Nagkamali ako 😅😭 may naskip akong scene😭 hays..sana maitawid ko..salamat po sa nagbabasa sa series na ito.
Malakas ang galabog ng puso ni Khalif habang pinapakiramdam si Miad.
Hindi niya gusto ang aura nito. Masyadong mabigat at...malamig.
Damn.
Bago pa man siya makakuha ng lakas ng loob na kausapin ito naihinto na nito ang kotse. Hindi niya na namalayan na nakarating na pala sila sa parking lot. Mabilis ang kilos nito at nakababa na ng kotse niya. Awang ang mga labi na sinundan niya ng tingin ang dalaga na walang lingon-lingon na iniwan siya.
Marahas siya napabuga ng hininga. Naikuyom niya ang mga palad.
Alam niya galit ito at alam niyang nakita nito ang pakikipag-usap niya kanina kay..hindi na niya maalala ang pangalan na basta na lamang tumabi sa kanya. Aminado siya na may tama na rin siya ng alak kaya naman nagawa niya na sakyan ang pakikipagflirt ng babae pero alam niya na hindi niya hahayaan na umabot sila sa eksena na alam niyang pagtataksil.
Nagmamadali na bumaba siya ng kotse. Nawala na sa sistema niya ang tama ng alak.
"Shit!"mura niya ng maipit siya sa pagsasara ng pintuan ng elevator at tila naman walang pakielam sa kanya ang dalaga na deretso lang ang tingin.
"Miad,"tawag niya rito pero tinapunan lang siya nito ng tingin.
Napatiim-bagang siya sa nakuhang reaksyon nito.
Hindi naman siya nagtataksil ah!
Pero nakipagflirt ka pa din at sigurado iyun ang nakita niya!
"Mali ka ng pagkakaintindi sa nakita mo..i just--"natigilan siya at nakaramdam ng nginig sa sobrang lamig ng emosyon sa mga mata nito.
Tila binalot ng yelo ang buo niya pagkatao sa klase ng pinapakita nitong reaksyon sa kanya. Unti-unti umangat ang isang sulok ng mga labi nito.
"Hindi ako galit. Huwag ka mag-alala,"saad nito pero mas namanhid siya sa nahimigan niya.
Walang emosyon at nakakabalisa.
"Miad,"usal niya pero nabitin sa ere ang tangka niyang pag-abot rito ng humakbang ito palabas ng elevator.
Natulos siya sa kinatatayuan saka lamang siya nakabawi ng magsarap ang elevator at malakas na mura ang pinakawalan niya ng mabilis na pinindot niya button sa gilid upang magbukas ulit iyun.
Nagmamadaling sinundan niya ang dalaga pero wala na ito sa hallway. Agad na tinungo niya unit room ng dalaga pero kahit nakailang pindot na siya sa doorbell nito hindi siya nito pinagbubuksan.
Bakit hindi niya naisipan na kunin ang password nito?!
Damn it!
Marahas na napasuklay siya sa sariling buhok. Inis na inis sa sarili at sa nangyayari. Paroo't-parito siya sa harap ng nakasarang pintuan nito at wala siyang balak na umalis doon.
Kinatok niya ang pintuan. "Baby! Please,let me in! I'll explain,please,baby!"pakiusap niya.
Never in his entire life na nagmakaawa siya!
He's really falling deeply with her!
Nang maalala ang phone niya agad na kinapa niya ang bulsa ng pantalon niya pero napamura na lang siya na wala sa bulsa niya ang kanyang celpon.
Shit!
I'm in deep shit right now!
Napasandal na lamang siya sa pintuan at padausdos na umupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Miad Elston byCallmeAngge(COMPLETED)
VampireDESIRE. Miad Elston,pinili mamuhay sa mundo ng mga tao kasama ang dalawang matalik na kaibigan. Isa siya sa nagtatag ng kinkilalang Ahensya sa pilipinas,ang RED SECURITY AGENCY,hindi lang siya nakaupo sa likod ng desk niya at mag-utos kumikilos din...