Chapter 17

705 55 4
                                    

"I'm sorry,"usal ni Miad habang nakamasid sa wala pa rin malay na si Khalif.

Nawalan ito ng malay dahil sa pagkakahulog nito mula sa kinakapitan nito upang makatakas sa palpak niyang plano. Yes,palpak dahil hindi niya inaasahan na tatakas at ibubuwis nito ang buhay para lang makatakas sa kanya.

Guilty as charge.

Pero hindi naman niya alam na mautak ang binata. Sino ba naman kasi magtatangka na babain ang napakataas ng bangin na kinatatayuan ng bahay niya?

He so brave.

Mangha pa rin siya sa kabila ng guilt na nararamdaman niya.

Sorry,baks...peace na tayo..

Paniguradong nag-aalburuto na sa galit ang yumaong kaibigan niya sa kalokohan niya.

Mayamaya pa ay unti-unti nagmulat ng mga mata ang binata. Hindi mapokus ang mga mata nito na tila may kung ano itong hinahanap hanggan sa magtagpo ang mga mata nila.

Kinakabahan siya..ang emosyon na ito lamang ang nagpaparamdam sa kanya.

"Hi.."mahina niyang usal. Tinatantiya kung tuluyan na nga ba ito nasa huwisyo.

Hindi kumukurap ang mga mata nito na tila ba kapag kumurap ito ay mawawala ang nakikita nito.

"Khalif,"sambit niya sa pangalan nito na siyang nagpakurap rito saka mabilis na napabalikwas sa pagkakahiga.

"M-Miad?"hindi makapaniwala nitong turan.

Agad na tumango at nginitian niya ang binata.

"Oo,ako nga,"tugon niya rito.

Titig na titig ang mga mata nito sa kanya na tila ba hindi siya totoo nasa harapan nito. May makikitang duda sa mga mata nito.

To prove him that she's real. Inilapit niya ang mukha rito at mariin na hinalikan niya ang mga labi nito. Nahigit nito ang hininga ng maglapat ang mga labi nila at napangiti siya sa mga labi nito ng unti-unti gumalaw ang mga labi nito hanggan sa ito na ang nagkontrol sa paglapat ng mga labi nila. Namalayan na lamang niya na nakaakla na siya sa kandungan nito. Saka lamang naghiwalay ang mga labi nila ng pangapusan na sila ng hininga.

Kapwang namumungay ang mga mata nila habang magkadikit ang kanila mga noo.

"Miad..a-akala ko nanaginip ako,"hingal nitong usal.

"Namiss mo ba ako?"

Suminghap ito saka mahigpit na niyakap siya at sinubsob ang mukha nito sa pagitan ng leeg at balikat niya at suminghap roon ng hininga.

"Damn...bakit ngayon ka lang nagpakita sakin,"may hinanain nitong usal sa balat niya.

Napakagat tuloy siya sa gilid ng labi niya.

Nag-inarte kasi siya at di lamang yun may gusto siyang patunayan mula rito.

Hinaplos niya ang likod ng ulo nito.

"I'm sorry,"saad niya na nagpaangat ng mukha nito sa kanya.

"Sorry for what?"anito.

Masuyo niyang hinaplos ang magaspang nitong pisngi dahil sa papatubong balbas nito.

"Sorry kasi nagpamiss ako,"aniya.

"You mad at me,"anito. "Hindi mo man lang hinayaan na makapag-explain ako ng gabing iyun.."

"Sobra kasi nagselos ako,"pag-amin niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binata na kinangisi niya.

"Hindi ko gusto na makita kang may kausap na babae o hawakan ka.."

"Nagseselos ka?"hindi makapaniwala nitong sabi.

"Sa tingin ko iyun ang tawag sa inasal ko,tama?"aniya.

Humigpit ang yakap nito sa kanya saka muli sinubsob ang mukha nito sa leegan niya.

"Damn! Pareho pala tayo nagseselos sa isa't-isa, "anas nito sa balat niya.

Napangisi siya sa sinabi nito.

"Ibig bang sabihin niyun pareho tayo ng nararamdaman?"pagtatanong niya na gusto niyang masagot nito na gusto niyang malaman.

Hinarap siya nito at mariin na tinitigan siya.

"Ang totoo hindi ko aakalain na...mararamdaman ko yun..para sakin isa lang laro yun kaya marami ako nasaktan at...ikaw ang naging karma ko..ikaw ang nagparamdam sakin nito,"saad nito.

Lumaki ang pagkakangisi niya.

"You love me?"

Hindi kaagad umimik ang binata pero nasa kanya ang mga mata nito.

"Mahal kita...ikaw ba? Mahal mo ako?"

Ipinikit nito ng mariin ang mga mata nito saka muli sinubsob ang mukha sa leegan niya.

"Shit,hindi ko minsan naisip na magmamahal ako..damn! Yes! Mahal din kita! Mahal kita!"wika nito sa leegan niya.

Tumawa siya. She's just so happy to hear that word from him na siya naman talaga gusto niyang marinig mula sa taong na kailanman ay hindi niya inisip na magmamahal siya sa uri nito.

Tiningala siya ng binata na may kunot sa noo.

"Tinatawanan mo ako?"sita nito.

Nanggigil na hinalikan niya ang mga labi nito saka mabilis na pinutol niya agad ang halik.

"Masaya kasi ko! Kinikilig nga ko eh!"

Agad naman nagbago ang sama ng tingin nito sa kanya.

"So? Hindi na tayo fling ganun?"

Muli nagkunot ito ng noo. "No,no..we're officially in relationship now,"mariin nitong sabi.

"Boyfriend na kita for real. Sa interview mo nakaraan  ginirlfriend mo na ko ah?!"

Nanlaki ang mga mata nito. "Well,hindi ko naman maiideny na...mahal na kita,"anito na siyang lalo nagpasaya sa kanya.

"Aww,you're so sweet!"

Natawa siya ng sumimangot ito saka iniwas ang mga mata sa kanya.

Pagkaraan nanatili sila yakap ang isa't-isa hanggan sa umimik muli ang binata.

"Hindi ko matandaan...paano ako napunta dito?"tanong nito pagkaraan saka nilibot ang mga mata sa kabuoan ng silid na kinaroroonan nila.

"Is this your house?"pagbalik ng mga mata nito sa kanya.

"Sinundo ka ni Simon..uh,sa opisina mo siguro sobrang pagod mo kaya hindi mo na nakayanan nawalan ka ng malay,"pagsisinungalin niya.

Nagsalubong ang makakapal nitong kilay kasabay ng pagkunot ng noo nito.

"For real?"duda nitong sabi. Malalim pa rin ang kunot ng noo.

"Oo. Akala mo hindi ko alam na nagpapakalunod ka sa trabaho mo. Syempre alam ko ako ang dahilan niyun,napapabayaan mo na sarili mo,"aniya na hinimigan niya ng paninermon.

I'm lying..tsk,not good.

Napabuga ito ng hininga.

"Bigla ka na lang nawala kasi,alam mo na ngayon  kung bakit,"anito.

Nginisihan niya ang binata.

"Yes...and babawi ako sayo ngayon magkasama na tayo ulit,"aniya.

"Talaga?"

"Yes..kaya magleave ka muna sa work mo ng mga ilang araw saka tayo babalik sa condo mo?"

"Yeah,gusto ko yan,"agad nitong sagot.

"Well,gusto mo bang makita kung nasaan tayo?"

Ibinaling nito ang tingin sa nakabukas na balkonahe ng silid niya.

"Kanina ko pa naririnig na may hampas ng alon,"saad nito.

"Yeah,ito ang pinakapaborito kong lugar kaya dito ako nagtayo ng bahay,"may pagmamalaki niyang sabi.

"Okay,gusto ko makita ang labas,"anito saka nakaalalay sa kanya sa pagbaba nila ng kama.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon