Chapter Three: Re-gym

192 24 0
                                    

"If everyone is moving forward together, then success takes care of itself."

- Henry Ford

***

Porter

Dalawang oras na ang nakalipas simula noong makapasok kami sa gym ng unibersidad. Salamat kay Mr.Wilmer, ang security guard na tumulong sa amin makapunta sa tinatawag namin ngayong safe haven. Wala pa ring ipinagbago sa sitwasiyon. Balot pa rin ng matinding takot at taranta ang bawat isa na nandito ngayon. May umiiyak, may naghahabol ng hininga, may inaatake ng asthma, at may nagsasalita sa sarili. Lahat may iba't-ibang reaksiyon dala ng nangyari.

Pero ang mas inaalala ko ngayon ay si Four. Hindi man ito ang unang beses na makita siyang tulala na tila nasa loob siya ng isang trance, pero nagmistula itong unang pagkakataon. Masakit para sa akin na makita siyang ganito—mahina, walang kalaban-laban, at wala sa sarili. Minsan ko nang nakita siyang ganito at hindi ako mapakali noon, kagaya ngayon.

Nagdadalawang isip din ako kung kokomportahin ko ba siya? Dahil maskin ako ay bigo kong komportahin ang sarili ko. Oo nasa parehong kondisiyon ako katulad niya, pero kahit papano nagagawa kong kontrolin ito at itago. Ayokong magmukhang mahina sa harap ni Four. Gusto kong tanawin niya ako bilang malakas at maaasahang kaibigan. Gusto kong malaman niya, na ayos lang maging mahina dahil nandito ako para alalayan siya.

Dala ng labis na pag-aalala, hindi ko napansin ang daliri niya na patuloy sa pagpitik. Ito ang nakasanayan niya noon kapag nagkakaroon siya ng anxiety attack. Pero nasabi niya na nawala na ito, mga dalawang taon na ang nakalilipas. Pero mukhang ibinalik ito ng pangyayari na kasalukuyang humahagupit ngayon. Aktong kokomportahin ko na sana siya, nang umalingawngaw sa buong silid ang boses ng isang lalaki.

Lahat kami napatingin sa pinangyayarihan nito. Isang lalaki na nasa kanyang kwarenta ang naglakad papunta sa gitna ng gym. Walang duda na professor siya dito dahil sa pamamaraan ng kanyang pagtindig at pagkuha sa atensiyon namin—ma-awtorisado.

"Hello," bati niya habang isa-isa kaming tiningnan kasama ang isang ngiti. "Alam kong ikinabigla at ikinatakot niyo ang nangyari. Maskin ako ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari. Most of you thought na sa mga pelikula lang ito nagaganap, but what happened just now is the reality. Hindi ko masasabi sa inyo na magiging maayos ang lahat, dahil hindi ko naman hawak ang kapalaran natin dito.

"Pero gusto ko lang malaman niyo na hindi pa katapusan ng mundo. All of you, na nandito, is a living sign that humanity will thrive again. Yes, we are hopeless. We are scared. Vulnerable. Weak, against those who are outside. Pero kapag nagtulong-tulong tayo, malalagpasan natin 'to.

"What I'm implying is that, we have to make this gym as our new home. Our new safe haven. A comfort zone. At para umunlad ang samahang ito, gusto ko ang kontribusiyon ng lahat. Gusto kong may maitulong at magagawa ang lahat para mapanatili ang lugar na ito na ligtas sa mga banta na dala ng mga... kung ano man ang tawag sa mga nilalang na iyon.

"This is not a plea, since we don't have a choice. We can't disagree, dahil tanging pagsang-ayon lang ang magagawa natin para malagpasan natin 'to. Sana maintindihan niyo at sana mag-koopera ang lahat. Dahil kapag nagkagulo tayo, lahat tayo magiging pagkain. I'm not threatening you to comply, but I will resort to that kind of method if you try to risk the lives of the others.

"Later, I'm going to assign jobs and mandate rules. You can voice out your complaints if you found any of it too much for your liking, or made suggestions and recommendations if you want to add something, if and only if, it benefits the whole. 'Yon lang muna. Magpahinga muna kayo," pagtatapos niya.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon