Nakaupo sa gilid ng pader si Miad sa pinakatuktok ng isang hotel na katapat lang ng bar na madalas puntahan nila ni Francisco noong nabubuhay pa ito ay hindi niya inaasahan na makikita niya roon ang apo nito.
Gamit ang matatalas niyang mga mata ay pinagmasdan niya ang binata na palinga-linga sa paligid. Sinundan siya nito. Nang maramdaman niya ang pagsunod nito agad na ginamit niya ang bilis upang mawala siya sa paningin nito.
Naalala niya kung ano ang naging reaksyon nito ng magkatitigan sila ng binata. Aaminin niya may kung anong mainit na bagay ang kumalat sa buo niyang katawan habang magkatitig ang mga mata nila ng binata.
Isang mainit na sensasyon na parang may binubuhay ito sa katawan niya. Isang pakiramdam na hindi pamilyar sa kanya.
Tila may gustong makuha ang katawan niya mula sa binata.
Naningkit ang mga mata niya sa bagay na yun. Sigurado siya pareho sila ng binata na may gustong makuha sa isa't-isa.
Nang makitang sumakay na sa kotse ang binata at nilisan na ang lugar na iyun ay itiningala niya ang mukha sa kalawakan na nakukumotan ng mga bituin.
"Baks,alam kong nanahimik ka na. Baka bigla ka magparamdam sakin ah?! Hot papa ang apo mo,baks!,Well,uh,para ko na rin naman siya apo.. kaya can i be his friend?"bulalas niya sa kawalan.
Natawa siya sa sarili ng umihip ang hangin.
"It's a Yes? Well,I'll take that as your answer,"saad niya sabay ngisi at nanatili sa kalawakan ang mga mata niya.
Lumipas na naman ang isang araw at dahil wala siyang duty ngayon gaya ng ginagawa niya kapag libre siya wala siya ibang ginagawa kundi ang magpalaboy. Yes,palaboy girl ang bansag sa kanya ng dalawa niyang kaibigan na sina Hessah at Amjad. Kinarir pa nga daw niya dahil sa pananamit niya.
May kaibigan naman daw siya mayaman sa damit at marami siyang magpipilian pero pinili pa niya magsuot ng hindi angkop sa kanya.
Nah,komportable siya sa ganun klase mga damit. Yung bang lumang-luma na tapos may butas-butas na maliit yung tela. Gustong-gusto niya ang ganun style.
Wala naman sila magagawa dahil style niya iyun. Sabi nga ng kaibigan si Francisco, that's her fashion a being simple mas lalo nakikita ang kagandahan.
Naman!
Hindi niya dinala ang bisekleta niya. Mas trip niya maglakad-lakad ngayon sa ilalim ng araw. Namiss niya na malanghap ulit ang usok ng mga sasakyan at ang init ng araw. Nakarating siya sa isang parke at may namataan siya mga nakatambay roon.
May mga kumpulan din mga magkakaibigan na lalaki at lahat nakatingin sa kanya. They are look amaze with her pero nagtataka kung bakit ganun siya manamit.
She look like a beggar!
Tsk,whatever!
Hindi lahat ng babae kailangan seksi ang suot para makakuha ng atensyon ng mga lalaki.
Yeah,right,Miss Palaboy..kaya nga hinabol ng apo ni Francisco dahil naakit sayo partida pa nakapampatulog ka na pumasok sa bar na yun!
Natawa siya sa sarili sa sinabi ng isip niya. Minsan naisip niya masarap din sa pakiramdam na kausap mo yung sarili mong isip.
Nang makahanap siya ng mauupuan agad na huminto siya. Sa ilalim ng puno ng narra siya pumuwesto na may concrete bench na nakatayo roon doon siya umupo sakto naman may namataan siyang nagtitindan ng sorbetes at muli nangningning ang mga mata niya.
Dalawang malaking icecream na nasa apa ang binili niya. Hindi talaga siya magsasawa sa paborito niyang icecream.
Paubos na niya ang isang hawak na icecream ng may batang babae na lumapit sa kanya. Madungis ito at base sa hitsura nito isa ito sa mga palaboy sa kalsada.
Agad na nakaramdam siya ng habag sa bata. Masyadong malambot ang puso niya pagdating sa mga tulad nito. Minsan naiinis siya sa mga magulang ng mga ito. Sana man lang huwag na sila mag-anak kung pababayaan lang ng mga ito ang mga bata sa kalsada at gumawa ng masama para lang mabuhay.
Ganito kasaklap ang buhay minsan ang tao na talaga ang gumagawa ng ipapahamak nila at ng mga anak nila.
"Gusto mo?"alok niya sa isa pang icecream na hindi pa niya nakakain.
Agad na tumango ang batang babae.
"Halika,upo ka sa tabi ko,"agad na anyaya niya rito na umupo sa tabi niya at agad naman tumalima para umupo sa tabi niya.
Sinubo niya ang natirang apa sa bibig niya at hinayaan niya nakaipit sa pagitan ng mga labi niya ang apa habang inaalalayan niya ang batang babae sa paghawak ng icecream. Baka malaglag pa nito. Ayaw niyang nagsasayang ng pagkain.
Pinagmasdan niya ang batang babae na mabilis na dinilaan ang patunaw ng icecream. Tila gutom na gutom ito.
Gusto niyang hanapin ang magulang nito para pagalitan dahil sa kalagayan ng bata. Paano na lang ang kinabukasan nito? Saan mapupunta ito pagtagal?
Nanatili ang mga mata niya sa bata na mabilis na napangalahatian ang hawak na icecream. Tumutulo na sa kamay nito ang icecream. Noon lang niya natanto marumi pala ang kamay ng bata.
Tumayo siya habang nasa bibig pa rin niya ang apa ng icecream at mabilis na tinawid ang kabilang kalsada kung saan may nakita siyang minimart.
Dumampot siya ng baby wipes tissue. Dumampot na rin siya ng tinapay at inumin para sa bata. Dinamihan na niya iyun para kung may kapatid pa ito may maibigay ito.
Nagtataka man ang cashier agad naman kinuwenta ang binili niya. Nagkibit siya ng balikat. Alam niya malayo sa hitsura niya ang pananamit niya.
"Ganda niya sana..."
Malakas niya iyun narinig kahit palabas na siya ng pintuan. Pabulong iyun sinabi ng babaeng Cashier.
She don't mine. May kanya-kanya naman ang lahat ng istilo sa pananamit at buhay.
Ang mga tao talaga. Masyadong judegmental!
Mabuti na lamang naroon pa ang batang babae.
"Wow! Ubos muna?! Halika,linisan natin ang kamay mo,"agad na binuksan niya ang biniling baby wipes para punasan ang kamay ng bata babae.
Nang malinis na niya ang mga kamay nito agad na iniabot niya rito ang isang plastik.
"Heto,iuwi mo sa inyo,pagkain yan.."aniya na agad na tinanggap ng batang babae.
Tumayo ang bata at tumakbo pero agad din natigilan at bumalik sa kanya.
"Salamat po,Ate!"mabilis nitong sabi sabay takbo.
Natawa siya. "Walang anuman! Ingat sa pag-uwi mo!"pahabol niyang sagot rito.
May ngiti sa mga labi niya na umupo siya muli sa bench. Nag-indian sit siya at dinukot ang dalang iphone at hinanap ang nakakalibang na games. Saka na siya aalis kapag nainip na siya.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...