Chapter 4

857 62 7
                                    

He's fucking bored while he listening to his friend talking on the phone. Sinabayan pa ng nakakatamad na araw ang traffic.

"Malapit ka na ba,Pre?!"

Bumuga siya ng hangin at nagmenor ng makita ang pagpula ng stoplight.

"Anong gusto mo paliparin ko itong kotse?"sarcastic niyang tugon sa kaibigan.

Tinawanan naman siya nito na nasa kabilang linya pa rin.

"Ang aga-aga bad mood ah! Chill lang,Pre! Promise kapag nandito na mga chikababes! Sisigla ka na!"natatawang tugon nito sa kanya.

Napailing na lamang siya. "Fuck off,June..come on,lalo mo lang pinapapanget ang araw ko,"mariin niyang sabi na muli kinatawa ng kaibigan.

"Tsk. Tsk! Sige na,bilisan mo ah!"

Hindi na siya sumagot.

Hindi niya alam kung bakit ganito siya. Tila may gusto siya na kinangitngit niya at naramdaman niya iyun nang hindi niya naabutan ang babaeng hinabol niya sa bar.

Damn that girl!

Siya ang dahilan kung bakit wala siya ngayon sa mood. Hindi niya rin maintindihan kung bakit kailangan pa niyang isipin ang babaeng iyun.

Marahas siya napahilamos ng mukha at agad na natigilan ng may mahagip ang mga mata sa kabilang kalsada.

Agad na nagreak ang nasa ilalim ng dibdib niya pati na rin ang nasa ibaba bahagi ng katawan niya.

Damn!

That's her!

Sigurado siya. Malinaw pa ang mga mata niya kaya hindi siya nagkakamali ang babaeng nakikita niya ngayon ay ang babae na hinabol niya sa bar! Naka-indian seat ang babae habang abala ito sa hawak na celpon nakaupo ito sa concrete bench sa ilalim ng punong Narra.

Nagkagulo na ang lahat sa kanya. Hindi niya maalis ang mga mata sa babae. Napamura siya ng malakas ng may bumisina sa likuran niya at noon lang niya natanto na naka-go signal na pala.

"Damn it!"halos natataranta na pinausad niya ang kotse na hindi inaalis ang tingin sa kabilang kalsada.

Muli bumisina ang nasa likuran niya marahil ay nabagalan sa pag-andar ng kotse niya.

"What the fuck?!"pagmumura niya at walang nagawa kundi pausadin ang kotse ng hindi binubusinahan ng nasa likuran niya. Kailangan niyang makahanap ng mapaglilikuan upang mapuntahan ang babae.

"Hell,wag ka ngayon mawawala,"bulalas niya at hindi na mapakali habang palinga-linga kung saan may maaari siyang paglikuan at hindi naman kalayuan may nakita siyang u-turn kaya agad na pinabilis niya sasakyan.

Mabilis ang tibok ng puso niya. Kani-kanina lang wala siya kabuhay-buhay ngayon para siya hinahabol ni kamatayan para lang mailigtas ang buhay niya!

That's pathetic,alright!

Ganun ang nararamdaman niya ng makita niya ang babaeng iyun!

Ito din ang  dahilan kung bakit wala siya sa mood pagkatapos ng gabing iyun tapos ngayon nakita niyang muli ito nabuhayan muli siya!

What the hell is happening to him?

Ano bang meron ang babae iyun kung bakit siya nagkakaganito?

You desire her..untag ng isip niya.

Napamura siya sa isip. Kahit kailan hindi siya naghabol ng babae!

Damn her!

Agad na pinarada niya ang kotse kung saan nakita niya ang babae at mabilis na bumaba pero ganun na lang ang pagkadismaya niya ng wala na doon ang babae.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon