Chapter 23

555 47 3
                                    

"Sir?"

Hindi natinag si Khalif habang tagusan ang titig nito sa puting pader ng kanyang opisina. Makailang beses ng tinatawag ito ng sekretarya nito pero tila bingi ang binata.

Hindi alam ni Khalif kung isa nga lang ba panaginip iyun o totoong nangyari. Malinaw sa kanya ang nasaksihan eksena.

Wala naman siya balak na sundan si Miad ng mga oras na iyun. Alam niyang kasama na sa trabaho nito ang walang pinipiling oras o araw pero ng mga oras na iyun. Isang malaking kuryuso ang nagtulak sa kanya upang palihim na sundan ito at ...

"Ang lalim naman niyan?"

Napaigtad siya ng marinig ang boses ng kasintahan. Nakangisi ito na nakatingin sa kanya habang nakaupo ito paharap sa tabi niya.

Napakurap-kurap siya at agad na bumaling ang mga mata niya sa kamay ng dalaga. Wala sa sarili na inabot niya ito at pinakatitigan ng mariin.

"Bakit?"untag sa kanya ng dalaga.

Agad na napaangat siya ng tingin sa dalaga. May pagtataka na mababanaag sa maganda nito mukha.

Napahugot siya ng hininga saka marahan na hinila niya ito hanggan sa mapaupo ito sa kandungan patagilid sa kanya. Hawak pa rin niya ang kamay nito.

"Okay ka lang ba?"tanong nito ng mapansin na tahimik pa rin siya.

"Okay lang ako,baby.."tugon niya at mahigpit na niyakap niya ito.

Naguguluhan siya. Gustong-gusto niya ito tanungin ukol sa nakita niya ng mga oras na iyun pero...

"Baka may maitutulong ako? Sabi ng sekretarya mo maraming beses ka niya tinatawag kaso parang hindi mo daw siya naririnig kaya pinapasok na lang niya ko,"anito.

Isang tipid na ngiti ang pinukol niya sa dalaga.

"Pasensya na..uh,sa papers lang.."pagdadahilan niya.

Mariin na nakatitig sa kanya ang mga mata ng dalaga at gustuhin man niya tapatan ang pagkakatitig nito sa kanya kailangan niyang umatras dahil pakiramdam binabasa nito ang nasa isip niya .

"Hindi ka busy?"untag niya rito.

Ngumisi ito saka humilig sa balikat niya.

"Namiss kita eh kaya pumunta ako dito,"paglalambing nito na kinasiya ng puso niya.

"Sana lagi mo na ko namimiss para lagi mo ako pupuntahan,"aniya.

Tumawa ito ng mahina at ng ibaba niya ang tingin rito. Nakapikit ito at mababanaag niya ang pagod at lungkot roon. Humigpit ang yakap niya sa dalaga.

Dapat bang pagdudahan niya ang dalaga?

Pero paano ang nakita niya?

"Ang lungkot ko ngayon,"usal nito habang nakapikit pa rin.

"Care to tell me why?"masuyo niyang tanong rito.

There's something he wants to know. Handa ba talaga siya para doon?

Handa ba siya alamin kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao  nito?

"Isang kaibigan..namatay ang kanyang ina at mag-isa na lang siya ngayon..nalulungkot ako para sa kanya, "usal nito na nakapikit pa rin.

He hold his breathe. Agad na bumalik sa alaala niya ang nasaksihan niya.

Nagbibigay iyun ng kilabot sa kanya. Ang maalala ng malinaw ang eksena iyun. Ang dugo...ang matalas na bagay mula sa isang lalaki na may pulang mga mata.

Nakakatakot. Nakakakilabot.

He saw it.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga.

Kinalma niya ang sarili. Gustong-gusto niyang itanong sa dalaga ang nakita niya.

"How...how's that boy?"usal niya pagkaraan makalma ang sarili pero mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.

Gumalaw ang dalaga at nagmulat ito ng mga mata.

Napakalungkot ng mga mata nito.

"Natatandaan mo yung bata na namalimos satin noon?"

Napakurap-kurap siya. Yes,he remember that boy. He saw them. That boy looks so shock.

Nasaksihan din niya kung paano ito nawalan ng malay.

"Yes? Why?"kunwa'y hindi niya alam na iyun ang bata na tinutukoy nito kung bakit ito nalulungkot ngayon.

"Ang Nanay niya ang namatay. Palagi ko sila binibisita ng Nanay niya,"anito na may himig na tuwa.

"What happen to his Mom,then?"

Muli bumalik ang lungkot sa mga mata nito. Hinaplos niya ang makinis nitong pisngi. Hindi niya alam kung nilalamig ba ito dahil malamig ang balat nito.

"May..may pumatay sa Nanay niya.."sagot nito at nasaksihan niya ang pagdilim ng anyo nito pero kaagad din napalitan ng pagdadalamhati.

Napahigpit ang yakap niya sa dalaga.

"Nahuli ba ang pumatay?"

Hindi kaagad sumagot ang dalaga. He's already the answer but he want to confirm kung talaga bang totoo ang nasaksihan niya ng mga oras na iyun o...maaari din na hindi nito sabihin sa kanya ang totoo.

"Patay na siya,"maiksi nitong sagot na kinatigil niya.

Siya naman ngayon ang natahimik. Gustuhin man niya sabihin dito ang nakita niya. Nangangamba siya. Baka..hindi iyun totoo.

"Okay ka lang ba?"untag sa kanya ni Miad.

Mariin ito nakatitig sa kanya. Agad na tumango siya at nginitian niya ito upang pagtakpan ang totoong  nararamdaman niya.

"Yes,baby...medyo ang bigat lang para sakin na makita ka na malungkot para sa isang kaibigan,"masuyo niyang sabi.

Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng kasintahan.

Palihim na pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib.

"Kamusta na ang bata?"

"Nasa headquarter siya ni Amjad. Makakatulong kay Omar na naroroon siya upang mabilis niyang matanggap ang nangyari sa Nanay niya,"sagot ng dalaga.

"Amjad can do that?"mangha niyang tanong.

Alam niyang weirdo ang impresyon niya sa kaibigan nito si Amjad.

Ngumisi ang kasintahan. "Magaling siya lahat ng bagay,"may himig na pagmamalaki nito sabi para sa kaibigan nito.

Tumango-tango siya.

"That's nice,"tugon niya.

"Okay lang ba na sumama ako sayo kapag bibisitahin mo siya? I want to see that boy,again.."saad niya.

"Oo naman..sa makalawa kaarawan na niya kaya ipagdiriwang namin ang kaarawan niya,"masaya tugon ng dalaga.

Napangiti siya. Kanina lamang ay malumbay ang dalaga pero ngayon kapag usapan kaibigan sumasaya ito.

"Ano kaya pwede gift para sa kanya?"tanong niya.

Ngumisi ang dalaga. Napataas siya ng kilay sa inakto nito.

Alam niya kung kailan may meaning ang pagngisi nito at ngayon base sa pagkakangisi nito paniguradong kailangan niyang maghanda na naman ng cheque.

"Scholarship,"saad nito.

He's right.

"Alright,scholarship,then.."agad na sang-ayon niya.

Masaya na niyakap siya ng dalaga at agad naman na hinagilap niya ang mapupula nitong mga labi na kanina pa niya guston tikman.

Halik na puno ng suyo ay lumalalim ng lumalalim hanggan sa hindi na nila napigilan na hindi angkinin ang isa't-isa mismo sa loob ng kanyang opisina.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon