Chapter 41

430 35 2
                                    

Larawan ng kanyang mag-ama sa kanyang isipan ang siya na lamang kanyang kinakapitan upang huminga at lumaban. Patay na patay na ang pakiramdam niya. Puno ng sugat at amoy sunog na balat na ang buo niyang katawan.

Patuloy pa rin ang mga ito sa pagtortured sa kanya. Akala niya ang lalaki iyun ay tutulungan siya makalabas sa impyerno silid na ito pero pinaasa lang siya nito o talagang mamatay muna talaga siya bago makalabas rito?

Hindi na niya maramdaman ang sarili katawan.

Kailangan niya ng dugo. Nauuhaw na siya. Uhaw na uhaw na siya.

Bumukas ang pintuan. Oras na naman para pahirapan siya.

Hindi siya gumalaw o kahit pakiramdaman ang pumasok dahil alam niya na iisa lang ang pumapasok sa silid na iyun. Ang nagpapahirap sa kanya.

She want to kill him!

Makalaya lang siya sa pagkakagapos. Ito ang una niyang papatayin. Nasusuka siya kapag naalala na isang beses itong nagmusterbate sa harapan niya habang nakatutok sa kanya ang mga mata nito.

Wala na siya saplot natatakpan lang ng mahaba buhok niya ang kanyang dibdib at ang pababa niya di naman niya hinahayaan na makita dahil pilit niya kinukubli yun gamit ang mga hita at pagluhod sa sahig.

Inihanda na niya ang sarili sa muli pagpapahirap sa kanya.

Napasinghap siya ng may malamig na bagay ang dumapo sa bibig niya. Agad na nalanghap niya ang amoy ng dugo.

Awtimatiko sumilay ang kanyang mga pangil at pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata.

Hinayaan siya ng may hawak ng lalagyan iyun na inumin niya ang dugo mula roon. Uhaw na uhaw siya. Tila siyang aso na sabik na sabik na makainom at mabasa ang lalamunan niya.

Isang angil ang umalpas sa bibig niya na nababahiran ng dugo. Nauuhaw pa siya. Kailangan pa niya ng dugo na mapupunan ang pagkauhaw niya.

Napaangil siya ng may lumapat na kamay sa panga niya at itiningala nito ang mukha niya.

"Ikinubli ko lang yan para makainom ka,"anito sa malalim na boses.

Ang lalaking nakausap niya na nagsabing ex ito ng isa sa kaibigan niya.

Hindi niya magawa ibuka ang mga bibig. Pakiramdam niya nakalimutan na niya magsalita kaya gamit ang isip niya ito kinausap.

"Mamatay lang ako makakaalis ako dito..bakit ginagawa mo'to?"

Malalim na titig ang pinukol nito sa kanya. Ang kulay abo nitong mga mata ay unti-unti nagdidilim habang tumatagal na tumititig ito sa kanya.

Mayamaya unti-unti ito umuklo palapit sa kanya at itinapat ang bibig sa kanan tainga niya.

"Nabago ang plano,"anito.

"Ayokong umasa sayo,"sagot niya. Galit siya rito. Kung gusto siya nito tulungan bakit kailangan pa patagalin.

Matalim na titig ang pinukol niya rito.

Ngumisi ito saka umayos ng pagkakatayo. Namulsa ito sa suot nitong fitted jeans.

"Aww,nakipagdeal pa naman ako kay Lolo,"anito. "Kapag naipanalo niya hanggang sa huling round ikaw ang kapalit gaya ng napagkasunduan nila,"patuloy nito.

"Anong round? Anong ako kapalit?!"

Ngumisi ito saka may dinukot sa likod ng pantalon nito.

Isang celpon at may kung ano ito tinipa roon saka inilahad sa harapan niya ang hawak nitong aparato na siyang nagpalaki ng mga mata niya kahit ang ulo niya tila lumaki roon ng makita kung ano ang nasa screen ng celpon nito.

Hindi!

Hindi. Hindi. Hindi.

Hindi niya namalayan may mga luha na pala tumulo sa mga mata niya. Tila dinudurog ang puso niya ng makita kung paano halos mapatay ng malaking lalaki ang kanyang asawa sa loob ng ring ba gawa sa nakakapasong rehas.

"Bakit kailangan niyo idamay ang asawa ko?!!!"

Hindi niya alam kung paano niya naikilos ang sarili para magwala at magpumilit na sunggapan ang lalaki sa harapan niya.

Galit na galit siya.

Hindi siya makakapayag na idamay ang asawa niya. Bampira man ito ngayon isang mahinang klase lang ito dahil hindi naman ito sanay sa ganun pakikipaglaban.

Patuloy sa pagbuhos ang mga luha niya habang nagpupumiglas mula sa pagkakadena niya.

"Naipanalo niya ang unang round at mamaya ang pangalawa paghaharap,"saad nito na lalo nagpabaliw sa kanya.

Mabangis na angil ang itinugon niya rito. Marahil sa nainom na dugo kaya nagawa niya maikilos ang katawan kahit wala naman siya maramdaman.

Pabalya na bumukas ang pintuan at ang lalaking nagpapahirap sa kanya ang nagkukumahog na lumapit at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng nag-aalab na bakal.

Nanatiling nakatayo sa harapan niya ang lalaki at pinagmamasdan siya mula sa pagwawala hanggan sa isang daing ang kumawala sa kanya ng lumapat sa balat niya ang nag-aalab na bakal na iyun.

Singhap at angil ang kumawala sa mga labi niya hanggan sa mapaluhod na naman siya sa sahig.

"Hindi pa ko tapos makipag-usap sa kanya. Lumabas ka,"mariin na utos nito sa lalaki. Mahihimigan ang mapanganib na babala sa boses nito.

Agad naman lumabas ang lalaki sa nagmamadaling hakbang.

Hindi siya gumalaw ng may kung anong tumaklob sa katawan niya. Hindi niya pinagkaabalahan na sulyapan ito habang may kung ano binubuhol ito sa bandang leegan niya.

"Alam ko ipapanalo niya ang laban para sayo,"anito saka humakbang palabas ng silid na iyun.

Sa pagsara ng pintuan agad na bumuhos muli ang mga luha sa mga mata niya. Malinaw pa rin sa isipan niya ang nakitang eksena na pakikipaglaban ng asawa niya.

Paano kung hindi nito kayanin?

Hindi niya gusto mapatay ito!

Hindi!

Siya na lang mamatay huwag lang ito.

Kasalanan niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili hanggat nabubuhay siya kapag nawala ito sa kanya.

Ang anak nila?

Hindi siya mapapatawad ng anak niya kapag nawala rito ang ama nito.

Hindi.

Bakit?

Bakit hinayaan ng mga kaibigan niya ang asawa na gawin ito?!

Bakit?!

Napuno ng galit muli ang puso niya. Oo. Nagagalit siya sa dalawa niyang kaibigan na hayaan ng mga ito ang asawa niya isugal ang buhay nito para sa kanya.

Wala ba ito mga pakielam sa nararamdaman niya?!

Wala ba ito ginagawa para iligtas siya?!

Pigilan ang asawa niya?!

Hindi niya mapapatawad ang mga ito at gayun din ang kanyang sarili sa oras na mawala sa kanya si khalif.

Handa naman na siya mamatay pero ang magbuwis ng buhay ang mahal niya sa buhay hindi niya kakayanin. Mas doon siya natatakot kaysa ang mamatay siya.

Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon