Chapter 33

517 46 5
                                    

"Okay lang ba sayo na si Mama ang magplano ng lahat para sa kasal natin?"untag ni Khalif kay Miad. Agad naman bumaling sa kanya ang magandang mukha ng asawa. Yes. His wife. Hindi pa rin siya makapaniwala na apelyido na niya ang dala nito. Humigpit ang yakap niya rito mula sa likuran nito ay yakap niya ito habang nakaharap sila karagatan na tanging liwanag lang ng buwan ang siyang panglaw. Napakaganda ng tanawin ang kalmante dagat ay mistula naging salamin kung saan nagrireflect ang buwan mula sa kalawakan.

Ngumisi ito. "Nakakahiya man aminin wala talaga ako ideya pagdating sa motif ng kasal,"anito sa himig na nahihiya.

Napaangat ang isa niyang kilay. "Like..you didn't expect na magpapakasal ka?"aniya. Napakagat ito sa labi saka tumango.

Suminghap siya saka pinatong ang baba niya sa balikat nito at tumitig sa malapusa nitong mga mata. "I'm so fucking lucky huh.."saad na kinatawa nito ng mahina.

"Yes,sobra swerte mo talaga sakin,"anito sabay ngisi sa kanya. Hindi na niya napigilan ang sarili na hagilapin ang mapupula nito labi. Mariin at sabik. Kapwa habol nila ang hininga ng magparte ang kanila mga labi. Kapwa din namumungay ang kanila mga mata.

"Mahal na mahal kita.."anas niya.

"Mas mahal na mahal kita,"agad na tugon nito sa kanya.

Kinabukasan,hindi na niya namulatan sa tabi niya ang asawa. Agad na napabangon siya at hinanap sa buong kabahayan ang asawa.

Sa tangka niya paglabas ng bahay ng matigilan siya ng makita ang isang babae na nakatalikod sa kanya na nakatayo sa harapan ng bahay.

"Excuse me?"untag niya sa babae. Dahan-dahan naman ito pumihit paharap sa kanya at agad na nakilala kung sino ang babae.

Agad na nakaramdam siya ng kaba ng masalubong ang blanko at walang emosyon na mga mata nito.

Tumikhim siya upang pagaanin ang sarili.

"Inaasahan ka ni Miad,tama?"pananantiya niyang tanong rito.

Malalim at mariin na nakatitig sa kanya ang mga mata nito.

"Amjad,"pagtawag ng boses na iyun sa kaharap niya.

Sabay na nilingon nila ang pinagmulan ng boses na iyun at tila nakahinga siya ng maayos ng makita ang asawa. Agad na kumapit sa braso niya ang asawa habang may ngiti sa mga labi nito na hinarap ang kaibigan nito na wala pa rin emosyon na makikita sa mukha at mata nito. Tila ba isa itong buhay na patay.

"Naligaw ka ata dito?"untag ni Miad rito.

Hinalikan niya sa gilid ng noo ang asawa at pabulong siya nagpaalam upang hayaan mga ito makapag-usap. Maghahanda lang siya ng almusal nila.

Inabala niya ang sarili sa kusina ng makarinig siya ng malakas na galabog na kinatigil niya at agad na napalabas ng kusina upang tignan kung saan nagmula ang ingay na yun.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang dalawa babae na tila nagtatagisan ng tingin. Sukol ng asawa ang kaibigan nito na nakasadlak sa pader na halos bumaon na roon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"M-Miad...?"usal niya ng makabawi sa sarili.

Unti-unti binitawan nito ang kaibigan pero hindi naghihiwalay ang mga mata nito sa isa't-isa na tila ba sa pamamagitan niyun ay nag-uusap ang mga ito.

Humakbang siya upang lapitan ang kinaroroon ng mga ito.

"Isang kabaliwan ang gusto mo mangyari..patayin na lang kaya kita kaysa siya pa ang makapatay sayo?"mariin at puno ng pagbabanta nito sabi sabay baling sa kanya ang mga mata nito na ngayon ay may emosyon na makikita. Galit. Iyun ang emosyon na masasalamin sa mga mata nito.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon