Sa isang madilim at hindi pamilyar na lugar may kung mabigat at malamig sa pakiramdam ang nararamdaman ni Khalif habang nakatayo lamang siya roon at hindi niya alam kung paano siya napadpad roon.
"Miad?!"pagsambit niya sa pangalan ng kasintahan. Ito ang una niyang naisip na tawagan. Magkasama ba sila sa lugar na ito o mag-isa lamang siya?
Halos mahilo na siya kakaikot pero hindi naman siya makaalis sa lugar na iyun. Nagsisimula na siyang kabahan at mangamba. Ano ba ang ginagawa niya sa lugar na ito?
"Miad?!"muli niya pagtawag sa kasintahan.
Napaigtad siya ng makarinig ng kaluskos. Pinakiramdaman niya ang paligid. Malakas ang kabog ng dibdib niya at masama na ang pakiramdam niya. Nahigit niya ang hininga ng mas malakas na ingay na ang kumuha ng atensyon niya.
Napadaing siya ng bigla siya makaramdam ng sakit ng ulo. Nagsisimula na rin siya pangatugan ng katawan dahil mas lalong lumamig ang paligid.
"Sino yan?!"
Papalapit na sa kanya ang ingay. Mabigat na yabag.
"Sino yan?! Magpakita ka!"
Sa kabiglaan hindi niya napaghandaan ang pag-atake ng kung anoman sa kanya na siyang kinasadlak niya sa malaking puno. Napadaing siya sa sakit at nanuot sa kanyang ilong ang malansang amoy ng...dugo.
Nanghilakbot siya ng makita ang isang pares na mga mata na kasing itim ng gabi. Ang dalawang matulis na pangil nito ay may bahid ng dugo pati na rin sa paligid ng bibig nito pero ang mas nagpahilakbot sa kanya ay ang makilala kung sino ang nakakatakot na nilalang sa harapan niya.
"M-Miad...?"
Mas naging mabangis ang anyo nito na siyang nagpakilabot sa kanya. Sa nakikita niyang bangis nito ay alam niyang hindi siya nito kinikilala.
Pumunit ang nakakakilabot na angil nito sa paligid at huli na ang lahat para iligtas niya ang sarili mula sa mahalimaw nitong anyo.
"Hindi!!!!"pagsigaw ni Khalif na siyang nagpamulat sa kanyang kamalayan.
"Khalif?!"
Mabilis na napaigtad siya at lumayo sa tangka paglapit sa kanya ni Miad.
"Huwag ka lalapit!"sigaw niya rito. Habol niya ang hininga. Damn! He's dreaming,right?!
Natigilan ang dalaga at kitang-kita ang gulat nito sa ginawa niyang iyun.
Agad na nilukob siya ng konsensya sa ginawa niyang iyun pero...ramdam pa rin niya ang napanaginipan.
Her face. That monster.
Mabilis na bumalik sa alaala niya ang nakita niya ng gabing iyun.
"Khalif...."usal nito sa mahinang boses.
Marahas na napahilamos siya sa kanyang mukha. Padarag na umupo siya sa may paanan ng kama.
Doon lang niya natanto na pawisan siya.
Frustrated na napasabunot siya sa kanyang buhok. Gulong-gulo na siya. Gusto niyang malamang ang totoo sa tunay na pagkatao nito!
Nanatiling nakadistansya ang dalaga sa kanya pinakikiramdaman.
Humugot siya ng malalim na hininga saka niya binaling ang mga mata rito.
May pag-aalala na mababanaag sa maganda nitong mukha. Ang maganda nitong mukha na hindi niya nakita sa panaginip niya. Mabangis. Nakakatakot .
"O-okay ka lang ba?"nanantiya nitong tanong sa kanya.
Mariin na pinakatitigan niya ang dalaga. Pinuno niya ng hangin ang dibdib na malakas pa rin ang kabog.
"May gusto ka bang sabihin sakin?"bulalas niya.
Natigilan ito sa tanong niyang iyun pero hindi siya matatahimik kung hindi nito aaminin ang tunay nito pagkatao.
"May nililihim ka ba sakin...sa tunay mong pagkatao?"
Napaawang ang mga labi nito. Gulat at pangamba ang nakita niya sa mukha nito.
Naikuyom niya ang mga palad. Sigurado siya. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang naging reaksyon nito sa tanong niya.
"May nililihim ka ba sakin?"mariin niyang tanong muli ng hindi ito nagsasalita.
"Anong lihim ang gusto mo sabihin ko sayo?"anito sabay tawa sa dulo.
Hindi niya nagustuhan ang tinugon nito. Wala ito balak na umamin sa kanya?!
Nakangisi na lumapit ito sa kanya at naglalambing na yumakap patagilid sa kanya pero nanatili siyang seryoso.
"Ano bang napanaginipan mo?"nakangiti nitong tanong sa kanya.
Bumuntong-hininga siya saka siya tumayo at humarap rito habang ito naman nakaupo sa kama at nabahiran ng pag-aalala ang anyo nito.
"Maghahanda na ko maaga ang meeting ko ngayon,"malamig niyang sabi saka niya ito tinalikuran.
"O-kay,"marahan nitong tugon at randam niya ang pagsunod ng mga mata nito sa kanya.
Pilit na winawaksi niya sa isip ang napanginipan at ang nasaksihan niya ng gabing iyun pero alam niyang hindi siya patatahimikin niyun habang nasa ilalim ng dutsa ng tubig ay may isa pang alaala ang pumasok sa isip niya. Ang lumang painting kung saan nakita niya ang pamilyar na mukha roon.
Tahimik na nagpaalam sa kanya ang kasintahan ng makaalis na ito ay mabilis na hinalungkat niya ang nakatagong mga lumang larawan ng kanyang Tito Francisco. Nagkalat ang mga papel at kung ano-ano pa sa sahig kung saan nakatabi ang mga iyun ng sa wakas ay makita niya ang isang lumang photo album.
Isa-isa niya sinipat ang mga larawan roon hanggan sa mahinto ang mga daliri niya ng makita ang isang lumang larawan na katulad ng nakita niyang painting sa bahay ng kasintahan.
Nanginginig ang mga daliri niya na inalis niya iyun sa pinaglalagyanan at hindi makapaniwalang makita na parehong-pareho iyun sa painting. May napansin siyang nakasulat sa likod ng larawan iyun.
This memory that I'll never forget with my hero,my bestfriend and my beautiful monster...Miad.
Nanlaki ang ulo niya matapos mabasa ang nakasulat roon. Ang imahe ng kasintahan sa larawan na kasama ang kanyang Lolo Francisco sa imahe ngayon ng dalaga ay walang nagbago.
Hindi ito tumanda!
Kuha ang larawan iyun ilang dekada na!
Saka niya napagtagni-tagni ang lahat. Ang napanaginipan. Ang nasaksihan niya ng gabing iyun. Ang kakaiba nitong anyo. Ang nakasaad sa sulat mula sa sulat-kamay ng kanyang yumaong abuelo.
Pinatunay pa iyun ng pagsulat ng pangalan ng kanyang kasintahan.
Miad.
"It's real..."tuliro niyang saad habang nakatitig sa larawan na hawak niya habang nakasalampak sa malamig na sahig.
Isa lang ang paraan na naisip niya at iyun ay paaminin mismo ang kasintahan ng harap-harapan!
Agad na tinawagan niya ito at mabilis naman ito tumugon upang magkita sila sa lugar kung saan sigurado siyang mapipilitan itong umamin sa kanya sa tunay nitong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...