Isang linggo na mula ng umalis si Miad para sa huling assignment nito sa trabaho at hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala ang kaba at pag-aalala sa puso ni Khalif. Hindi naman ito maaari kumontak sa kaniya dahil ikapapahamak nito iyun lalo na sa kanila mag-ama.
Marahas na napahilamos sa mukha si khalif. Isang gabi na naman ang nagdagdag na wala sa tabi nila ng kanyang anak ang ilaw ng tahanan nila. Isang gabi na naman na hindi siya makakatulog ng maayos sa kakaisip kung ano na ba ang kalagayan nito.
"Dad?"
Agad na natigilan siya ng marinig ang malumanay na boses ng anak. Nakapantulog na ito ng puting nightdress at kipkip ang kulay utim na teddybear na nakatayo sa bukas na pintuan ng silid nila ng mag-asawa. Hindi niya naramdaman ang anak marahil okupado masyado ng pag-aalala para sa asawa ang buo niyang pagkatao.
"Hi,sweetheart,"pagngiti niya sa anak.
Pumasok ito at hinintay niya na makalapit ito sa kanya. Umupo siya sa paanan ng kama at huminto naman ito sa harapan niya. Nakangiti na tinitigan niya ang napakaamo mukha ng anak. Ang kamanghang-mangha kulay ng mga mata nito na siya lalo nagpapatingkad sa kagandahan ng mukha nito.
"Hindi ka pa natutulog?"turan niya sa anak.
Mariin na nakatitig sa kanya ang kulay ube nitong mata na animo'y binabasa nito ang isip niya.
"Mula ng umalis si Mama lagi kayo ganito,"sagot ng anak.
Napabuntong-hininga siya. Nakalimutan niya malakas ang pakiramdam nila.
"I'm sorry,sweerheart.."aniya saka masuyo hinaplos ang mahaba nitong buhok.
"I'm just worried about your mom,sweetheart..hindi ako mapapalagay hanggat hindi nakakabalik ang Mama mo,"saad niya.
Umangat ang braso nito at dumantay ang maliit nitong kamay sa kabila pisngi niya. Sa malambot na palad ng anak tila hinawi niyun ang nararamdaman pangamba at pag-aalala sa puso niya.
"She promise to us na babalik siya..huwag ka na po mag-aalala,"malambing nitong sabi.
Nakangiti na niyakap niya ang anak. "Yes,sweetheart..thank you for comforting your dad,"madamdamin niyang sabi habang nakapikit ang mga mata. Dinadama ang maliit na katawan ng anak.
Kinaumagahan,namulatan niya na magkatabi sila natulog ng anak. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya ng mamulatan ang anak na mahimbing pa rin natutulog. Maingat na pinatakan niya ng halik ang nuo ng anak saka dahan-dahan umalis ng kama upang maghanda ng kakainin nila mag-ama.
Nasa hapag-kainan na sila mag-ama ng maramdaman nila ang pagdating ng pamilyar na presensya.
"Magandang umaga sa inyo!"pagbati ni Simon sa kanila mag-ama.
"Napadaan ka?"untag niya rito.
Nagkibit ito ng balikat saka isinandig ang kabila balikat nito sa hamba ng pintuan.
Nang makita ubos na ang inumin ng anak agad na sinalinan niya iyun. Nilingon niya si Simon na hindi sumagot sa tinanong niya.
"What?"sita niya rito.
Napabuga ito ng hininga.
"Wala kami balita kay Boss,"saad nito sabay sulyap sa anak niya.
Agad na natigilan siya sa sinabi nito.
"What do you mean?"
Umayos ito ng pagkakatayo saka sumulyap muna sa anak niya na patapos ng kumain bago nito binalik sa kanya ang tingin.
Hindi nito gusto sabihin na naroon ang kanyang anak.
"Your talking my mom,i want to hear it.."turan ng kanyang anak.
Namamanghang napatitig si Simon sa anak niya saka ito napailing.
"Kahapon kami nawalan ng kontak sa kanya. Hindi kami sigurado kung sinadya ba niya o...may nangyari sa kanya para mawala ang contact namin sa kanya,"simula nito.
Nagsimula ng umusbong ang kaba sa puso niya.
"Wala ba kayo back-up? I know na expected niyo na may ganyan mangyayari?"pigil-pigil niya ang sarili na wag madala ng emosyon.
"Meron..pero kahit yun pumalpak din,"anito na kinapikit niya ng mariin.
No,please,baby..keep safe wherever you are.
"So,anong purpose para sabihin samin ni Daddy tungkol sa sablay niyo trabaho?"
Agad na napamulat siya ng mga mata ng marinig ang sinabi ng kanyang anak.
Nalakaseryoso ng mukha nito. Ang maamo nito mukha ay nabahiran ng tapang.
Isang tikhim ang nagmula kay Simon. Napabaling siya rito at kita niya ang pag-aalangan ng titig nito sa kanya.
"Kapag...kapag may pangyayari ganito. Asahan na..maliit ang tsansa na..na makabalik pa,"saad nito sa boses na puno ng pag-iingat at pag-aalangan.
Mariin niya naikuyom ang mga palad.
This is no fucking way!
His wife promise to him!
Nangako ito na babalik sa kanila mag-ama na buhay ito!
No!
She's can't!
"Matagal mo na siya nakatrabaho. Ikaw ang nakakaalam kung ano ang kakayahan niya,"mariin niyang sabi.
"Tama ka..."sagot nito saka humakbang palapit sa kinauupuan nila mag-ama.
May nilapag ito sa harapan niya at ganun na lang ang pag-awang ng mga labi niya ng makita na singsing iyun ng asawa.
"It's Mama's ring!"bulalas ng kanyang anak.
"Sa pamamagitan ng isang uwak ipanadala yan sakin,"saad ni Simon.
Tila nabingi siya habang nakatitig lang sa singsing na nasa harapan niya.
"Nang...nang makita ko yan..may bahid ng dugo, "dagdag nito na mas lalo nagpabingi sa kanya.
"No. It's can't be! Your lying!"mariin at pagtaas ng boses niya bulalas ng makabawi sa sarili.
"Yes,sana nga isa lang kasinungalingan lahat ng ito at ipinadala niya ang singsing na yan,"mahina sagot ni Simon.
Nagsimula manlabo ang mga mata niya. Narinig niya ang mahinang paghikbi ng anak.
"No..hindi. Babalik siya samin! Babalik siya ng buhay samin!"pagtaas ng boses niya. Hindi matanggap ang natanggap na balita.
Padarag na tumayo siya dahilan upang matumba ang upuan na kinauupuan niya at sinunggaban si Simon na nanatiling tahimik lang.
"Ang sabi mo nawalan kayo ng kontak sa kanya?! Napakairesponsable niyo naman! Hinayaan niyo mag-isa si Miad sa misyon yun?! Hindi pa siya patay! Kaya manahimik ka!"puno ng galit na sigaw niya rito.
"Umaasa din naman ako na buhay pa siya,Khalif..pero ang ipadala ang wedding ring niyo a--"umiling ito at hindi na tinuloy ang sinabi.
Umangil siya rito at padarag na binitiwan ang harapan ng damit nito.
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at kinalma ang sarili. Tahimik na umiiyak ang kanyang anak.
Nang mahimasmasan kaagad na dinaluho niya ang anak saka ito pinatahan.
"Tahan na,sweetheart, your Mom will be okay,hmmm?"pagpapatahan niya sa anak.
"Last night,I'm dreaming Mom..and She's crying.."umiiyak na usal ng anak.
Humigpit ang yakap niya sa anak at pilit na pinatatag ang sarili.
Nasa in-denial stage pa siya. Hindi pa nagsisink in ng tuluyan pa sa isip niya ang lahat.
Hindi.
Babalik ito ng buhay at humihinga pa sa kanila mag-ama. Umaasa siya.
Please,baby..come back to us now.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...