso niya at hinayaan na mahulog iyun sa carpeted floor. Isinandig niya ang ulo patingala sa headrest ng single sofa at mapait na tumawa siya sa sarili.
"I'm insane..totoo ba talaga ang babaeng yun? Nawala na naman siya,"bulalas niya sabay mapait na tumawa hanggang sa makalma niya ang sarili at nakipagtitigan sa kisame.
Never pa siya naging wasted na ganito at dahil pa sa isang babae?!
Shit,siya ang kinababaliwan ng mga babae,hindi siya!
Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng bigla siya nakaramdam ng pagkahilo at kasabay niyun ang pagpintig ng ugat niya sa sentido. Nasapo niya ang gilid ng noo niya at diinan ng daliri niya ang pumipintig na ugat roon.
Hell,hindi siya dapat nagkakaganito ng dahil lang sa isang babae na parang isang aparisyon lang.
"If i see you again,woman..magbabayad ka sakin..you make me crazy,damn you,you can't do this to me again,"tiimbagang niyang usal habang patuloy pa rin sa paghilot niya sa sentido niya.
Nabulabog ng pag-ingay ng doorbell niya ang pagsisintir niya. Wala siyang inaasahan na bisita ng ganitong oras.
Nang mag-ingay muli ang doorbell niya. Napipilitan na tumayo siya upang alamin kung sino ang baliw na magbulabog ng ganitong oras.
He's mad now. Kaya hindi siya magiguilty kung hahamunin niya ng away kung sino man ang istorbo nasa likod ng pintuan niya.
Handa na siya singhalan ito ng mabungaran ang nakangising babae na siyang nagpabaliw sa kanya ng mga oras na ito at siya rin ang dahilan kung bakit bigla nawala ang pagkahilo niya.
He can't breathe properly. Napakabilis ng tibok ng puso niya. Natalo niyun ang pagpintig ng ugat sa sentido niya at mas masakit iyun sa pakiramdam.
"Goodmorning!"pagbati nito sa kanya.
Saka lamang siya natauhan ng marinig ang boses nito. Napahigit siya ng hininga at kinalma ang nagwawala niyang puso?
Damn..what the hell happen to him?
"W-what...what are you doing here?"pagpiyok niya sa unang pagsasalita pero sa huli tinigasan niya ang tono upang iparamdam rito na hindi siya natuwa sa pag-indyan nito sa kanya ng nakaraan gabi.
Napangiwi ito sa tanong niya pero nanatiling may ngisi sa mga labi nito na kasingpula ng dugo. Pulang-pula iyun at parang ang sarap tikman at kagat-kagatin...sipsipin.
Shit,Khalif! What the hell?!
Kailangan galit ka! Hindi ba galit ka sa babaeng yan?!
Napatiimbagang siya sa pagrerebelde ng katawan at isip niya dagdag pa na parang aatakehin na siya sa puso sa lakas ng kabog niyun.
Ano bang ginagawa ng babae ito sa kanya? Bakit ganun na lang ang epekto nito sa kanya?
Nakakabaliw at masakit!
"Uh,sorry..nagkaroon kasi ko ng emergency sa trabaho kaya hindi ako nakarating saka...wala akong number mo eh,"paliwanag nito na siyang pumukaw sa kanya mula sa panenermon niya sa sarili.
Humugot siya ng hangin at mariin na tinitigan ang dalaga.
Hell!
Binabaliw talaga siya nito at talagang matutuluyan na siya kapag hindi niya nagawa ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampirosDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...