"Yes,Mom..uuwi po kami kaagad kapag naging okay na lahat. Marami pa dapat tapusin ang asawa ko before our wedding,okay?"tugon niya sa kanyang ina na maraming beses ng tumatawag upang pag-usapan ang tungkol sa kasal nila ni Miad sa simbahan. He make a lot alibi upang mapanatag ang ina at hindi ito magduda.
Napabuntong-hininga siya ng matapos ang tawag ng ina. Tinanaw niya ang tahimik at tila walang hanggan na mga puno na nasa harapan niya. Isang linggo na ang lumipas mula ng dumating sila sa lugar na ito. Ang lugar na pag-aari ni Amjad;ang kaibigan ng kanyang asawa. Isang labatoryo na tinayo sa gitna ng kagubatan.
Sa kinaroroonan niya ngayon ay ang tinutuluyan niya habang nasa kabilang dako naman naroroon si Miad. Ilang araw na rin hindi niya nakikita ang huli para na rin sa kaligtasan niya..ng kanyang mag-ina. Miss na miss na niya ito pero hindi niya maaari ito makita hanggan sa maisilang ang anak nila na ayon kay Amjad.
Nauunawaan naman kung bakit pero hindi maiialis ang pangamba at pag-aalala niya kung ano na nga nangyayari rito.
Napukaw siya ng may matanaw na bulto. Si Amjad.
Seryoso at wala emosyon pa rin ang anyo nito. Agad na sinalubong niya ito. Sabik siya malaman kung kamusta na ang kaibigan nito.
"How is she? Okay lang ba siya?"agad na bungad niya rito.
Hindi ito umimik na nagpakaba sa kanya.
"Amjad. How is she?"muli niya tanong rito.
"She's fine..inutusan lang niya ko na sabihin sayo na...wag ka masyado mag-alala para sa kanya,"sagot nito sa wakas na nagpawala ng kaba sa kanya.
"Hindi ko pa rin ba siya pwede makita?"panunubok pa rin niya kahit makailang beses na rin niya sinubukan pakiusapan ito.
Dumiin ang walang emosyon nito mga mata sa kanya. "Kung gusto mo maging maayos ang mag-ina mo sumunod ka na lang kung ano ang makakabuti,"matigas nitong sabi.
Naikuyom niya ang mga palad. May gumugulo sa isip niya.
"Amjad. Hindi sapat sakin na malaman na okay lang siya sa tuwing tinatanong ko kung ano na ang lagay nila..ng mag-ina ko. Hindi ko pa rin lubos maunawaan kung bakit hindi mo ko magawa payagan na makita sila kahit saglit lang,"matapat niyang sabi rito.
Gusto niya pa rin subukan na kumbisihin ito na payagan siya na makita ang mag-ina niya.
"Kung hindi mo kayang sumunod sa sinasabi ko. Umalis ka na lang. Kaya kong alagaan at bantayan si Miad ng mag-isa.."mariin nitong tugon sa kanya.
Napatiim-bagang siya sa sinabi nito.
"Asawa niya ko,"mariin niyang sabi.
Nakipagtagisan naman ito ng titig sa kanya.
Hindi siya natinag ng humakbang ito palapit pa sa kanya. Nagyeyelo sa lamig ang titig na pinupukol nito sa kanya.
"Handa ka bang ibuwis ang sarili mo buhay para sa kanila?"malamig na sabi nito.
Hindi siya nakaimik sa tanong nito. Tumiim ang mga malamig nitong tingin sa kanya.
"Kung hindi ka handa sa posibilidad na mangyari sa mag-ina mo. Ngayon pa lang mag-isip ka na kung kaya mo panindigan ang pagiging asawa mo...lalo na ang pagmamahal mo sa kaibigan ko,"saad nito na may himig na panghahamon.
"You don't know me,"mariin niyang tugon rito.
"Ipapaalala ko lang ulit sayo kapag may masama nangyari sa kaibigan ko. Ako na mismo tatapos sa buhay mo,"puno ng pagbabanta nitong sabi saka mabilis na tinalikuran siya.
Naiwan siya na binalot na ng pangamba at pag-aalala pero hindi siya natatakot na totohanin nito na tapusin ang buhay niya para sa mag-ina niya.
Naikuyom niya ang mga palad. Handa siya ibuwis ang buhay niya para sa mag-ina niya. Hindi man niya lubos maunawaan ang ibig sabihin nito sa sinabi nito iyun kung handa ba niya ibuwis ang buhay niya hindi siya magdadalawang-isip na gawin iyun.
Sa kalagitnaan ng gabi napabalikwas mula sa kinahihigaan niya si Khalif. Isang masamang panaginip. Binalot siya ng pag-aalala ng maalala kung ano ang laman ng panaginip niya.
Nadidinig pa niya sa likod ng isip niya ang iyak na puno ng sakit at hirap. Ang paghingi ng tulong. Si Miad. Ang asawa niya. Hirap na hirap ito.
Nadakot niya ang harapan ng suot niyang tshirt sa tapat ng puso niya. Naninikip yun.
"Hindi ko na alam ang iisipin ko,Miad..hindi ko alam kung okay ka lang ba?"usal niya habang dakot pa rin ang tshirt niya sa dibdib niya.
Para na siyang mababaliw kakaisip at sa pag-aalala. Wala siyang alam kung ano na ba ang tunay na kalagayan nito.
"Kailangan mong sumama sakin!"
Gulat na napalingon siya sa biglaan pagsasalita ng isang boses ng lalaki. Nang makabawi agad na binuhay niya ang lampshade sa gilid niya.
Si Simon.
Seryoso at mababanaag ang pag-aalala sa mga mata nito. Agad na napatayo siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya.
"What's wrong? May nangyari ba kay Miad?"sunod-sunod niyang tanong rito.
"Hindi ako papayag na mawala si Miad sa amin dahil sayo.."mariin nitong sabi.
"May nangyari ba sa kanya?!"sigaw na niya tanong rito.
Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Wala siya nararamdaman takot ngayon kung ano man kaya nito gawin sa kanya.
He's so frustrated right now!
"Mamamatay na siya!"
Tila binuhusan ng malamig na yelo ang buo niyang pagkatao sa sinabi nito.
"Hindi..that's not true! Ang sabi sakin ni Amjad maayos lang ang kalagayan niya! Hindi niya hinahayaan na makita ang asawa ko. What? Amjad lying to me,huh?!"puno ng galit na niyang turan.
"Buhay mo kapalit ng buhay ng mag-ina mo,Khalif.."
His wife dying now. Ang mag-ina niya ma nanganganib ang buhay ngayon.
"Handa ako mamatay para sa mag-ina ko,"deretso niyang tugon rito.
"Ihanda mo ang sarili mo ngayon. Anuman oras maaari ng mamatay ang mag-ina mo,"saad nito at mabilis na lumundag mula sa balkonahe.
Agad na kumilos siya at lumabas ng silid. Hinintay siya nito makalabas at nauna sa kanya para sundan niya kung saan man naroroon ang kanyang mag-ina.
I'm coming,babe..please hold on. Fight for me..piping dasal niya habang pilit na sinasabayan ang bilis ng paghakbang ni Simon.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...