Hindi niya maintindihan kung may pakielam ba sa kanya si Miad. Ilang araw na ito nagpaparamdam sa kanya. Ang mas nakakairita sa kanya ni hindi man lang ito magreply sa mga messages niya kapag tinatawagan naman niya ito out of coverage ang linya nito.
Saan na naman ba lupalop ito naroroon?
Bakit ang hilig nito biglang mawala? Wala man lang paalam sa kanya!
Damn!
Kalma ka lang,Khalif...fling lang siya sayo hindi ba? Bakit ganyan ka makaasta?!
Padarag na nilapag niya ang hawak na kopita sa counter kaya napalingon sa kanya ang katabi sa may bar counter. Mas mainam na dito siya sa lugar na ito magpalipas ng orad kaysa sa unit niya na mas lalo lang siya maiinis sa kakaisip sa babaeng iyun.
Atubiling lumapit sa kanya ang lalaking bartender. Mukha bago lang ito dahil hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito.
Tinanguan niya ito saka siya sinalinan muli ng alak sa kopita niya. Agad na dinala niya sa bibig ang baso. Sa mga gabing nagdaan na walang paramdam ang dalaga sa alak na lang niya dinadaan.
"Hi,khalif!"paglapit sa kanya ng isang babae.
Saglit lang niya ito nilingon at agad na binalik ang mata sa hawak na kopita na may natira pang alak.
Napahugot siya ng hininga ng humaplos ang kamay ng babae sa braso niya.
"Ang tagal kita hindi nakita,ah.."may lambing nitong sabi. Nanatili pa rin ang atensyon niya sa baso.
"Mag-isa lang ako ngayon,"usal nito sabay baba ng kamay nito sa hita niya at marahan na humahaplos dun. Kung hindi lang niya nakilala at nagkakaganito siya dahil sa babaeng iyun malaman papatulan na niya ito at makakaramdam na siya ng init pero masyado na ata siyang naalipin ng presensya ng dalaga.
Ito lang ang hinahanap-hanap niya. Ito lang ang kailangan ng katawan at isip niya.
Bago pa man gumapang sa pagitan ng hita niya ang kamay nito agad na hinawakan niya ang pulsuhan nito na kinatigilan ng babae.
Blanko at malamig ang mga mata na nilingon niya ang babae na inaakit siya.
"Leave me alone,"mariin niyang saad na kinalaki ng mga mata nito.
Kitang-kita sa mukha nito ang hindi pagkapaniwala sa inaakto niya.
"Go,"pagtataboy niya rito sabay bitaw sa kamay nito.
Dinaan ng babae sa tawa ang pagkapahiya nito pero hindi na niya ito pinag-aksayahan ng oras pa na lingunin.
"Jerk ka pa rin until now..pagkatapos mo pagsawaan at lawayan ipagtatabuyan na kaagad,"may pait na saad nito.
Hindi niya initindi ang sinabi nito. Nilagok niya ang natirang alak sa baso niya saka padarag na tumayo sa kinauupuan niyang bar stool.
Deretso lang ang hakbang niya palayo sa bar counter na hindi sinusulyapan ang kabitter-an ng dating ka-fling niya.
Hindi pa man siya nakakarating sa exit ng mahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na mukha. Nasa isang sulok ito at may dalawang babae na katabi ito sa magkabilang gilid. Kitang-kita ang paghahagikhikan ng dalawang babae.
Tinungo niya ang kinaroroonan nito at palapit pa lamang siya ng madako ang mga mata nito sa kanya.
Damn him.
Nang makita niya ito lumabas sa unit ni Miad. Agad na nilukob siya ng galit...o selos?
Ngunit sinabi nito na katrabaho lamang ito ng dalaga pero hindi kumalma ang sarili niya. Gusto niya manakit ng mga oras na iyun.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...