Final Chapter

645 49 7
                                    

Abot-abot ang kaba ni Miad habang hinihintay nila ang pagdating ng biyenan niya. Nasa airport sila at hinihintay ang arrival nito. Ilan buwan din hindi sila nagkita magbiyenan at dahil gustong-gusto na siya makita ng biyenan. Ito na ang umuwi ng pilipinas.  Sa araw na ito ay napagdesisyunan nila mag-asawa na ipakilala ang kanilang anak rito. Sa mismo kaarawan nito.

"Okay ka lang ba,Mahal?"untag niya sa asawa na tahimik lang sa tabi niya.

Bumaling ito sa kanya. Gusto niya matawa sa anyo nito pero nagpigil lang siya. Pareho sila kabado mag-asawa.

"Hindi ako sigurado kung...makakayanan ni Mama,"may pag-aalala nitong sabi.

Pinisil niya ang palad nito. "Karapatan ni Mama na malaman ang lahat. Hindi natin maitatago sa kanya ito hanggat nabubuhay siya,"tugon niya sa asawa.

"I know...i..i just worried if she know that his son is not human anymore,"saad nito.

Hinaplos niya ang kabila pisngi nito. Hindi naman niya nakitaan ito na nagsisisi ito na naging bampira ito.

"Labis ang pagmamahal ng isang magulang sa anak nila kaya sigurado ako...matatanggap niya,"alo niya sa asawa.

Humugot ito ng hininga saka pinatakan ng halik ang noo niya na nagpangiti sa kanya.

"Khalif! Miad! Mga anak ko!!"untag sa kanila ng ginang at halos tumakbo na ito sa kinatatayuan nila.

"Hey,Mom! Slowly! Baka madapa kayo!"pagalit na sita ng asawa sa ina nito.

Natawa siya ng nilagpasan ng ginang ang anak nito at siya ang niyakap.

Nanlaki ang mga mata ng asawa sa pagdedma ng sarili nito ina rito.

"Ohmygod! Ang dami mong utang na pagbisita samin! Kamusta ka na?! Buti naman at natapos na ang inaasikaso mo trabaho!"

"Opo,Mama..pasensya na po kung natagalan at nahihiya nga po ako dahil kayo pa ang bumisita imbes na kami,"nahihiya niyang sabi.

"Naku,anak! Alam kong hindi madali sayo na mawalay sa asawa mo kaya nauunawaan ko para naman makabawi ka...siguro naman may mabubuo na?"sabik na sabik na ika ng ginang na kinatahimik niya.

"Parang nakalimutan niyo ata ako?!"agad na pagsaklolo ng asawa sa kanya.

Nakasimangot na bumaling ang ginang rito.

"Araw-araw na kita nakikita,eh,ang asawa mo ngayon lang,"sagot nito sa asawa niya na kinatawa niya.

Madramang sinapo ni Khalif ang dibdib nito na animo'y nasaktan ito sa sinabi ng sariling ina.

"Akala ko,ako lang ang anak niyo? Bakit ayaw niyo na sakin?"

Hinampas ito ng ina sa braso na kinatawa niya ng malakas.

"Kailan ka pa natuto magdrama? Hindi bagay sayo,jusko!"

Mas lalo siya natawa sa pag-aasaran ng mag-ina.

Nasa daanan na sila ay panay pa rin ang kwento ng ginang sa kanila. Hindi nakasama ang asawa nito dahil sa business ng mga ito.

"Lumipat na ba kayo?"mayamaya untag ng ginang ng mapansin nito na ibang daanan ang tinatahak ng sasakyan na minamaneho ni Khalif.

Magkatabi sila sa backseat magbiyenan.

"Meron po ako bahay at dun po kami nakatira ngayon,"sagot niya rito.

Bumaling ito sa kanya. "Talaga? Hindi niyo nabanggit yan? Nakakahiya naman sa anak ko at sa mismong bahay mo pa kayo tumira kung tutuusin si Khalif ang may pundar,"anang ng ginang.

Isang ungol na pagpoprotesta ang nagmula kay Khalif na kinatawa niya. Hinampas naman ng ina ang headrest na kinauupuan nito dahil sa inakto nito.

"Bakit? Totoo naman. Ikaw ang lalaki dapat ikaw ang may pundar,"pangaral ng ina rito.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon